Kabanata 09

169 23 172
                                    

Monica's POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Monica's POV

Maaga akong umuwi ngayon dahil sa nangyari kanina. Sinabihan ko na siyang tumigil na pero sige pa rin siya, kaya ayun, umuwi nalang ako para magpahinga. Hmp!

Andami rin palang nangyari ngayong araw. Haaay. Yung una, nagtransfer si Brent. Pangalawa, yung halik. Pangatlo, yung mga pinagsasabi ni Brent.

'Yan tuloy laman na kami ng usapan sa school, na kesho bagay daw kami, ang ganda daw ng love team namin, playgirl at playboy din daw pala ang magkakatuluyan. Puro mga ganun. Para silang mga baliw. Di kaya kami bagay ni Brent. Panget panget nun eh.

*ting*

Napa-tingin ako sa cellphone ko ng bigla itong umilaw at tumunog. May nag-text pala.

1 message received ..

From: +63916*******

Galit ka?

Napahilamos ako sa mukha ko ng mabasa ko yung text. Sino na naman kaya 'to?

Mag-re-reply na sana ko ng nagtext na naman siya.

From: +63816*******

Si Brent to

Authomatic na nag-init ang buo kong mukha ng malaman kong si Brent pala yung nagtext. Mambwibiwisit na naman yung hinayupak na yun eh.

Dahil sa inis, ay nagreply na lang ako. Mabuti nang makaganti kahit papaano.

To: +63816*******

Punyeta ka. Wag ka nang mag-text. Bwisit ka. Nakalimutan ko na nga yung ginawa mo, pina-alala mo pa. Ugh!

Napa-ngisi ako sa itinype kong text. Ang astig nung text ko eh. Parang ang tapang.

Napa-irap nalang ulit ako ng tumunog ulit yung cellphone ko. As usual, text na naman galing kay hinayupak na Brent.

From: +63816*******

I love you too.

Medyo nanlaki ang mga mata ko ng mabasa ko yung text na reply ni Brent. What the fuck? Anong 'I love you too' ang pinagsasabi nato?

Pinagtitripan mo na naman ba ko Brent?

Sa sobrang inis ay hindi nalang ako nag-reply.

Players In HouseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon