Kabanata 07

164 28 3
                                    

Brent's POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Brent's POV

Hays. Hanggang ngayon, sising sisi pa rin ako dahil tinulungan ko pa yung lalaking nerd na yun. Ayan tuloy, kakailanganin ko pang mag-transfer. Pano na yung paglalaro ko ng basketball? Bwiset naman kasi eh. Nabawasan din yung allowance ko. Ang malas talaga. Kagabi, pag-uwi ko ng bahay, agad-agad kong sinabi kay Dad yung nangyari. Mula doon sa pagtulong ko dun sa lalaking nerd, hanggang dun sa pag-kwento ko sa Dean nung nangyari. Pati yung hindi ako pinaniwalaan ng Dean, sinabi ko rin. Kaya lang, nakakainis naman si Dad dahil pati ako, hindi paniniwalaan. Sinabi pang sobrang gago ko kaya yun daw ang napala ko. What the heck? Ako pa ang nasisi samantalang ako naman yung tumulong. Haaay. Ang buhay talaga

"Manang alis na ko. Paki-sabi kay dad, pumasok na ko sa school." sabi ko kay Manang nang makita ko siya. Gusto ko na kasing pumasok sa school dahil ayoko nang maabutan pa ni Dad at dahil na rin sa na-eexcite ako sa new school ko. Hindi rin naman maipagkakaila yun.

"Sige ho, sir" tugon lang sakin ni Manang atsaka tumango-tango.

Pinahanda ko naman yung kotse ko sa kanya dahil gagamitin ko to sa school.

Maya-maya lang ay umalis na rin ako. Dumaan muna ko sa kaibigan ko bago pumasok. Pampalipas oras lang. Maaga pa naman eh. Sa ngayon, nasa harap na ko ng bahay/mansion nila.

Calling.. Stephen..

"Oh?" narinig kong sabi niya sa kabilang linya. Mukhang kagigising palang dahil narinig ko pa siyang nag-inat. Aba! Mukhang di na broken-hearted ah (kung matatandaan niyo, siya yung sinamahan ni Brent sa bar nung chapter 1 / 2 ).

"Buksan mo yung gate niyo, Dali" utos na sabi ko sa kanya.

"Yun lang ba. Tumawag ka sa ganitong oras para lang buksan ko yung gate. Manong pina-bukas mo nalang kila manang. Nag-iisip ka ba?" sabi sa'kin ni Stephen ng nag-aalburoto. Mukhang naiinis. Hahaha. Ikaw ba naman, gisingin ng maaga, tapos ipapabukas lang pala sayo yung gate niyo, bakit di ka maiinis? Sa totoo lang, sinadya ko talagang sa kanya ipabukas yung gate eh. Gusto ko kasing magising rin siya ng maaga dahil ganun din naman ako. Dapat magkamukha kami ng gising dahil magkaibigan naman kami.

"Tanga ka ba. Kaduga naman ata, kung ako maagang gumising tapos ikaw sarap na sarap sa tulog. Kaya para fair, ginising kita. Ayos ba?" sabi ko naman sa kanya habang ngumingiti-ngiti. For sure, gigil na gigil na sakin yun. Haha.

"Tangna mo pre" mura niya sakin. Natawa na lang ako dun.

"Alam ko, bumaba ka na dali. Pagbuksan mo na ko kung ayaw mong sa ate mo pa ako tumawag para ipabukas tong gate niyo" sabi ko ng may ngiti ulit nang pang-asar. Ang sarap talagang mang-asar lalo na kung ang inaasar mo ay yung bagong gising. Hahaha. For sure, badtrip na badtrip yun.

Players In HouseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon