Chapter 28
Issue again???
(A//N: Siguro hanggang sa matapos wala ng ibang POV. Oh kung meron man, iilan lang. Kasi Focus na eh. 3 chaps nalang then epilogue na ^______^ )
Tiffany's POV
"Eunise? Anong plano mo after grad?"
"Di ko pa din sure eh. Bakit?"
"Wala lang. Nag uusap sina ate swimming nalang daw tayo"
"Huh? San naman?"
"Sa Casa"
"Huh? Alam mo din yung kasa? Kanino ba yun ?"
"Uhh. Di pa ba nasabi sayo ni J.J?"
"Nasabi. Ang sabi lang nya sa mga daddy nya. Di ko alam kung sakop kayo"
Nandito ako ngayon sa school. Farewell party na naming mga gagraduates. Uhh. Mamimiss ko mga kalokohan ko noon. _,_".
Anyway. Si Kylle kausap ko. And obviously. After Grad. ang usapan.
"In short, pamana ni Lolo kina Tito at Daddy. So ano? Agree kayo? Kahit kasama sina tita"
"Bahala na. Sasabihin ko muna"
"Sabihin mo kina tita. Tayo-tayo lang naman. Sama na din sina Onica kung gusto mo?"
"Hindi nga ako pinapansin diba? Nung recollection nga, magkakasama na kami sa kwarto, ni hindi man lang ako nakausap. Bahala nga sila. Ayan na naman sila sa kagaganyan nila. Hindi ko na maintindihan kung mga totoo pa bang kaibigan o ano. Tsk. Tinuring mo nang mga kapatid yun pala mga hindi mo pa pala kilala ng husto"
Yeah. Pagkatapos ng mga ek-ek namin sa school. Ayun. Wala na namang pansinan. Ewan ko sa kanila. Mahal ko naman yung mga yun. Kaya lang, hindi ko naman alam kung ano na namang maling ginawa ko. Ni hindi ko nga sila nakausap sa dami kong ginagawa tapos may time pa silang magtampo?