Chapter 9: Unknown Sin

53 4 1
                                    

A/N: sorry po sa late update. Pasensya na rin po kung pangit tong chapter na ‘to. Pagtyagaan niyo na lang. ‘wag po kalimutan magvote at mag comment.. SALAMAT!

Enjoy reading ^_^

Chapter 9: Unknown Sin

“ikaw naman ang magkwento.” Biglang sambit niya sa akin at inakbayan niya ako.

“ano naman ang iku-kwento ko sayo?” tanong ko sa kanya habang nakatanaw ako sa malayo.

“kahit ano. Sa lovelife mo.” Sagot naman niya sa akin habang  nakatingin siya sa akin. Alam kong nakatingin siya sa akin kasi naramdaman ko yong hininga niya sa tenga ko. Kinikilig tuloy ako. Tsk.

“’wag na. kumain na lang tayo.” Sabi ko sa kanya.

“sige na.” pamimilit niya sa akin.

“’wag kang makulit.”

“ito naman oh. Sige na.” pamimilit ulit niya sa akin sabay pisil sa balikat ko.

Doon ko lang napagtanto na naka-akbay pala siya sa akin. Hindi ko man lang namalayan yon. Ang utak ko sinasabi niya sa akin na tanggalin ang kamay ni Rex sa balikat ko pero ang puso ko naman ayaw niyang tanggalin, gusto pa nga niya na higpitan pa ni Rex ang pagkakayakap sa akin. Shet! Kinikilig ata ako?

“nakangiti ka.” Biglang sambit ni Rex.

Takte! Nahuli niya akong nakangiti. Nakakainis. Hindi ko man lang napigilan ang mga ngiti ko. Ang hirap naman kasing iwasan na hindi kiligin.

“masamang ngumiti?” sabi ko na lang sa kanya.

Yong kamay niya naka-akbay pa rin sa akin. Feel na feel ko tuloy ang kagandahan ko. Waah!!!

“naka-akbay lang ako sayo nakangiti kana ng ganyan.” Biglang uminit ang mukha ko sa sinabi niya.

“ano na lang pag hinalikan kita? Magtatalon ka sa saya?” mas lalong uminit ang mukha ko at panigurado na pulang-pula ito.

“Ang kapal ng mukha mo. Akala mo kung sino kang gwapo dyan.”

Nakakainis. Alam na nga niya na pulang-pula na ang mukha ko dahil nahihiya ako tapos dinadag-dagan pa niya. Balak ata niyang maging kasing pula ng kamatis ang mukha ko.

“ako makapal ang mukha? Kung hindi mo gusto na halikan kita, bakit nakaharap ka sa akin ngayon?”

Lumaki ang mga mata ko. Tama siya, nakaharap nga ako sa kanya. Paanong nakaharap ako sa kanya eh sa malayo ako nakatingin kanina? Sa dagat ang dereksyon ng dalawang mata ko. Bakit ngayon nakaharap ako sa kanya? At ang lapit ng mukha ko sa mukha niya?

Bakit ang tanga ko ngayong araw na ‘to? Lahat hindi ko namamlayan.

“sige kiss na kita yummy ko.”

Umakto siyang hahalikan ako pero bago lumapat ang mga labi niya sa labi ko ay itinulak ko siya ng malakas para sigurado akong malalayo siya sa akin.

“HAHAHAHAHA!!!!!!!” bulalas niyang tawa sa akin.

“anong nakakatawa?”

“wala. Hahahaha!!” tawa pa rin siya ng tawa.

“gusto mo bang batuhin kita ulit o titigil ka sa kakatawa?” sabi ko sa kanya dahilan para tumigil siya sa pagtawa.

Tumayo ako mula sa pagkakaupo ko at naglakad palayo sa cottage dahil nahihiya na talaga ako kay Rex dahil sa mga katangahang ginawa ko, pero bago ako tuluyang makalayo ay naglitanya siya.

He's Mine, She's Mine (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon