VENICE
Ngayon na ang libing ng parents ko, at nandito kami nag-luluksa at umiiyak pa din.
Mahirap talaga tanggapin, mas masakit pa ito sa heartbreak.
"S-sana, umuwi na lang ako ng maaga. Para maabutan ko pa kayo ng buhay. Sana, kayakap ko pa kayo ngayon." sabi ko sa sarili ko.
"Venice, we are all here to support you. Sa lahat ng mga planong gagawin mo. Susuportahan ka namin" sabi ni Timothy
"salamat sa lahat, Timothy. Alam niyo naman na parang kapatid na ang turing ko sa inyo" sabi ko sa kanilang tatlo.
"Venice! Pasensya na kung na-late ako! Nalibing na pala ang parents mo. Hindi ko naabutan" sabi ni Paul na kararating palang.
"it's okay Paul, By the way, iwan ko muna kayo. Mag-papahinga na ako sa bahay" sabi ko sa kanila.
"sure ka? Ayaw mo ng kasama?" tanong ni Timothy.
"yes, i'm fine guys. Don't worry" sabi ko at umalis na. Sumakay na ako sa kotse at pinaandar na ng driver ang sasakyan.
Malapit na palang matapos ang one week, then after one week.
Mapupunta na ako sa puder ng totoo kong Ama. Masakit, mahirap. Pero, kailangan kayanin, mag-dudusa din sila balang araw.
Nang makarating sa bahay ay agad ako pumunta sa kwarto ko, nag-palit ng damit. At nahiga sa kama. Ang hirap ng ganitong buhay, walang maingay na Mommy. Walang mabait na Daddy. Sobrang tahimik ng bahay, hindi ko na makikita sila Mommy at Daddy na ang sweet-sweet nila sa ginagawa nila. Mga harutan nila, mga lambingan, at 'yung mga yakap nila at halik sa aking pisngi. Wala na.
Tumulo na naman ang luha ko sa mga naaalala ko. Ganito ba kasaklap ang mundo? May kailangan mamatay? At may kailangan mag-dusa?
"kung iniisip mo ang pagkamatay ng magulang mo. Tigilan mo na Venice"
Napabalikwas ako sa kama ko nang marinig ang boses ni Paul.
"Paul?! Paano ka naka-pasok sa bahay?" pagtatanong ko.
PAUL
"kilala ako ng guard sa bahay niyo. Kaya pinapasok nila ako" sabi ko.
Isa ako sa Mafia Member, inutusan ako ng tatay ni Venice na bantayan siya, pinalano talaga nila ang lahat. Para mapasakamay nila si Venice. Mapupunta si Venice sa Mafia World upang turuan ng gawain ng mga Mafia Members na katulad ko.
Naaawa din ako kay Venice, papahirapan lang siya sa Head Quarters. Pero, mahal ko pa ang buhay ko. Kapag hindi ako sumunod sa gusto ng boss. Mapapahamak si Kuya Anton, madadamay lahat ng lahi namin.
Gustuhin ko mang hindi sundin ang lahat ng utos ng Mafia Boss, hindi ko magawa. Ibang klase siya magalit kapag hindi nasusunod ang lahat ng gusto niya. Baka pati si Venice na Anak niya. Madamay at patayin ito.
"bakit ka nga pala nandito?"
Bumalik lang ako sa aking wisyo nang magtanong si Venice.
"napadaan lang, gusto sana kitang kamustahin kung okay ka lang?" tanong ko.
"sa tingin mo? Okay lang ba ako?" balik na tanong niya sa akin.
"sabi ko nga"
"yun lang ba ang pinunta mo dito?" tanong niya.
"kaya mo bang pumasok bukas? Balita ko kasi sa school may exam daw eh" sabi ko sa kanya.
"oo, papasok ako. Yun lang ba ang pinunta mo dito?" tanong niya ulit.
"oo, sige alis na ako" sabi ko sa kanya.
Labag din sa kalooban ko na gawing sunud-sunuran lang si Venice. Kailangan ginagalang din siya at hindi inaalila di ba? Anak siya ng Mafia Boss, prinsesa dapat ang turing sa kanya at hindi alipin o alila.
"Bro? What's up?" pagtatanong ni Kuya.
"hayy, she's crying again when i saw her. Nagtataka ako kung bakit ganun ang turing ni Boss kay Venice? Isa siyang maharlika! At hindi alila!" sabi ko.
"maski ako, nag-tataka din ako kung bakit ganun ang turing ni Boss kay Venice. Sabagay, hindi natin alam ang buong kwento" sabi ni Kuya Anton.
BINABASA MO ANG
V For Venice
ActionI am Venice, everyone knows me as a mysterious killer of Mafia World, I always left a V marks to my target for a souvenir and I always wear mask so that, nobody knows me and my identity. I have a lot of secrets. And one of my secrets? I am the daug...