Chapter 5
A/N: pasensya na po sa sobrang tagal ng pag-update ko dahil sobrang busy lang talaga sa school namin.
-
-
-
Hay, ang sarap ng tulog ko kagabi. Napanaginipan ko kasi yong habulan namin ni Rex sa ilalim ng ulan kahapon sa tabi ng dagat. Ang sweet!! Haha. Oa na ako.
Anyway, excited ako ngayon dahil ngayon ang araw kung kailan eko-kwento ni Rex sa akin ang nangyari sa kanila ng ex-girlfriend niya.
Alam niyo kung bakit yon ang hiningi kong kapalit para taggapin ang sorry niya? Eh kasi sa ganun paraan, marami akong malalaman tungkol sa kanya at sa ex niya. Malalaman ko kung ano ba ang gusto at ayaw niya sa isang babae. Basta malalaman ko lahat ng gusto kong malaman sa kanya.
Sabi nga ng iba. Sa maikling panahon ng pag-uusap, marami ka nang malalaman na impormasyon sa isang tao.
Lumaas na ako ng kwarto ko pagkatapos kong magbihis at bumaba na rin para mag-almusal ng sa ganun ay makapunta na ako ng school.
“good morning ma.” Masayang bati ko sa mama ko.
“good morning din anak.” Ganting bati ni mama sa akin.
“may pasok ka ngayon nak?” nagtatakang tanong ni mama.
“opo ma.” Sagot ko kay mama at kinuha ko ang baso ng kape at iniangat ko para inumin.
“may klase kana pala ngayon tuwing sabado nak.”
“ano ma? Sabado ngayon?” gulat kong tanong kay mama.
“haynaku anak, nananaginip ka ata.” Sabi ni mama at naglakad siya papunta sa kwarto nila ni papa.
Badtrip! Hindi kami magkikita ni Rex ngayon. hindi kami magkakapag-usap. Tiningnan ko si yaya at tinanong.
“sabado ngayon?”
“oo Elica.” Sagot niya at ngumisi pa siya at tinalikuran ako.
Ayna!! Badtrip masyado. Gusto ko siya makita eh. Bakit sabado ngayon? diba pwedeng Friday na lang ngayon? gusto kong makita si Rex. Gusto ko siyang maka-usap. Gusto ko siyang makita.
Naglakad na lang ako palapit sa hagdanan at umakyat pabalik sa kwarto.
Gusto ko siyang makita.
Gusto ko siyang makita.
Gusto ko siyang makita.
Paulit-ulit yan sa utak ko habang paakyat ako sa kwarto ko. Nang makapasok ako sa loob ng kwarto ko ibinagsak ko ang katawan ko sa kama ko.
Gusto ko siyang makita.
Gusto kong makita si Rex.
“AAaaahhh!!!!!!!! Sigaw ko.
Nakakabadtrip.
“Aaaahhh!!!!” sigaw ko ulit.
Gusto ko siyang makita.
Gusto kong makita si Rex.
Sisigaw sana ako ulit ng biglang bumukas ang pinto.
“okay ka lang ba Lica? Bat ka sumisigaw?” tanong ni mama pagkatapos niyang makapasok sa kwarto ko.
“wala ma.”
“akala ko naman kung anong nangyayari sayo.”
“wala yon ma.”
“oh sige Lica, bababa na ako. Wag ka nang sisigaw ulit baka kung ano na ang isipin ng mga kapit-bahay natin.”
Bumaba nasi mama at ako naman nagbihis na ng pambahay. Ewan ko kung bakit ako badtrip dahil lang sa walang klase. At ewan ko rin kung bakit gusto kong makita si Rex.
Pagkatapos kung magbihis, kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si Rhea
(“Hello!”)
“Best friend may tanong ako.”
(“ano yon at ’bat ganyan ang boses mo? Parang ang laki ng problema mo.”)
“sabado ba ngayon?”
(“malamang, anong klaseng tanong yan?”)
“Aaahh!!!!!!!!!!!!!!!!” sigaw ko habang kausap si Rhea sa phone.
(“Elica!!!!!”) sinigawan na rin ako ni Rhea kaya nailayo ko ang phone ko sa tenga ko. (“bat ka ba sumisigaw?”)
“gusto ko siyang makita best friend.”
(“huh? Sino? Sinong gusto mong makita?”)
“si Rex.”
(“huh? Bakit?”)
“gusto ko siyang makita. Hindi ko alam kung bakit best friend.”
(“bestfriend iba na yan ha.”)
“anong iba na?”
(“yang nararamdaman mo.”)
“anong ibig-mong sabihin best friend”
(“may nararamdaman ka na kay Rex.”)
“best friend, nararamdaman ka dyan. bago lang kami nagkakilala may nararamdaman agad?”
(“Best friend hindi kailangan na matagal kayong magkakilala para magkagusto ka sa isang tao.”)
“ewan ko sayo.”
(“mapapatunayan mo rin yan sa sarili mo. Sige na kailangan ko ng ibaba kasi lalakad kami ni mama. Elica, huwag padalus-dalos sa nararamdaman okay?”)
“sige, ingat kayo.”
Ibinaba ko na ang phone pagkatapos ng pag-uusap namin ni Rhea.
Hindi ko rin alam kung bakit pag-gising ko excited talaga akong pumasok ng school. Hindi ko nga napansin na sabado pala ngayon. hindi ko alam pero hinahanap talaga ng dalawang mata ko si Rex. Gustong-gusto ko siyang makita at hindi ko alam kung bakit. Sa tuwing binabanggit ko ang pangalan niya may saya akong nararamdaman sa puso ko.
Bakit gusto ko siyang makita?
Bakit hinahanap ko siya?
Bakit nakakaramdaman ako ng saya sa tuwing binabangit ko ang pagalan niya?
Hay,
Inlove na ba ako?
Hay,
Humiga ako ulit at biglang nag ring ang phone ko. Tiningnan ko kung sino ang nag-text, walang name, number lang. sino kaya ‘to? Binuksan ko agad.
From: +6390111…..
Hi Elica, pwede ba tayo magkita ngayon? si Rex nga pala to.
“Waaa!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!”
Nag-text siya!happy na ako, hindi na ako badtrip. Magkikita kami ngayon. pero paano niya nakuha ang number ko? Hindi na mahalaga yon, ang mahalaga magkikita kami. makkita ko na rin siya.
Makapag-reply na nga.
A/N: salamat po sa pagbasa ng storyang ito. vote and leave some comment. Sorry po kung pangit ang chapter na ito, sana nagustuhan niyo rin kahit papaano.
BINABASA MO ANG
He's Mine, She's Mine (ON HOLD)
Romancemasaya ang umibig pero masakit din sa kabilang dako.