Chapter 9

69 3 1
                                    

VENICE

Maaga akong nagising para ipaghanda sina Axia at Marcus ng breakfast..

After kong magluto ng breakfrast, sakto naman at may nag-door bell. Pinagbuksan ko sila ng pinto at hinatid sa dining table.

"hmm.. Bagay ka talagang maging maid" sabi ni Axia habang kinakain ang mga hinanda ko para sa kanila.

If i know, nilinlang mo na naman ang mga tao sa paligid mo kaya naging maid ko.

"about last night, who is that girl with a mask? May tagasunod ba tayong naka-mask? Wala naman di ba? She ruined everything" sabi ni Axia.

"she is very fast, intelligent, and very smooth" sabi ni Marcus.

"i hate her, guguluhin niya ang plano natin" sabi ni Axia.

"nag-iwan siya ng mark na V? Siguro ang pangalan niya is V?" sabi ni Marcus.

Hah! Dapat ngayon, matakot na kayo! Mga ungas! Guguluhin ko talaga ang plano.. Sinabi niyo eh..

"V? Ang bobo ng nagpangalan sa kanya" sabi ni Axia.

Bobo? Grabe naman! Mas bobo ka nga sa akin eh! Malaman-laman ko talaga na ikaw ang nagwala ng mga ibidensiya. Yari ka sa akin.

"let's go to work, marami pa akong papeles na pipirmahan" sabi ni Marcus.

"i am going to the headquarters.. Doon na lang ako maliligo" sabi ni Axia.

"yeah me too" sabi ni Marcus. Umalis na silang dalawa.

"kung sino man si V, very well done. You ruined everything" sabi ko at umakyat na sa taas.

Napag-isip ko na kailangan ko ng mga kasama, pero sinu-sino? Sila Timothy? P-paano kapag nalaman nila? Wala namang sekretong hindi nabubuyag eh.. Pero, baka layuan nila ako?! Baka iwan nila ako sa ere?

Pero kailangan ko silang makausap. Nagiwan ako ng sulat para malaman nila na wala ako, nagpalit muna ako ng damit.. Lumabas na ako sa bahay at nag-iwan ng susi sa halamanan malapit sa pinto.

Tinawagan ko na sila at pinapunta sa bahay. Pagdating ko sa bahay.. Hinintay ko lang na dumating sila.

Maya-maya, dumating na sila..

"Venice? Bakit mo ba kami pinapunta dito?" tanong agad ni Kean.

"may sasabihin ako sa inyo na 'wag na 'wag niyong sasabihin sa iba" sabi ko.

"ano naman 'yun?" tanong ni Dean.

"una sa lahat..sana, matanggap niyo pa din ako pagkatapos niyo malaman ito. Pangalawa, maniwala kayo sa hindi. Totoo lahat ng sinasabi ko..at sana walang magbabago" sabi ko.

"ano ba 'yun? Nakaka-intriga hah?" tanong ni Dean.

"I am a maid, maid ako sa isang mafia org. Lahat ng kasama ko doon ay gumagamit ng baril, espada at computer. Matatalino sila sa lahat, baka nga nasundan nila ako dito eh..mabibilis sila, gustong-gusto kong mag-confess sa inyo kasi... Gusto kong tulungan niyo ako, inaamin ko na nakapatay ako ng tao kagabi.. Because it was all my plan to them.. Sila ang pumatay sa parents ko.. Kinuha ako ng totoong tatay ko para alilain.. Oo, hindi ko totoong mga magulang ang nakakasama at nakikita niyo dati. Maski ako! Hindi ko din alam, kinuha ako ng tatay ko na isang mafia boss at ginawa akong katulong.. Ngayon, sa araw-araw na nangyayari sa buhay ko. Puro pasakit lahat 'yun" sabi ko sa kanila..

"..at sana, matanggap niyo pa din ako..sana, pumayag kayo sa offer ko" sabi ko.

"ano naman 'yun?" tanong ni Timothy.

"gusto kong magpatulong sa inyo na patayin silang lahat" sabi ko.

"hindi namin kayang pumatay ng tao. Hindi nga kami marunong humawak ng baril o espada eh!" sabi ni Timothy.

"nasa inyo na ang lahat ng kailangan ko. Si Kean, he knows everything about computers.. Si Dean, magaling sa martial arts, self-diffence.. At ikaw Timothy, kaya mong humawak ng sword at baril" sabi ko para mamotivate sila.

"dito niyo mapapatunayan ang mga skills na kaya niyong gawin at hindi niyo pa kayang gawin.. Tuturuan ko kayo" sabi ko.

"you don't need to motivate us.. Kagaya nga ng sinabi namin, saaamahan ka namin sa lahat ng planong gagawin mo. And your plan is to kill them. So, we are going to kill them.. And what is your next plan?" tanong ni Timothy.

"salamat talaga at pumayag kayo!" sabi ko.

"kelan tayo mag-iistart? Hah? Hah?" excited na sabi ni Dean.

"bukas, basahin niyo muna ang mga schedule nila" sabi ko. At nilabas ang libro ng schedules ng mga amo ko.

"pag-aralan niyo muna ang mga schedules nila, at every wednesday nights..doon sila may papataying tao, doon ako lagi lalabas para sirain ang plano nila at kunin ang kailangan nila doon sa taong 'yun" sabi ko.

"okay, medyo madaming kailangan gawin pero, para sa'yo..gagawin namin" sabi ni Kean.

"sorry talaga hah? Kung ganito ang gagawin natin. Labag sa konsensya niyo ito..alam ko 'yun" sabi ko.

"okay lang 'yun" sabi ni Kean.

Nang umalis ang dalawang makulit kami na lang ni Timothy ang nandito.. At bigla siyang nag-open ng topic.

"ahh..about dun sa.. Alam mo na?" sabi ni Timothy.

"alam ko 'yun.. Alam ko namang nadala ka lang ng moment na 'yun.. No awkward feelings" sabi ko.

"ahh.. Oo, sorry talaga sa katangahan ko" sabi ni Timothy.

"hahahaha.. Sige na.. Aalis na din ako, ipagtitimpla ko pa ng kape si Marcus" sabi ko.

Umuwi na ako para wala namang magalit sa akin..

Pag-uwi ko, bukas na 'yung pintuan syempre wala na 'yung susi sa may paso..

Pumasok na ako sa loob. Nandito na pala ang mga lalaki at naggugulo ng bahay.

"nandito na pala si Venice eh.. Kuhaan mo na nga kami ng beer saka ng pulutan!" sabi ni James Li. Pumunta muna ako sa kwarto ko at nagpalit ng damit.. Tapos, kinuhaan ko na sila ng beer ininit ko na lang ulit 'yung sisig sa ref.

After ng pagiinit ko, binigay ko na 'yung sisig sa kanila.

Pumunta naman ako sa kwarto ko.

Nakita kong nag-message si Timothy sa akin.

Venice Anderson, ipag-ppray ko ang trabaho mo dyan :)

From: Timothy Silvan

Hayy, masyadong naging maaalahanin si Timothy ngayon hah?

Baka big deal sa kanya ang scene noong nakaraan? Grabe naman siya kung ganun.

"Venice"

"James Li?! What are you doing here?" gulat kong sabi sa kanya, lumapit pa siya ng lumapit sa akin.

"i want you tonight.. Venice" bulong niya sa tenga ko.

"what?! What do you mean?!" gulat na tanong ko sa kanya.

"sige.. Pero dadaan ka muna dito" sabi ko sabay labas ng kutsilyong nakatabi sa ilalim ng unan ko.

"gusto mo ng wild?" tanong ni James Li.

"ayoko, gusto kong mamatay ka ngayon" sabi ko.

Tinutok ko sa leeg niya ang dulo ng kutsilyo.

"i'm just joking" sabi ni James Li at umalis siya.

Abnormal! Ako pa pinagdiskitahan na pampalipas ng oras? Ano? Hindi makatiis?! May girlfriend naman siya hah?

Tinabi ko na ang kutsilyo at tumingin sa labas ng bintana ko. Hmm... Mukhang may naamoy na naman akong patayan hah?

Tinitigan ko lang si James Li at Anton Shawn, humiga na ako sa kama.

V For VeniceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon