Chapter 12: HOT, SEXY and SPICY!!

46 4 0
                                    

Chapter 12

“Hi Best!” agad na bati ko kay Rhea ng maabutan ko siyang nakaupo sa tambayan naming dalawa.

Dito sa isang sulok ng school ang tambayan namin, may di kalakihang puno dito. Tahimik at masarap langhapin ang sariwang hangin kaya ito ang napili naming tambayang mag Bestfriend.

Lumingon siya sa akin pero hindi man lang niya ako binate o ngitian. Galit pa rin siya sa akin. Ito talagang Rhea na ‘to, sobrang magalit sa akin.

“Para sayo best.” Sabi ko sa knya sabay abot ng Ice cream sa kanya na melted.

“Wag mo nga akong kausapin Elica. Hindi mo ba nakikita na nagpapahangin ako dito. Gusto ko ng katahimikan so please don’t talk to me.” Sabi niya sa akin sabay irap sa akin.

“Best naman, ‘wag ka na magalit sa akin.” Panunuyo ko sa kanya.

Hindi niya ako pinansin kaya ginawa ko na ang dapat kong gawin para mawala na ang galit niya sa akin. Lumapit ako sa kanya tapos niyakap ko siya mula sa likod niya.

“Best ‘wag kana magalit please. Na miss baya kita tapos ikaw galit lang sa akin. Bati na tayo please.” Sabi ko sa kanya habang nakayakap ako.

Buti na lang hindi siya pumalang sa pagyakap ko sa kanya. Ibig sabihin namiss din ako nitong tao na ‘to. Kunwari lang na galit. Kenes! Paespesyal.

“Bati na tayo pero sa isang kondisyon.” Sabi niya.

“Ano yon best?” tanong ko naman.

Tinanggal niya ang mga kaay kong nakayakap sa kanya tapos humarap siya sa akin.

“Kung hindi kana magpapa-api dun sa babaeng yon.” Matamang sabi niya sa akin.

Ilang araw ko rin napag-isipan  ang bagay na yon. Sabi ko nga bakit pa ba ako magpapa-api ulit kay Monica kung hindi ko naman ang dahilan niya para apihin niya ako. Naisip ko na kung hahayaan ko na lang na aphin niya ako hanggat gusto niya, kawawa ako. Naisip ko rin na kung hihintayin ko na sabihin niya sa akin yong dahilan na yon ng galit niya baka pag napatay na niya ako. Kaya naisip ko na kapag nagtangka siyang apihin ako ulit, lalaban na ako kasi sa ganung paraan baka masabi niya sa akin ang kasalanang sinasabi niya.

“Okay best. Lalaban na ako.” Sabi ko naman sa kanya.

“Yan ang gusto ko.” Sabi niya sa akin tapos ngitian niya ako.

Nagkatinginan kami tapos sabay kaming napasigaw.

“BEST!!”

“I miss you gaga ka.” Sabi niya sa akin tapos niyakap niya ako ulit.

“Na miss daw.” Sabi ko sa kanya.

“Totoo naman best. Kaya lang naman kita hindi pinapansin dahil dyan sa katangahang ginagawa mo.” Walang pakundangan sabi ni Rhea sa akin. Kahit kailan talaga ang sakit magsalita ng babaeng ‘to.

“Kung makapagsalita ka naman best, tanga agad?”

“Oo.” Bastos talaga ‘tong babae na ‘to.

“K Fine!” sabi ko na lang.

Pagkatapos ng pag-uusap namin ni Rhea agad kaming pumunta sa Tennis Court. Pupuntahan namin si Rex kasi may practice siya ngayon. Sabi niya kasi sa akin panoorin ko daw siya sa practice niya. Gusto kasi niya na parati niya akong nakikita para mabantayan niya ako mula sa bad spirit na si Monica. Ewan ko ba, sobrang oa ni Rex sa pagbibigay ng protection sa akin. Kung maka asta akala mo Boyfriend ko.

He's Mine, She's Mine (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon