Kabanata 10

106 19 2
                                    

Monica's POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Monica's POV

Calling.. Bhest..

Patuloy pa rin akong naka-tingin sa aking phone habang patuloy pa rin itong nag-ri-ring.

Tumatawag kasi si Bhest e. Di ko naman alam kung sasagutin ko ba o hindi?

Nakakapagod kasi ngayong araw na to kaya maski pagsagot sa call sa cellphone ko ay hindi ko magawa. Haaaay.

"Why?"

Sinagot ko na rin yung tawag mula kay Bhest dahil patuloy pa rin ito sa pag-ri-ring. Ba't kaya napatawag itong babaeng to?

"Problem?"

Di ko alam na naring pala ni Bhest yung diin sa sinabi kong 'why'. Napansin pa pala niya yun. Akala tuloy niya may problema ako.

"Wala. Anyways, bakit ka napatawag?"

"Ehhh. Bhest, kyaaaaaaaaaaah"

Ipinasak ko ang aking daliri dahil sa sigaw ni Bhest. Nakakarindi e.

"Bakit ka ba sumisigaw? Punyeta ka. Badtrip na nga yung tao eh"

Sumagot na ko sa sinabi ni Bhest sa kabilang linya habang hinihilot-hilot ang noo ko. Nakakapagod talaga ang araw na to.

"Eh kese nemen best kenekeleg eke eh. Hihi"

Napa-taas ang kilay ko sa kalandian ni Bhest. Aba, kahit ako oh-so-called-playgirl, hindi naman ako ganyan kalandi kay Bhest. Hahaha.

" Anong kalandian yan? Anyways, bakit ka ba kasi napatawag? Kapag di mo sinagot yung tanong ko bababaan kita"

Nakataas pa rin ang kilay ko habang patuloy na nagsasalita. Di pa kasi nasasabi ni Bhest kung bakit siya napa-tawag e.

"Eh, Bhest. May date kasi ako---"

Hindi pa natatapos magsalita si Bhest pero pinitol ko na ito. Wala akong pake sa ka-date niya.

"Eh may date ka naman pala eh, bakit kailang---"

"EH PUNYETA KA DIN PALA BHEST EH. PATAPUSIN MO NGA MUNA KAYA AKO?"

Tinakpan ko ang tenga ko ng isa kong daliri at muntik ko nang maibato ang cellphone ko dahil sa tugon na sigaw ni Bhest. Ang sakit sa tenga.

Players In HouseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon