Chapter 15: Sakit.
Elica’s Pov:
Dapat gigising ako ng hindi maganda ang pakiramdam ko dahil hindi ko nakausap si Rex kahapon. Pero ngayon umaga, bahagya akong nakaramdam ng pag-asang makausap siya. Ngayon araw na ‘to, kailangan ko na talaga siyang makausap para makahingi ng despensa sa ginawa kong kadramahan.
Lumabas na ako ng kwarto pagkatapos kong magbihis para kumain ng almusal.
“Good morning Elica. Handa na po ang almusal niyo.” Salubong ng yaya ko sa akin habang pababa ako sa hagdan.
“Good morning Ya. Sina ma at pa? asan sila?” tanong ko sa yaya ko.
“Maaga po silang umalis kanina, may importante ata silang pupuntahan.” Sagot ni yaya sa akin.
“Ganun po ba.”
pagkatapos kong mag-almusal nagpaalam na ako kay yaya para umalis papuntang school. Excited na akong pumasok para makita si Rex. Na miss ko kasi yong mokong na yon eh.
“Bye Ya.”
“Bye, ingat ka.”
Sa ngayon, magco-comute ako kasi walang susundo sa akin. Hindi naman ako susunduin ni Rex dahil galit pa rin yon sa akin. Hindi rin naman siguro niya ako ipapasundo kay Manong Tonyo. Hayst. Sige lang, hindi na mahalaga ang mga yon, ang mahalaga magka-usap kami ni Rex.
Pero laking gulat ko paglabas ko ng bahay ng matanaw ko ang sasakyan ni Rex na paparating. Natatanaw ko siya dahil nakabukas ang window ng sasakyan niya. This is it. Mag-uusap na kami. Nang makarating na siya sa bahay ay bumaba na siya pero nagulat na naman ako ng makita kong hindi siya nakasuot ng uniform.
“Magpalit ka ng damit.” Bungad niya sa akin.
Ang sungit naman ng mokong na ‘to. Hindi man lang ako binati ng magandang umaga o umagang kay ganda man lang o kahit morning lang.
“Bakit hindi ka naka-uniform?” tanong ko sa kanya.
“Hindi pa ako nag-aalmusal kaya bilisan mong magpalit para maka-alis na tayo.”
Problema niya? Kinakausap nga niya ako pero hindi naman niya pinapansin ang mga tanong ko.
“Oi Rex pansinin mo naman ang mga tanong ko.”
“Magpalit kana bilis!”
Shit naman oh.
“K Fine! Wag mo akong pansinin.”
“bilis na, daming sinasabi eh.”
“eesh!”
Agad naman akong pumasok pabalik sa bahay para magbihis. Nagulat pa si Yaya sa pagbalik ko pero hindi na siya pinansin kasi nababadtrip ako kay Rex. Ang aga-aga ang sungit. Porket may kasalanan lang ako sa kanya ganyan na siya kung maka-asta.
Nagbihis na ako pagdating sa kwarto ko at agad bumaba pagkatapos kong magbihis.
“Ang tagal mong magbihis.”
“So…”
“Pasok sa loob.” Putol niya sa sasabihin ko.
Nakakainis na siya ah. Wala na akong magagawa kundi ang pumasok sa loob ng sasakyan niya. Pasalamat siya may kasalanan ako sa kanya at kailangan ko siyang makausap kaya ako sumusunod sa kanya.
BINABASA MO ANG
He's Mine, She's Mine (ON HOLD)
Romancemasaya ang umibig pero masakit din sa kabilang dako.