Kabanata 05

178 27 3
                                    

Brent's POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Brent's POV

"IKAW?!" sabay naming sabi ni Monica. Aba, aba! Bakit siya to? Well, di ko alam na siya ito ah! But imfairness chicks nga yung sinusundo ko. Hahaha. Ang swerte ko naman.

"Sus maka-react wagas! Kung alam ko lang, tuwang tuwa ka pa nga dahil nandito ako eh" sabi ko sabay ngisi. Mukhang nagalit na naman siya ata. Umuusok naman ang ilong katulad kahapon eh, pero imfairness ang cute niyang mainis ah!

"Napaka-hangin naman talaga ng isa dyan! Kapal ng mukha! Tuwang tuwa daw ako dahil nakita ko siya eh imbyernang-imbyerna nga ako dahil nandito pa siya" sabi ni Monica ng sarcastic sakin. Ang sakit naman magsalita neto.

Kahit pabiro yung sabi niya, ang sakit eh haha.

"Ang sweet naman ng Monica ko. Kaya labs na labs ko ito eh" sabi ko nalang atsaka siya inakbayan. Mukhang namula naman siya dahil sa sinabi ko. Sus, galing talagang magpakilig.

"Ewan ko sayo! Ihatid mo na nga ako ng mayari na tong party na to. Pch." Galit na sabi naman niya sakin atsaka siya sumakay ng kotse ko. Halata parin na naiinis siya. Hahaha. Lumalabas na ang reason kung bakit ko siya gusto. Pikon kasi siya, but hindi ko siya gusto as a girl ah! Gusto ko lang siyang asarin. Sobrang pikon kasi. Tapos ang cute pa niyang mapikon, namumula haha.

Sumakay nalang rin ako sa kotse at agad agad ko siyang tiningnan gamit side view mirror ng kotse.

Nahuli ko naman siya na nakatingin rin sa side view mirror so parang parehas kaming nagkatinginan.

Grabe ata, ang inis sakin netong babaeng to! Nakasimungot pa rin atsaka nakakunoot ang noo kung tumingin sa side view mirror eh. Haha!

"Alam kong maganda ko, hindi mo na ako kailangang tingnan." Nabigla naman ako sa sinabi ni Monica. Aba, marunong din pala tong lumaban. Hahaha! Yan gusto ko eh, medyo palaban.

"Oo nga, ang ganda mo kaya kita labs na labs eh" sabi ko sa nalang sa kanya atsaka na pinatakbo ang kotse ko. Baka kasi malate pa kami. Nung pinapaandar ko naman yung kotse ko, napatingin ako sa side view mirror at ganun rin si Monica. Nakita ko naman siyang namula. Kinilig yata sa sinabi ko. Hahaha. Lakas talaga ng karisma ko.

---

Monica's POV

Hanggang pagkaupo ko sa kotse ni Brent ay nakakunot pa rin ang noo ko. Nakakaimbyerna. Bakit siya pa kasi yung anak ni Mr. Faulker eh. Nakakainis.

"Baka gusto mo nang bumaba, nandito na tayo eh. Siguro gusto mong buhatin pa kita, noh?! Chansing ka! Pero dahil labs kita tara buhatin na kita" bigla akong nagulat dahil biglang nagsalita si Brent pero ang mas kinagulat ko ay yung sinabi niya. Lakas maka-assume nitong lalaking to. Bwiset.

Players In HouseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon