KAGUSTUHAN

87 1 0
                                    

KAGUSTUHAN

Hindi ako musmos
Ngunit ako'y nagtataka
Puso'y sinaktan ng lubos
Gayong pagmamahal ang pinapakita.

Hindi ako bata!
Itago mo ang iyong mata
Hinusgahan mo na ako noon
Hindi magtatapos ng ganoon

Gusto ka ng puso ko
Pero kabaliktaran 'yon sa'yo
"Kaibigan mo lang ako"
Iyan ang ibinigay mong payo

Pero bakit Tadhana?
Akala ko'y siya na ang bahala
Akala lamang pala ang lahat
Pagmamahal ko'y unti-unting nasalat

Hindi ko na kaya, mahal
Dati ginusto kita
Ngayo'y aking itatanghal
Pinapakawalan na kita...

SENTI MODE MUNA TAYO! (PINAGSAMA-SAMANG TULA)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon