Chapter 6

48 1 0
                                    

AXIA

"Paul, Anton. Nasaan na ba ang mga impormasyon na pinapakuha ko sa inyo? Hah?! Wala pa din ba?!" sigaw ko sa kanila. Nandito kami sa Underboss' office.

"ganito kasi, si Venice kasi 'yung tipo ng tao na masyadong malihim! Wala kami masyadong mahalungkat na impormasyon. Kahit IA at IB kami. Hindi namin makikita at mahahalungkat ang gusto mong impormasyon, mahirap hanapin!" sabi sa akin ni Anton.

"Anton Shawn, mahirap ba hanapin ang mga malalapit sa kanyang tao? Mahirap ba?! O sadyang.. Tinatakpan niyo lang siya dahil sa magaling at matalino siya sa lahat!" sabi ko at padabog na tumayo.

"bakit ikaw? Nagagalit ka kasi baka mawala ka na sa mataas mong posisyon na Mafia Underboss? Huh! Walangka-kwenta-kwentang dahilan! Masyado mong mahal ang posisyon na 'yan, babaan mo naman ang lipad mo. Masyado ka ng mataas. Mamaya, barilin ka na lang patalikod ng iba" sabi ni Paul, pumunta ako sa kwarto ni Marcus.

"Hon? Can i tell you something?" sabi ko nang pumasok ako sa school.

"Hon, i have to tell you something" masaya niyang bati.

"what is it?"

"Margarette" sabi niya na ikinaseryoso ng mukha ko.

"what about that stupid girl?" sabi ko at umirap.

"maybe she's still alive! May mga ibidensya ako na pwedeng mag-patunay na totoong buhay pa si Margarette" masaya niyang pahayag.

"what?! You're crazy! Hindi na mabubuhay ang isang patay! Idiot!" galit na sabi ko sa kanya at umalis.

Naudlot na naman ang sasabihin ko tungkol sa mga impormasyon tungkol kay Venice.

VENICE

Nandito kami ngayon sa basement, malaki ang basement at pwedeng pagkanapan ng Burglar Test.

"okay, listen Venice. May ilalagay kaming importanteng bagay dito sa gitna ng basement. Lalagyan namin ng security laser sa buong basement. Once na mahawakan at madaplisan or matuluan mo ng kung ano ang laser. Mag-riring ang bell at mag-kakaroon ng suprise. So, pwede kang matamaan ng kung ano, pwede kang mamatay. Pwede kang masaksak ng kung ano dyan. Kaya good luck" sabi ni Anton at iniwan na ako sa loob.

Tinignan ko kung ano 'yung nasa gitna, 'yung mga gamit ko sa school?! Hala?! Paano na punta 'yan doon?!

Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa. lumusot, umiwas at gulaw na ako na parang uod.

oo, uod talaga. ano ba naman kasi 'toh? pinapahirapan nila ako? Sa sobrang pawis ko, tumulo 'yung pawis ko sa security laser. Tumunog 'yung alarm nakaiwas naman ako. Naiwasan ko din 'yung laser sa may likod ko.

Buti nalang! Tinuloy ko na ang pagiging uod ko. Sa wakas at narating ko na ang gitna! Kinua ko na ang gamit ko sa school. Kasabay 'nun ang pag-wala ng mga security laser at pagbukas ng ilaw sa loob.

"nice one Venice" sabi ni Grace.

"pwede ka ng maging burglar!" sabi ni Ion Pinner.

"great job, Venice" sabi ni Anton.

"thanks" sabi ko.

"mukhang successful ang ginawa ni Venice ngayon hah?" sabi ni Nixon Dellian, A negotiator.

"Nixon! Musta na? Long time no see hah! Dami mo ng ginagawa" sabi ni Ion.

"sobrang dami! Sige! Alis na muna ako at may pipirmahan pa akong kontrata mamayang hapon" sabi ni Nixon at umalis.

"Hey, what's up?"

"James!" tawag ni Grace Co kay James Li.

"hey, babe" sabi naman ni James Li, oo nga pala. Silang dalawa nga pala.

"don't mind them Venice, you know? Lovers" sabi ni Ion, dumating si Denise Chiu, Axia Xen, Rhymu Rain at Samuel. Kasama si Marcus Lavigne, my father.

"How are you, my daughter? Mukhang nag-kakasiyahan kayo hah?" sabi ni Marcus.

"masyado ba kaming maingay? Para marinig mo?" sagot ko sa kanya.

"well, yes"

"dapat lang na marinig mo 'yun, dahil sinadya ko 'yun" sabi ko at naglakad pa palayo. Pero bago pa ako nakaalis, may sinabi pa siya.

"i guess, hindi mo pa ako tanggap bilang isang Ama mo"

Nang makapunta ako sa kwarto ko.

Next week na pala ako pupunta ng school, at next week na din ako babalik sa bahay ng parents ko. May pinirmahan kasi akong kontrata na hindi ako habambuhay dito. Basta't matapos ko lang ang mga pagsusulit aalis na ako.

"next week ka na pala babalik sa bahay mo"

Pagtingin ko kung sino ang nag-salita, si Sarah Volaine lang pala, A sniper.

"Sarah Volaine, sniper. Can handle three weapons. Two guns and one sword, lefthanded. Half chinese and half american, 1/4 filipino" sabi ko.

"you are just like, A human computer. Alam mo siguro ang lahat ng info. Namin" sabi niya

"hindi lahat, 'yung iba. Konti pa lang" sabi ko.

"kagaya nino?"

"kagaya ni Denise Chiu, pag out of mafia info. Anak siya ng dalawang CEO ng dalawang sikat na malls. Pag-mafia info. Dati siyang mafia underboss, kaya galit siya kay Axia Xen" sabi ko.

"konti pero, mahalagang impormasyon ang nakuha mo. Iyan ang hindi kayang gawin ni Anton Shawn na kayang gawin ni Aaron Vinelux isang Info. Aggregator" sabi ni Sarah.

"you know, lahat ng tao dito. Mahirap pakisamahan, lalong-lalo na si Axia. Inagaw niya ang lahat ng karapatan ng nanay mo. Kung hindi lang siya namatay" sabi pa ni Sarah.

"she is a mistress" sabi ko.

"yes, we all know that. Hindi namin matanggap na mang-aagaw siya. Kaya hindi namin siya pinupuri" sabi ni Sarah.

"hindi niyo naman siya kailangan purihin. Kung wala namang kapuri-puri sa kanya" sabi ko.

"i like your attitude. Very straight to the point. Pwede ka ng umalis ngayon. Pumunta ka na sa bahay mo" sabi ni Sarah, nag-impake na ako at umalis.

SARAH VOLAINE

"guys! Nagpapatawag ng meeting ang mga leaders!" pag-aannounce ni Ion Pinner.

Pumunta na kami sa meeting room. Nandoon na iba at nag-hihintay pa sa kalahati.

"musta mga brad!" sigaw ni Nathaniel Dein, hacker. Isa sa pinaka-mahangin.

"eto, sa sobrang gwapo ko. Pinagkakaguluhan ako ng mga chicks!" sabi ni Kai Lawrence, isa sa mga leader. Mahangin din 'yan.

"bakit? Pogi naman din ako hah? Pervert pa! Pero hindi ko pinag-mamalaki 'yun!" sabi ni Ren Gomez. Isang sniper. Babaero.

"shut the f*ck up!" sabi ni Night Isaac. Isang leader. Siya ang pinakamahigpit sa tatlo, pero, mabait iyan.

"oo nga! Mga bwiset!" sigaw ni Tammy Beate, leader. Siya naman ang pinakamaluwag na leader sa lahat.

"let's start" sabi ko.

"okay, we all know that Venice Anderson or Venice Lavigne. Did a great job, so, information broker and Information aggregator? Do your jobs, ibigay niyo na ang mga kailangan ibigay sa mafia boss na hindi nalalaman ni Axia Xen" sabi ni Night, lahat kami dito. Labag sa kalooban namin na sundin si Axia. Halimaw ang siraulong 'yun! Magugulat na lang ako kapag may naglakas na loob na pumatay sa kanya.

"yes we know, kami pa ba? Sa sobrang pogi ko!--"

Hindi natuloy ni Anton ang sasabihin niya dahil bumukas ng pabalag ang pinto ng meeting room at si Paul ang niluwa nito.

"yung ebidensya!" sigaw ni Paul.

V For VeniceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon