Chapter 4: magnanakaw
“buisit ka, buisit ka buisit ka!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!” paulit-ulit kong sinasabi kay Rex habang pinaghahampas ko siya ng makapasok kami sa kotse niya.
“aray ko Elica, masakit na.” reklamo niya.
“wala akong pakialam.” Matigas kong sabi sa kanya.
“You’re so mean.”
Tumigil ako sa paghampas sa kanya
“aba, ako pa ngayon ang masama?”
Tinanggal ko ang sapatos ko sa paa at agad akong umaksyon para ihampas yon sa mukha niya.
“This is for you Rex!!!”
“SIGE!” sigaw niya sa akin nang aakto akong hahampasin siya gamit ang sapatos kong may 2 inches taas na takong.
Parang may nakatutok na baril sa akin habang nakataas ang dalawa kong kamay hawak ang sapatos ko na ihahampas ko sana kay Rex nang sigawan niya ako.
“subukan mong ihampas yan sa mukha ko, makikita mo paano ako gumanti.” Aniya.
Ibinaba ko ang mga kamay ko at muli kong isinuot ang sapatos ko sa paa ko dahil natakot ako.
Grabe, ang sama niya. Siya na nga tong may kasalanan siya pa ang may ganang magalit at manigaw?
Nagkaroon ng katahimikan sa pagitan naming dalawa. Umupo ako ng maayos habang deritso ang tingin ko sa pader ng parking lot. Nasa parking lot kasi kami ngayon. Sumandig naman siya habang ang dalawang kamay niya nakapatong sa ulo niya at deristo rin ang tingin niya sa pader.
Hihintayin naming dalawa na matunaw ang pader sa mga titig namin dahil walang gustong magsalita. Bahala siya sa buhay niya basta ako tatahimik ako kahit gusto ko siyang murahin dahil sa ginawa niyang pagnanakaw ng halik sa akin.
Anong karapatan niya para halikan ako? Hindi ba niya naisip na hindi kami magkasintahan? Sa tingin niya nakakatuwa yong ginawa niya sa akin sa loob ng mall? Paano kung may nakakita sa amin na kilala ako at isinuplong ako sa nanay at tatay ko edi tigok ako. Palibhasa kasi ang mga tulad niya na pinapabayaan eh pwede niyang gawin ang lahat.
“may pupuntahan tayo.” Wika niya pagkatapos ng mahabang katahimikan sa aming dalawa.
“saan?” tanong ko sa kanya habang sa pader pa rin ako nakatingin. Pakiramdam ko naiinis na ang pader sa titig ko sa kanya. Ayaw ko kasing tumingin sa magnanakaw.
Magnanakaw ng halik.
“basta.” Sagot niya.
“saan nga?” Tanong ko ulit.
“wag kana lang magtanong.”
“sana hindi mo na lang sinabi na may pupuntahan tayo. Sana pinaandar mo na lang tong kotse mo agad-agad ng sa ganun makarating na tayo sa lugar kung saan tayo pupunta kaysa magpapaalam ka tapos pag tinanong ka naman kung saan tayo pupunta hindi mo rin sasabihin.”
Hindi ko na napigilan ang inis na nararamdaman ko sa kanya. Nakakainis kasi siya. Hindi ba siya marunong sumagot ng maayos? Ako ang agrabiyado dito. Letche!
“hindi mo kailangang sumigaw.”
“eh sa gusto ko.”
“kung gusto mo akong bulyawan harapin mo ako.”
BINABASA MO ANG
He's Mine, She's Mine (ON HOLD)
Roman d'amourmasaya ang umibig pero masakit din sa kabilang dako.