Chapter 5

70 2 0
                                    

VENICE

Hindi ako nakatulog kagabi sa kakaisip ng pwedeng mangyari ngayong araw. Maaga kong ginawa ang daily routines ko.

Maaga akong pasimpleng bumaba sa unang palapag ng bahay.

"Hey, Venice are you ready?" tanong ni Pier.

"pwede bang kumain muna ako ng almusal?" tanong ko.

"kailangan, pumasa ka muna sa mga pag-subong ko sa'yo. Bago ka makakain ng almusal" sabi ni Pier.

"a-ano?!" sigaw ko.

"kaya tara na at simulan na natin" sabi ni Pier, sinundan ko siya kung saan kami pupunta.

Pumunta kami sa garden at nakita ko ang lamesa na puno ng iba't ibang klase ng baril. Halos lahat na yata eh nandito.

"so first, tuturuan muna kita kung paano mag-assemble ng baril." sabi ni Pier.

"may bala 'toh?" tanong ko kay Pier habang hawak 'yung baril na kinuha ko.

"o-oo! Wag mong ipapaputok 'yan!" pag-pigil niya sa akin.

Kinasa ko, tinapat ko sa target at kinalabit ang gantilyo.

Taob ang isang lata.

Kagaya nang na-search ko kagabi. Galing.

"wow" sabi ni Pier.

"ang galing!!" sabi ko.

"kaya mo pa lang humawak ng baril eh! Bakit pa kita tuturuan?" tanong niya.

"ehh, sinearch ko lang kagabi ang pag-assemble ng baril, pag-lilinis at tamang paggamit nito" sabi ko.

"sige, pwede ka ng kumain. Tapos mamaya. Si Samuel naman ang mag-tuturo sa'yo" sabi ni Pier at umalis.

Ginawa ko ulit 'yung kanina. Taob ulit 'yung lata. Tapos, umalis na ako para kumain.

Habang kumakain, sinearch ko na kung paano ba gumamit ng espada. Kasi Sword Sniper si Samuel eh..

Pagkatapos kong kumain, pumunta ulit kami sa garden at nandoon na si Samuel.

"ang dali mo daw turuan hah?" tanong niya.

"hindi naman, na tsambahan lang" sabi ko.

"sige, hindi munang totoong espada ang gagamitin natin. Arnis muna" sabi niya.

Habang nag-ppractice kami, inalala ko lang kung paano gumamit ng espada. Nakita ko kasi sa youtube eh.

-AFTER-

"so pwede ka ng makipag-battle sa akin, using sword" sabi niya, binato niya sa akin ang espada. Buti na lang at nasalo ko ito.

Ilag at pagsangga lang ang ginagawa ko. At nang makahanap ako ng tyempo, naitutok ko kaagad sa kanya ang tulis ng espada.

"o-okay, great job. Pero ayoko pang mamatay!" sabi ni Samuel.

"pasensya na." sabi ko at binaba ang espada.

"makikipag-sparing ka naman kanila Kai, Tammy at Night" sabi ni Samuel.

ANTON

"bro? Namamaga pa ba?" tanong ni Kai sa akin.

"sa tingi mo?" tanong ko din sa kanya.

"sabi ko nga, namamaga pa nga" sabi niya.

"sa susunod kasi, wag kang mag-tatanong sa akin ng obvious okay?" sabi ko sa kanya.

Masyadong professional ang mga moves ni Venice para sa isang baguhan. Nalalaman agad niya kung saan titira ang kalaban. Madali siyang turuan, madali para sa kanya ang lahat.

V For VeniceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon