Chapter 1: Unknown

90 5 2
                                    

A/N: may I just remind you guys na magiging mabagal ang pag update ko ng mga chapter ng story na ito dahil sa pagiging busy ko sa school so sana mapagpasensyahan niyo ako. SALAMAT!

So Enjoy reading!

Don't forget to vote and leave some comments :)

Chapter 1

Elica’s pov:

Araw-araw na lang akong busy dahil sa dami ng mga trabaho sa school kahit classroom President lang ako. Andaming kailangang tapusin dahil parang wala akong vice-president at secretary na pwedeng tumulong sa akin. Hindi lang kasi ako ang president ng klase namin kundi ako na rin ang Vice, Secretary, Treasurer, PIO, Auditor at sgt. And arms.  

Alam mo yong feeling na gusto mo nang umuwi para makapagpahinga pero kailangan mo munang magwalis ng classroom niyo dahil yong mga naka assign na cleaners of the day ay nagsiuwian na. Nakakainis! kaya ito gabi na ako ngayon umuuwi kasi kinailangan ko pang dumaan sa mall para bumili ng mga gamit na gagamitin sa classroom namin sa paggawa ng decorations.

Isa na namang pagsubok ang gabing ito sa akin dahil dadaan ako sa kalsadang andaming adik na mga tao.

Napatigil na lamang ako ng may lumapit na lalake sa akin at tinutukan ako ng kutsilyo sa may tagiliran ko.

“wag kang sisigaw kung ayaw mong mahiwa ng matalim kong kutsilyo ang tagiliran mo.” Bulong sa akin ng holdaper.

“wala po akong pera kung yon ang hanap niyo sa akin kaya pakawalan niyo po ako.” Mahina kong sabi sa lalakeng holdaper.

“tumahimik ka kung gusto mo pang mabuhay. Sige lakad.” Sabi ng holdaper kaya sumunod na lang ako sa kanya.

hindi ako umiimik habang naglalakad kasama ang holdaper na lalake na tinututukan ako ng kutsiyo sa tagiliran ko na anytime na gumawa ako ng isang move na hindi niya magugustuhan sasaksakin niya ako. Natatakot ako dahil hindi ko alam kung ano ang gusto ng lalakeng ito sa akin. Pera, cellphone o ano. Mas lalo akong kinabahan ng dalhin niya ako sa restricted area. Pagdating namin sa lugar na yon agad niya akong tinulak sa may pader ng bahay kasi may lumang bahay dun.

“ano pong kailangan niyo? Pera po ba? Wala po akong pera.” Naiiyak kong sabi sa holdaper ng makaharap ako sa kanya.

“hindi ko kailangan ng pera mo dahil alam kong wala kang pera.” Sabi ng holdaper habang dinidilaan niya ang mga labi niya.

“eh ano po ba ang kailangan niyo?” tanong ko sa holdaper habang umiiyak ako.

Hindi niya ako agad sinagot sa halip ay lumapit siya sa akin habang hawak niya pa rin ang kutsilyo niya kaya lalo akong natakot ng tuluyan siyang makalapit sa akin. Hindi ko alam kung ano ang gusto niyang gawin sa akin, papatayin oh gagahasain niya ako.

“ikaw ang kailangan ko. Kailangan ko ng isang babaeng magpapainit sa gabi ko.”

Pagkatapos niyang sabihin sa akin yon ay agad niya akong sinunggaban at sinubukan akong halikan pero agad kong naharang ang katawan niya ng dalawang kong kamay at naitulak ko siya dahilan para matumba siya kaya nagkaroon ako ng pagkakataon na tumakbo.

“hay! Wag po please wag po.” Umiiyak kong sabi sa holdaper pagkatapos niya akong mahabol.

“kung ayaw mong patayin kita pakisamahan mo ako.” Sabi ng holdaper sa akin.

“wag!!!!” sigaw ko habang nakikipaglaban ako sa kanya. Sinusubukan niya akong halikan pero  di niya magawa dahil pilit ko siyang tinutulak.

He's Mine, She's Mine (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon