SAKTO LANG

226 5 0
                                    


Masarap ang magmahal

Tamis ng bawat sandali ay hindi matanggal

Ngunit hanggang kailan ito tatagal?

Sa mundong puno ng mga taong sumisinghal.


Nais ka nilang akitin

Puso't damdamin nila'y sayo'y pinipilit

Upang pagmamahal mo'y kanilang masungkit.

Kailan ka kaya nila lilisanin?


Halika't patunayan nating may forever

Tulad ng isang storyang happy ever after

Huwag mo sanang i-surrender

Ang puso mo sa taong bitter.


Ngunit doon ako nagkamali 

Pag-ibig mo pala'y hindi unli

May nagmamay-ari na pala sa'yo

Sa puso mong purong tuso


Nagpapasalamat ako sa 'yo 

Dahil natutunan ko

Na huwag ibigay ang lahat sa isang tao

Tulad ng isang softdrinks na sakto.


SENTI MODE MUNA TAYO! (PINAGSAMA-SAMANG TULA)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon