BALA

55 1 0
                                    

BALA

Sino nga ba ang dapat tamaan
Ni walang pagkakakilanlan
Ngunit puso'y nais malaman
Ano ang siyang pinagmulan?

Nang dahil sa ating bangayan
Na abot sa tainga ng taumbayan
Sino ang siyang dapat sisihin
Sarili ko bang sakit ang pipiliin?

Aaminin kong sakit ang aking ninanais
Ngunit bakit ang resulta'y pagtangis
Puso'y hindi na kayang umilag
Gayong isa lamang siyang dilag

Alam ko'y ikaw ay nadaplis
Damdamin ang siyang kumilatis
Kung sino ang siyang nanakit
Sa huli'y ikaw din ang siyang pipikit---
sa pangako mong mapangakit.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 31, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

SENTI MODE MUNA TAYO! (PINAGSAMA-SAMANG TULA)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon