3. That Accident

2 0 0
                                    


Sinalubong ulit ako ng umaaga na may sungit factor na. Shit ! Di ko pa rin makalimutan ang nangyari kahapon ! Gagong pangit yun ! May araw din siya sa akin !

Pero si Mama talaga, di pa rin tumatawag ! Ano na kaya balita dun sa probinsya ?

Umabot na ng 2 araw ! Ni missed calls nor texts, WALA !?

UMAGA...

GABI...

UMAGA...

GABI...

Habang nagbabyahe pauwi galing sa school, huminto muna ang sasakyan na sinasakyan ko nung may madaanan kaming banggaan ng sasakyan.

May mga ambulance at pulis ng nakapaligid. Yung truck nakatabingi na habang ang red sports car na nakabangga siguro dun, nabangga sa poste.

( Sayang namang sports car na yun. )

Nagflash back ulit lahat ng nangyari sa akin dati. Yung hatred ko sa mga banggaan na ganyan.

May isang pasareho ang nagreklamo na paandarin na ang sasakyan. Pinaandar naman ito ni kuya driver at umalis na kami sa scene.

Di ako nakatulog dahil sa nangyari kanina sa labas ng bus na sinakyan ko pauwi.

Sinisisi ko pa rin hanggang ngayon ang pagkawala niya ! Kung di siguro ako namilit na umuwi na nung oras na yun edi sana di nangyari ang banggaan sa Tagaytay. At sana buhay pa rin ang dalawa ngayon.

Yung isa, namatay din. Babae daw. Sabi ni Mama. Hindi ko na inalam pa ang mga tungkol dun.

Guilty ako sa nangyari...

Maaga na ako nakatulog. 1am ata ? Or between 1 or 2am ? Nagising ako ng 7:30 at naligo at nagbihis na ng school uniform ko at pumasok na.

Nang dumating ako sa university, yung mga students parang in panic mode ! Anong nangyayari ?! Kahapon banggaan, ngayon gulo ? Ang dami namang nangyari sa sunod sunod na araw na to ah !?

Pumasok na ako ng classroom ng hindi pinapakinggan ang mga tsismis ng mga studyante dito.

Kinuha ko yung phone ko sa loob ng bulsa ng palda ko at tinext si Chloe.

' May accident na naman akong nakita kahapon dito. Kita tayo ? '

Messege sent...

Binalik ko ulit yung phone ko at nilagay sa bulsa. Then, nilagay ko ang siko ko sa armchair at yung kamay ko, covered sa mukha ko.

Gosh ! Buti na lang at di ako nagpanick nun or something na nahimatay pa. Thanks Papa. You helped me through that one.

Pero di ko nakayanang pigilan ang luha ko.

Biglang may naramdaman akong vibration. Kinuha ko ulit ang phone at nagreply na pala si Chloe.

' Need me to comfort you ? Kita na lang tayo mamaya sa breaktime. May teacher na kami eh. Wag kang magwawala dyan Abrielle ha xD ! See you ! '

Pinunasan ko yung luha ko at binalik na sa bulsa ang phone ko nang biglang dumating na si Mr. Guzman kaya nagsibalikan na sa upuan ang mga kaklase ko.

The time flew past at breaktime na. Iniwan ko yung gamit ko except sa mga variables. Dumiretso na ako sa cafeteria at nakita kong naghihintay na pala dun si Chloe.

Umupo na ako across sa kaniya at nagsmile siya.

" So, can you tell me bakit ngayon ka lang pumasok ? " Tanong ko sa kaniya. The smile on her face disappeared.

" Yung pinsan ko, namatay na. "

" Sinong pinsan ? " I asked, holding her both hands.

" Si Kyle. Nabangungot daw, sabi ng Mama niya. "

" So, yun pala ang dahilan kung bakit di ka pumasok in a week. "

" Oh ikaw naman, kamusta ka na ? Anong accident ang nakita mo ? Okay ka lang ba ? " Concern na tanong niya.

Ngumiti ako at sabing, " I only cried. That's all. "

Nagsighed siya, " Ano ba kasing klaseng aksidente yung nakita mo ? "

" Banggaan ng kotse. Buti na lang at di ko nakita ang whole scene nun. Baka nahimatay na ako dun or nagpanick sa loob ng bus. "

" Grabe, banggaan agad. "

" Walang pinipiling oras ang aksidente, Chloe. Kung time mo na, time mo na. "

" Yeah, " she nodded. " Teka, naniniwala ka ba sa mga story na di ka muna makakapunta sa bright light o kung anong tawag nila dun pag namatay ang isang tao ? "

Bigla akong napaisip at sabing, " Some says na gagala gala ka muna until mahanap mo yung isang bagay then matatahimik na yang kaluluwa mo. But for me, I don't believe on those stories. I can't prove dahil di pa naman ako namamatay eh. " Sagot ko.

" But I believed that if you call someone who had just passed away, they all can hear you. "

" Who are they ? Yung mga namatay na ?"

" Yup, "

" Kumain na nga tayo. " Sabi ko at tumayo na kami at bumili na ng pagkain.

Hindi pa naman nagbebell pero kami ni Chloe, umalis na sa cafeteria. I told her na pumunta sa bahay namin dahil mag isa lang ako dun. She said yes. Nauna na rin siyang pumasok sa classroom niya. At ako, lumiko muna at papasok sa ladies' room hanggang napansin ko si Xymon.

His SoulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon