Chapter 14
I'm a baby ^___^
Jhanel/J.J/Mr.LB 's POV
Nakakainis yung babaeng yun. Sya na nga binigyan, sya pa may ganang mang insulto. HMP !!
"Jhanel ! Ano bang nangyayari sa inyong tatlo ?" -ate Jasha.
Nakalapit na pala si ate hindi ko man lang namalayan. Pre occupied ang utak ko sa sinabi nung babaeng yun.
"Wala! " -ako then walkout.
Nagkakagulo naman sila sa loob.
"ANO BA ! MAGTATALO NALANG BA TAYO ?!"- Kuya James.
"EH A--" -Kuya Keslo
"ANO BANG NAGYAYARI ?" -ako
Sumingit na ako. Hindi ko maintindihan eh. Lahat sila napatingin sakin.
"B-bakit ?" -ako
"Ikaw may kasalanan eh. Bakit kasi inaway nyo pa si Tiffany. Edi sana hindi sila aalis ni Kylle. Edi sana hindi sya... hindi sya naaksidente ngayon ! Kayo may kasalanan nito e---" Ate Krizza
"Kriz , Calm down. Don't blame him. Hindi natin ginusto yung nagyari" -kuya Kevin
"Ano po bang nangyari ? Bakit ka umiiyak ate ? Bakit nyo ko sinisisi ? Tsaka anong naaksidente ? Si Tiffany ?!" napataas na din boses ko.
Talaga yung babaeng 'yon. Kahit kelan. Gustong gusto ng may nag aalala sa kanya.
"Ijo ano ba kasing pinag awa--. JHAN ! SAN KA PUPUNTA ?!" - i heard tita calling me.
Pero ewan ko dito sa paa ko. Kusa nalang tumakbo.
Pumara agad ako ng taxi.
"Sir san po tayo ?" -driver
Oo nga pala. San ang punta ko ?
Tinawagan ko muna si Kylle. Kaso ang hinayupak hindi sinasagot ang cellphone.
Sandali ?
"Manong sa pinakamalapit na ospital po"
5 mins.
10 mins.
15 mins.
P*ta naman oh. Bakit ba traffic pa?
"Manong hindi po ba pwedeng lumipad ?"
Natawa si Manong Driver. Anong tinatawa tawa nito ? I mean it.
"Sir kung pwede lang ho. Sana pinalipad ko na 'to. Kaso ho may aksidente daw po kaya di maakausad "
"HO ?!"
Baka sina Cuddler yun.
"Manong dito lang ho kayo ha ? Babalik din ako. Wag kayo aalis at iready nyo na ang wang wang . Sandali lang ho ako"
Aangal pa sana si Manong pero 'di na ko nagpapigil.
Tinakbo ko na yung kalsada. Natanaw ko naman agad yung kotse ni Kylle.
Kita mo 'tong tarantadong to. Hindi man lang dinala sa ospital si Cuddler KO.
Huh ?! Anong nangyayari sakin ?
Sheet Jhanel wag ka nga munang praning jan.
"Kylle ano ba ?! Bakit hindi mo man lang dinala si Tiffany sa ospital ? Walang mangyayari kung tatanga ka lang dyan"
Naabutan ko si Kylle na hindi malaman kung ano gagawin.
Hindi na ako nagdalawang isip.
Binasag ko yung side mirror sa back seat para mai-unlock ko yung pinto.