SI DUTERTE KA BA?

58 2 0
                                    

Si Duterte Ka Ba?

Sinabi mong walang magbabago
Binulalas mo lang pala
Mukhang tama nga ang hinala
Katulad ka rin pala nila, gago.

Hindi naman ito Marawi
Ngunit ilang balde ng luha ang napawi
Puso'y kasalukuyang sawi
Walang sinuman ang kayang humawi

Sige maggerahan tayo
Diyan naman nagsimula ang lahat
Sa araw na inabot mo ang panyo
Hanggang sa puso'y masalat

O mahal, si Duterte Ka Ba?
Pinangako mo ang pagbabago
Huwag mo sana akong ginagago
Huwag ka sanang mag-iba.

SENTI MODE MUNA TAYO! (PINAGSAMA-SAMANG TULA)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon