Chapter 2: badtrip

67 5 5
                                    

A/N: sorry po sa sobrang late na pag update. busy po kasi sa school eh. daming ginagawa. pero na po ang chapter two, sana magustuhan niyo po.

Chapter 2: badtrip

“hah???!!!” sigaw ng best friend ko na si Rhea.

“ang oa mo naman mag react Rhea.” Sabi ko kay Rhea.

“so ano ang gusto mo matuwa ako kasi muntik kanang marape?” sarcastic niyang sabi sa akin.

“ssshh!!!! Hinaan mo nga yang boses mo, mamaya may makarinig sayo eh.” Pabulong kong sabi kay Rhea. Ang ingay kasi niya dala ng gulat niya ng kinuwento ko sa kanya yong nangyrai sa akin kagabi.

“bakit ba kasi umuuwi ka ng gabi ha?” tanong ng best friend kong oa kung mag-alala.

“hindi ko naman gusto na umuwi ng gabi, kasalanan ng mga ka-officers ko dahil hindi nila ako tinutulungan. They’re not doing their responsibilities as an officer.” Nagrereklamo kong sabi.

“aba Elica, you’re the president so they must obey you. Tell them to do their job. Mga ungas yan sila.” Galit na sabi ng bestfriend ko.

“President nga ako pero alam mo naman, ako lang ang pobre sa klase namin. Kaya nga nila ako ginawang president kasi gusto nila lahat ng trabaho ako ang gumawa.”

“Bullshit! Porket ba mahirap ka ganun na lang sila sayo?” galit na sabi ni Rhea.

“hayaan mo na lang.”

Yon ang dahilan kung bakit lahat ng trabaho ako ang gumagawa kasi nga hindi ko pwedeng utusan ang mga kaklase ko kasi mayayaman sila samantalang ako mahirap lang kaya lahat din ng hirap sa akin. Kusa ko na lang din ginagawa ang mga trabaho.

Last period na sa morning class namin kaya naman excited na akong lumabas para kumain kasi nagugutom na ako. Wala kasi kaming ginawa sa nauna naming subjects kundi ang mag quiz. Haynaku! Muntik na akong umiyak kanina sa Chemistry kasi hindi ako nagstudy hindi ko naman kasi alam na may quiz pala kami ngayon, si ma’am kasi ang hilig sa surprise na hindi nakakatuwa, surprise quiz.

Twenty minutes na ang lumipas kaya sa tingin ko hindi papasok ang teacher namin sa English  kaya naman naisip ko na kausapin ang mga kaklase ko para sa nalalapit na pagdiriwang ng aming upcomingintramurals. Pumunta ako sa harapan para patahimikin ang mga parrot.

“excuse me everyone, may I have your attention please.” Sabi ko sa mga maiingay na parrot kaya tumahimik sila at lahat sila nakatingin na sa akin ngayon.

“Yes?” mataray na sabi ng vice-president ko sa akin.

Oh diba napakagalang niya sa akin.

“Since ma’am is not around so let’s talk about…”

“What?” sabi ng treasurer ko dahilan para maputol ako sa pagsasalita.

“Our upcoming intramurals.” Sagot ko sa bastos kong treasurer.

“What’s with intramurals?” tanong ng vice president sa akin.

“Maybe she wants to join  Mr. and Ms. Intramurals 2025.” Sabi ng secretary.

“Oh poor girl you have no beauty. You have a bad physic so please stop dreaming. Knock your head priceless girl.” Sabi ng treasurer ko sa akin.

Ang sasakit nila magsalita diba? Eh kasi nga mamayaman sila kaya nila nagagawa sa akin ito. Halos makaiyak na ako sa pinagsasabi nila sa akin pero pinigilan ko kasi baka mamaya pagtawanan pa nila ako.

“wala akong balak sumali sa search, kaya ko kayo kinakausap ngayon kasi gusto ko lang sabihin sa inyo na si Monica ang candidate natin for Mr. and Ms. Intramurals sabi ni ma’am.”

Pagkasabi ko nun ay nakita ko ang ngiti sa mukha ni Monica. Si monica ang treasurer. Ang nanlait sa akin ng bonggang-bongga. Maganda siya kaya siya ang isasali sa search. Maganda siya kaya nagagawa niyang lait-laitin ako.

“isa pa pala…”

Napatigil ako sa pagsasalita dahil isa-isa na silang nag-sisilabasan. Parang wala silang naririnig  na nagsasalita sa harapan nila. Mga bastos masyado. Ganito ako araw-araw, parating nababastos.

Dahil hindi na nila ako pinakinggan bumalik ako sa upuan ko para ayusin ang mga gamit ko ng sa ganun ay maka-alis rin ako. Habang inaayos ko ang mga gamit ko ay nilapitan ako ng mga naiwan kong kaklase.

“Elica pagpasensyahan mo na yong mga kaklase nating iba.” Sabi ng kaklase ko sa akin.

“okay lang yon. Sanay naman ako sa kanila eh.” Sagot ko dun sa kaklase ko.

Siya nga pala, hindi lahat ng kaklse ko ay super mayayaman, yong mga bastos lang na ka-officer ko ang mayayaman, yon iba medyo lang pero mababait naman sila. Yong mga ka-officer ko lang talaga ang may mga brutal na pag-uugali.

“hindi ka rin ganun ka gutom Elica noh?”

“gutom talaga ako Rhea kaya pasensya ka.”

Kasalukuyan kong nilalantakan ang mga pagkaing inorder ni Rhea. Gutom na gutom kasi talaga ako, hindi kasi ako nakapag almusal kanina.

“dahan-dahan lang friend.”

Napatigil ako sa paglantak ng makarinig ako ng lalakeng boses sa may likuran ko banda. Iniangat ko ang ulo ko at nakita ko si Rhea na nakatingin sa taas habang nakanga-nga kaya naman binato ko ng grapes ang bunga-nga niya dahilan para matauhan siya.

“aray ko naman Elica. Bat mo ako binato?” sabi ni Rhea sa akin.

“eh para kang tangang nakanga-nga eh.” Sabi ko sa kanya.

“Elica pala ang pangalan mo friend?” narinig kong binanggit ng isang lalake ang pangalan ko kaya naman napatingin ako sa likuran ko banda.

“ikaw?” gulat kong tanong sa lalakeng nasa likuran ko pero kalahating kaharap ko ngayon.

Siya yong nagligtas sa akin kagabi mula sa kamay ng rapist.

“I like your name Elica. Bagay sayo.” Sabi ng lalake pagkatapos niyang umupo sa tabi ko.

Magsasalita na sana ako pero nauna siya.

“wait.” Sabi niya at inilapit niya ang kamay niya sa mukha ko.

“anong ginagawa mo?” tanong ko sa lalake.

“may ketchup kasi sa pisngi mo. Dahan dahan kasi kapag kumakain.” Sabi ng lalake.

Nahiya naman ako. Sa pisngi talaga nakarating yong ketchup? Grabe naman. Ang damak kong kumain.

“magkakilala kayo?” singit na tanong ni Rhea sa amin ni lalake.

Ano ba yan kanina pa ako sabi ng sabi ng lalake. Hindi ko kasi alam pangalan niya.

“oo and we’re friends.” Sagot ni lalake kay Rhea.

“Anyway I’m Rex.” Sabi niya kay Rhea pagkatapos niyang iabot ang kamay niya sa kanya.

“I’m Rhea, best friend ni Elica.” Sabi naman ni Rhea kay Rex at kinamayan niya rin ito.

Nakakainis naman. Mas nauna pa siyang nagpakilala kay Rhea kaysa sa akin. At mas nauna pa si Rhea na mahawakan ang mga kamay ni Rex.

Badtrip!!!

A/N: salamat sa pagbabasa :) 

vote and leave some comments po.

He's Mine, She's Mine (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon