Kabanata 06

169 29 0
                                    

Brent's POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Brent's POV

Yari na akong gumayak at nakahanda na ako papasok ng school. Buti nalang at nakatulog din ako kagabi nung maka-uwi ako. Iniisip ko kasi si Monica. Di ko lang alam kung bakit. Basta, naguguilty ako nung sa party. Mukhang na-bad trip yata siya sakin eh.

"Aga niyo ngayon sir ah!" tinanguan ko nalang si manang ng batiin niya ako. Masama bang maging maaga kahit minsan? Hindi naman eh haha.

Kinuha ko na yung kotse ko at dumeretso na sa school. Maaga pa naman kaya napag-desisyunan kong maglakad-lakad muna ng makarating ako duon. Dinatnan ko kasi yung school na kakaunti palang ang tao. At dahil dun, in-assume ko na maaga pa ko. At dahil maaga pa ko, maglilibot-libot muna ko.

Pumunta muna akong garden at umupo muna dun. Bigla bigla ay sumagi sa pag-iisip ko ang mukha ng ex ko. Naalala ko na naman siya. Masakit pa rin kasi, pero masaya naman ako dahil paunti-unti na ring nawawala ang sakit na idinulot niya sakin. Kaya lang nakakabwisit at feeling ko natatapakan yung ego ko sa tuwing naalala ko siya. Pinagpalit kasi niya ko sa iba eh. Tangina. Nakakabwisit naman oh.

( "Mahal na mahal talaga kita Venice. Huwag mo kong iiwan ah?" sabi ko na naman ulit kay Venice. Pangilang beses ko na bang nasabi sa kanya to?

"Mahal na mahal din kita Brent. Promise di kita iiwan. Sayo lang ako. Hindi kita pagpapalit." Sabi niya atsaka ako hinalikan. )

Naalala ko na naman yung sinabi niya sakin noong kami pa. Asan na yung pinangako niya sakin na yun? Asan na yung sinabi niyang di niya ko iiwan? Asan na yung sinabi niyang di niya ko ipagpapalit? Asan na? Sabi niya mahal niya ako. Bakit pinagpalit niya ko kung mahal niya ako? Tsk. Nagiging emosyonal na naman ako. Pero buti nalang alam kong malapit na malapit nalang makaka-move na ko. Onting onti nalang.

"Panyo oh" may biglang nagsalita sa likod ko. Di ko dapat lilingunin at kakausapin iyon pero nilingon ko pa rin ito. Ang rude naman kung ni isang lingon lang, di ko pa maibibigay sa nasa likod ko na ito.

"Thanks but no thanks" sabi ko nang lingurin ko yung nasa likod ko. Tumayo na rin ako sa kinauupuan ko atsaka umalis. Di ko na kailangan ang panyo na 'yun dahil di naman ako naiiyak eh. At kung naiiyak man ako, hindi ko pa rin matatanggap yung panyo dahil ayaw kong may naawa saking tao eh. Ayokong nagmumukhang mahina sa harap ng iba. Malakas ako eh.

---

Nang umalis ako sa garden ng aming school ay bigla akong nadala ng mga paa ko sa gym. Pumasok naman ako dito at nakita ko ang tatlong mga lalaki na pinag-sususuntok yung isang lalaki.

Players In HouseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon