Chapter 6:
“Yes Rex, just text me where and what time.” Reply ko sa kanya.
Hindi halatang excited ako diba? Ayna, ang landi-landi ko! Makikita ko na siya.
*teet*
Nagreply siya.
“susunduin kita dun sa lugar kung saan tayo unang nagkita.”
Ayna, sweet naman. Susunduin talga niya ako. Kalerke!!
“okay, text lang kita pag tapos na ako magbihis.”
*teet*
Nagreply ulit siya.
“okay:-*”
Oi may :-* sa reply niya. Diba kiss yon? Diba? Ohmygash!!! What’s the meaning of this? Gusto niya akong halikan? Now na ba? Ayna kinikilig ako!!
Ay, sorry po. Alam ko oa na ako pero kinikilig talaga ako, hehe J
Naghanap na ako ng maiisusuot ko na magmumukang maganda ako at tao sa paningin ni Rex. Alam ko maganda ako kahit hindi magaranng damit ang isuot ko pero mas maigi na yong presentable ako pagharap sa kanya.
Huhu! Ito na ang simula ng lahat-lahat sa amin ni Rex. Ang gaga ko, as if naman gusto ako ni Rex. Ako lang naman ‘tong may gusto na makita siya.
Pagkatapos ng pagbibihis kinuha ko ang cellphone ko at tenext si Rex.
“tapos na ako at papunta na ako sa meeting place natin.” Agad kong senend yon sa kanya. Excited ako!
Lumabas na ako ng kwarto at bumaba sa sala. Hindi pa man ako tuluyang nakababa ng sala eh sinalubong na ako ng mama ko ng tanong.
“saan ka pupunta?”
“lalabas lang ako sandali ma.”
“saan?”
“dyan lang sa may mall.”
“sino kasama mo?”
“wala, ako lang.”
“sigurado ka na mag-isa ka lang?”
“oo ma.”
“sigurado ah?”
“oo nga po.”
“bumalik ka agad.”
“opo.”
At nagkiss ako kay mama bago ako tuluyang lumabas ng bahay namin at pumunta sa meeting place namin ni Rex. Hay, buti na lang konti lang tanong ni mama.
Habang naglalakad ako, napansin ko na parang ang bilis kong maglakad. Ganun ako ka excited na makita si Rex? In fairness kanina pa ako nagtataka kung bakit ako excited na makita siya at kanina pa ako nakakaramdaman ng saya pag binabanggit ko ang pangalan niya. Inlababo na kaya ako sa kanya? Sign kaya ang mga yon?
Hindi nag-tagal nakarating na rin ako sa meeting place namin at nagulat na lamang ako ng makita kong nandun na si Rex. Nakatilod siya habang palapit ako sa kanya kaya naman hindi niya ako agad napansin hanggang sa
“ARAY!!”
Natapilok ako L
Narinig niya ang pagsigaw ko ng aray kaya agad siyang napalingon sa gawi ko at tumakbo siya palapit sa akin.
“are you okay?” tanong niya.
“oo.” Sagot ko habang nakayuko kasi nahihiya ako.
Makahiya kayang matapilok.
Hinawakan niya ang kamay ko at unti-onti niya akong pinatayo. Yong hawak niya sa mga kamay ko ang sarap sa pakiramdam. Pakiramdam ko hindi ako natapilok.
“okay ka lang ba talaga?” tanong niya ulit sa akin.
“oo okay lang ako.” Sagot ko sa kanya habang nakayuko ako ULIT.
Badtrip naman oh, kanina lang eh excited akong makita siya to the point na nagwala ako kanina dahil akala ko hindi ko siya makikita ngayon tapos ngayon na nasa harapan ko siya hindi ko magawang tingnan siya. Shete lang.
Bigla ko na lang naramdaman ang kamay niya na humawak sa pisngi ko at unti-onti niyang iniangat hanggang sa magtagpo ang mga mata namin. Grabe, ang gwapo talaga niya, sobra. This is the first time na makita ko ang mukha niya ng ganito kalapit.
“sigurado ka okay ka lang?”
Ang gwapo niya, nakakatulala.
“Elica are you okay?”
Parang tutulo na ang laway ko habanng tinitingnan ang mukha niya lalo na ng mapatitig ako sa labi niya. Hmm.. parang Nescafe ata ‘to, Yummy!
“answer me Elica.”
Nagsasalita ba siya? Tinanong niya ba ako?
“Elica.”
Gwapo talaga. Yong pante ko nahulog na ata, pakipulot please.
“Elica.”
May tumatawag ba sa akin?
“Elica answer me.”
“Yummy!”
“huh?”
O______O
WHAT THE FVCK!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!
Bat ko yon nasabi sa kanya?
Nakakahiya!!
Ayaw ko na!!
Nakakahiya talaga!!
Wala na akong magagawa kundi ang yumuko ulit. Hindi ko na siya kayang tingnan pa ulit. Pero bigla niya ulit hinawakan ang pisngi ko at iniangat kaya napatitig ako ulit sa kanya pero this time parang tututo talaga ang laway ko. Sobrang lapit ng mukha niya.
“ano yong sabi mo kanina?”
“huh?”
“yong sinabi mo kanina.”
“may sinabi ba ako?”
“oo.”
“huh? Wala ah.”
“meron.”
“wala.”
“meron.”
“wala nga.”
“narinig ko nga eh.”
“wala, guniguni mo lang yon.”
“sure ka?”
“oo. Wala akong sinabi. Guniguni mo lang yong sinasabi mong narinig mo.”
“talaga?”
“oo nga.”
Ako na ang magaling magdeny. Nakatitig pa rin ako sa mukha niya habang hawak-hawak niya ang pisngi ko hanggang sa nag-pouty lip siya at kinagat ang labi niya.
“Yummy!”
“That’s the word Elica. Yummy!”
O_____O
WHAT THE HECK IS GOING ON WITH ME???
NAKAKAHIYA AKO.
Ang mukha ko sobrang init at pulang-pula. Nakakahiya talaga.
ELICA NAKAKAHIYA KA!!!!!
“Yummy pala ako ha.”
BINABASA MO ANG
He's Mine, She's Mine (ON HOLD)
Romancemasaya ang umibig pero masakit din sa kabilang dako.