Epilogue
"Eunise ! Over here"
Lumakad ako papunta sa mga kabarkada ko.
"Tabi ! " -nag give way yung mga nakaharang sa daan. Tsss. Mga papansin.
"Ikaw, kelan mo ititigil yang pam bubully mo?" -Sophia
"Di naman ako nang bubully ah? Nakaharang lang sila sa daan no"
"Ikaw kahit kelan talaga" -Shaira
"Wait lang pinsan. Alam mo bang may Transferee daw?" -Celine
(A//N: Yung babaeng dumalaw kay Tiff nung nasa ospital sya. Yung pinsan nya)
"Wala akong care"
Well, it's been 3 long years simula nung incident. 3 years na din syang wala. Umalis ng walang paalam. Kasama ang magaling kong kakambal.
So anong iisipin ko? Magbagong buhay. 'Di na ako aasang babalikan pa nya ako no. Wala na rin akong pakielam sa kanya ngayon. Kung nung dati, inantay ko pa sya, pwes ngayon, bahala sya sa buhay nya.
Nakatira ako ngayon sa condo ko. Yes. May condo na ako ngayon. Regalo sakin nila Momsie nung birthday ko. Kasi nasa malayo ko nag college. Nag dodorm lang ako non. Eh naawa ata sakin kaya ayun. Ibinili ako ng condo. Sinundan naman ako dito nila Celine, Kylle, Shaira and pinsan kong si Adrian. Tsaka namin nakilala si Sophia. Kasi sya lang ang taong bumangga sakin. Hahaha
(a//n: Si Adrian yung anak ni Tita Angie. Yung principal ng school nila Jhanel ^_______^)
Ang small world no? Magkakamag-anak na pala kami, mga wala pa kaming muwang. Ayun, minsan pag wala kong pasok okaya maaga ako nauwi pumupunta ako sa school ni Tita Angie. Lalo na pag mag papatulong sya sa pag lalagay sa computer ng kung ano anong ek ek nya.