7. " I Don't Like The Plan "

0 0 0
                                    



" What !? That's not the part of the plan!"

Sigaw sa akin ni Xymon dito sa loob ng kwarto ko. Wala pa rin si Mama. Text lang ang pinadala niya sa akin at pera. Matatagalan pa raw siya doon. Next month pa kasi ang flight ni Tita Nora pauwi dito. Isa sa mga kapatid ni Mama.

" Okay ? Kung ayaw mo yung planong yun, tell me paano ako makakapasok sa loob ng kwarto mo sa hospital nang mabilisan ? "

He was silent for a minuet. Then I began to talk,

" Wala, diba ? 1 month lang ang binigay sayo, diba ? Kaya nga pinadalian namin ni Nathan ang plano para makabalik ka ulit sa katawan mo. "

" You should have other plan. "

" Bakit ba ayaw mo yung planong yun ? Isang buwan lang kami magpapanggap ni Nathan na kami na para makapasok ako sa kwarto mo nang mabilisan at madalian. Kung kaibigan lang, hinding hindi ako makakapasok sa kwarto mo. Like, di mo nga ako kilala, diba ? Lalo na yung mga magulang mo. Kaya naisip ni Nathan na magpanggap na kami. What's the big problem dealing with that ?"

Umilang siya ng tingin sa akin at umupo sa higaan ko.

" Just do it fast. " Sabi niya.

" Yes po, Sir. "

Tumayo na siya at sabing,

" I need to see him. "

Napatayo din ako,

" Sino ? "

" Si Peter. Yung lalaking nagsabi sa akin nito. " At dahil dun, nawala na siya. Tumagos na naman sa pader sa kwarto ko.

Humiga na ako at binalot ng kumot ang katawan ko.

Bakit ba dapat mangyari to sa akin lahat ? Yung kay Lola. Yung kay Papa. My ability to see other things that ordinary people can't. Tsaka bakit ang weird ni Xymon ngayon ?

Lumabas ako ng bintana at umupo sa may bubong at tumingin sa kalangitan.

Ang dami palang stars ngayong gabi. Tapos, ang lamig ng hangin. If Dad was here with me, I'll hug him tightly and tell him things that I never told him before. I missed him so much. So much.

Bakit yung ibang kaluluwa nakikita ko ? Bakit yung kay Papa, hindi ? Ni hindi ko nga naramdaman si Papa kahit minsan man lang. Tsaka, bakit si Papa pa ? Ang dami namang tao sa mundong ito na makasalanan, bakit siya pa ? Bakit si Papa pa ? Ang dami niyang taong natulungan. Ni wala nga akong natatandaan na naging kaaway niya eh ?
I want to ask Him and jugde His desicions ! I want to get angry with Him. Pero, kahit ganun, nagpapasalamat din ako sa Kaniya. Dahil sa Kaniya, nagkaroon ako ng tatay na katulad ni Papa.

He's the best Dad I've ever knew. I missed him so much.

" I'd like to give you some tissues but the problem is, I can't touch or hold anything except you. "

Napatingin ako sa nagsalita. Si Xymon. Nakaupo na siya sa gilid ko.

" Kanina ka pa ba dyan ? " I asked.

" Nope, " sagot niya, " Ngayon ngayon lang. "

Napatingin ako sa malayo. And he noticed my actions.

" Tahimik mo dyan ah ? Di ako sanay. " Sabi niya.

" I missed him. "

Napatingin siya sa akin at sabing,

" Him ? Sino ? "

" Sana binigyan din siya ng pagkakataon na mabuhay pa, katulad mo. "

" Abrielle, "

Napatingin ako sa kaniya nung sinabi niya ang pangalan ko. Siya naman, nakatingin sa harapan.

He then opened his mouth.

" Hindi ko alam kung magigising pa ako."

" Ano ? Pakisabi nga ulit. " I told him. Parang nagsalita siya ng Latin na di ko naintindihan.

" Everyone's going to die. Iba iba lang ng oras. But I believe that we're going to rebirth after we die. "

" Ano bang sabi ni Peter sayo kaya yan ang lumalabas sa bibig mo ? "

" Pwede akong mamatay at di na magising pa, Abrielle. "

" Pero, may paraan din para mabuhay ka, diba ? "

" Yes, " he answered, looking at me,
" But he ordered me not to tell you. It's the rule. "

" May mga rules parin pala dyan. "

" Of course, there's a rule for everything." Sabi niya.

" Rules din ba ang bawal ipaalam na spirit ka ? " Tanong ko.

" Yup. It's another rule. "

Bigla akong natahimik. Napatingin siya sa akin.

" Bakit ? " He asked.

" If you wake up, maaalala mo pa ba to ? Lahat ? "

Bigla siyang umilang ng tingin at sabing,

" Hindi na. "

I felt something inside me na di ko dapat naramadaman,

" Buburahin nila lahat ng memory ko habang kaluluwa pa ako. Wala ako matatandaan kahit isa sa mga nangyari. Kahit isa. " He continued.

" Kahit isa, " The phrase echoed inside my mind.

His SoulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon