A/N: Pasensya na sa sobrang late na pag-update. Naging busy lang kasi dahil sa exam. Pero pambawi man lang sa inyo, ito ang maikling update ko, hehe. Sana magustuhan niyo. Mag vote at comment kayo pagkatapos ha? Salamat!
Enjoy Reading po!!!
Chapter 11: Ice Cream
Ilang araw na simula ng may nangyaring away sa pagitan ng bestfriend ko na si Rhea at ni Monica at hanggang ngayon hindi pa rin niya ako kinakausap. Hindi na siya sumasabay sa akin tuwing kakain ng tanghalian. Hindi na rin siya sumasabay sa akin pauwi. Kahit text wala akong natatanggap mula sa kanya.
Pasalamat na rin ako dahil wala nang ginagawang pagpapahirap si Monica at mga kaibigan niya sa akin. Sa ganung situwasyon, panatag ang loob ko na hindi mapapaaway ang best friend ko ng dahil sa akin. Panatag na rin ang loob ko dahil hindi na nila ako inaapi.
Kung si Rhea hindi ako pinapansin, si Rex naman todo effort sa akin. Hindi ata kami nagkaintindihan nung nag-usap kami. walang siyang ginawa kundi magpacute ng magpacute sa akin. Kung maka-asta akala mo boyfriend ko.
May pahatid at sundo pa siyang nalalaman. Simula nung hinatid niya ako sa bahay ayon, umabuso ang loko. Nagulat na lamang ako kinabukasan nung papasok na ako kasi bigla ba namang siyang dumating para sunduin ako. Dahil doon walang ginawa ang nanay at tatay ko kundi tuksuin ako tungkol kay Rex. Nakakainis kasi imbes na talakan ako ng nanay ko at bulyawan ako ng tatay ko, pang-aasar ang ginawa nila.
Siguro dahil alam nila kung paano ako nahirapan ng maghiwalay kami ni Tom noon. Sobrang akong nasaktan sa paghihiwalay namin, halos isang buwan akong absent dahil hindi ko maatim na pumasok sa school dahil ayaw kong makita si Tom. Ayaw ko siyang makita na masaya kasama ang iba. Ayaw kong makita kung paano niya patunayan sa akin yong dahilan niya ng pakikipag hiwalay niya sa akin. Ayaw kong makita niya na isa ako sa mga babaeng naging libangan lamang niya. Ayaw kong ipakita sa kanya na umiiyak ako dahil sa kanya. Hinding-hindi ko makakalimutan ang araw kung kailan niya ako iwanan na parang basahan.
Flashback:
Today is January 3, 2024 at it’s my birthday. It’s my day. I am so excited kasi ang sabi sa akin ni Tom, may malaki siyang regalong ibibigay sa akin na tiyak na magugustuhan ko daw. Hinding-hindi ko daw makakalimutan na nakilala ko siya dahil sa regalong ibibigay niya sa akin.
Wala kaming klase ngayon kaya sabi niya pagpatak ng ala sais ay pumunta daw ako sa bahay nila. Nung una ayaw kong sumama dahil nakakahiya naman sa mga magulang niya. Atsaka kinakabahan ako dahil baka mamaya kung anong gawin niya sa akin doon lalo na nung nalaman ko na nag out of country ang mga magulang niya kaya mas nagkaroon ako ng dahilan na huwag na lang pumunta. Nakapunta pa rin ako sa bahay nila kahit ayaw ko nung una dahil pinilit niya ako ng pinilit. Pumayag na rin ako kasi sayang naman yong regalo niya para sa akin. Isa pa, boy friend ko kaya dapat magtiwala rin ako sa kanya.
5:00 o’clock na kaya nagbihis na ako. Simple lang ang suot ko. Desente, yong tipong hindi ko mabibigyan ng dahilan si Tom para bastusin ako pagdating sa bahay nila. Pagkatapos kung magbihis naghanda na ako papunta sa bahay nila Tom.
Galak, tuwa at saya ang nararamdam ko habang bumibiyahe ako papunta kanila Tom. Hindi ko maiwasang mapangiti habang iniisip ko kung anong regalo ang ibibigay sa akin ni Tom. Nagdasal na lang ako na magugustuhan ko kung anong regalo man ang ibibigay niya sa akin.
Bigla kong naramdaman na nagvibrate ang cellphone ko kaya agad ko itong kinuha at tiningnan kung sino ang nagtext sa akin. Agad naman nabasa ng mata ko ang pangalan ng nagpadala ng mensahe. Si Tom.
Yummy, pagdating mo sa bahay pumasok ka agad at dumeretso ka sa kwarto ko. ‘Wag kang mag-alala, wala akong gagawing pananamantala sayo. ‘wag kang kabahan, part to ng regalo ko sayo dahil isang malaking surprise ang regalo ko para sayo.
BINABASA MO ANG
He's Mine, She's Mine (ON HOLD)
Romancemasaya ang umibig pero masakit din sa kabilang dako.