1. This is 'This' !

3 0 0
                                    



As usual day na naman ang tumambad sa akin sa loob ng campus. Naghihiyawang mga babae dahil sa mga soccer players namin sa school at mga naglalandiang creatures sa harapan, gilid, likod ko.



Like, ito palagi ang tumatambad sa akin sa pagpasok at paglabas ng campus na ito !



Mas okay nang hindi kilala ng ibang tao kaysa naman sa sobra ka ngang kilala, yung mga kaibigan mo naman, ginagamit ka lang para sumikat din sila katulad mo !



Gamit gamit din utak paminsan-minsan, huh ? Nakakaawa kasi kayo eh.



Ang pangit nga sa university na ito dahil kung wala kang money, wala ka dapat sa lugar na ito. At kung wala kang popularity, binubully ka nila. Kahit nga mga matalino dito, kinakawawa eh. Imbis na katakutan, ayun... ! Pinagtatawanan.



May mga saltik ang mga Bloomers dito. Kahit teacher, ginagago. As in ! Parang di paaralan yung pinasok ng mga to eh !



Sige ! Sabihin niyo ng judgemental ako, pero ganon din kasi ang tingin ng mga tao dito sa akin. Kung gaano ako galit sa kanila, ganon din sila galit sa akin.



Ewan ko ba, bakit ang feeling ko pinagsakluban ako ng langit at lupa eh mas totousin, may utak pa ako sa mga to.




•<>•<>•<>•<>•<>•



Nagpanic na ang mga Bloomers nung tumunog na ang pinakaayaw nilang tunog. Ang bell.



Pumasok na ako sa classroom at umupo sa dulo mag isa, tapat ng binatana. Sanay na ako sa word na O.P lalo na pag walang teacher sa loob ng room. Meron nga akong kaibigan, nasa ibang section naman. Saklap ng buhay ko nuh !?



Natapos agad ang araw ko nung nakauwi na ako sa bahay. Sanay umuwi mag isa. Buti na lang di pa ako nasisiraan ng bait.



" Ma ? "



Tawag ko nung pagkapasok ko mismo sa bahay. Ang tahimik ngayon ah ? Palagi pag umuuwi ako, nababasag ang ear drums ko sa sobrang lakas ng tunog ng music ni Mama. Yung theme song nila ni Papa na nasa langit na.



Dahil sa accident na yun, ang daming nagbago sa buhay ko. Yung dating pagkagising ko, ang almusal ko agad ang greetings ni Papa sa akin. Tapos pagbaba ko ng hagdan, sila Mama at Papa naglalambingan.



Di na talaga ako pupunta sa Tagaytay ! Swear ! Mamamatay na naman ako !



My family was the example of a perfect family before. Pero dahil sa pisting aksidenteng yun. Pati ang nananahimik na Abrielle, nabulabog dahil sa mga multong nakikita niya. Sabi daw ni Tita na isang expert sa mga ganon, nabuksan daw yung third eye ko.



Ako naman, di ko alam kung ikakatakot ko ba yun o ikakatuwa ? Dahil sa sobrang dami kong imagination, yung iba ata ng nakikita ko, guni-guni ko lang. Pero kahit na may ganito akong 'sakit', di pa rin ako naniniwala. Si Papa nga na palagi ko gustong makita, di ko magawa. Tapos sasabihin sa akin ni Tita na nabuksan daw yung 'third eye' na meron ako ?



Pumunta ako sa may kusina, pati na rin yung banyo, tinignan ko na. Wala kahit isang bakas ni Mama. Ansaan na yun ? Wala naman akong alam na pupuntahan niya ngayon ? Tsaka gabi ? Saan siya pupunta sa gitna ng gabi ?



Hanggang sa nakatulog na ako sa higaan ko kakahintan kay Mama. Yung phone naman niya, di niya sinasagot. Saan ba talaga yun nagpunta ?


His SoulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon