Lahat ng sakit, galit, at hinanakit
Alaalang walang humpay na bumabalik
Sa isip at puso'y pilit sinisiksik
Kailangan na kitang limutin upang mabawasan ang tinikTinik na sa puso'y nakakubli
Kailangan ko na bang bumili?
Nang isang konsensiyang pipili?
Kung ako ba'y babalik o mananatili?Kanina pa tumitili ang puso ko
Please! Tantanan mo na ako
Alam ko at alam mo
Na hindi na magiging tayoSa pagbabalik mo sa piling ko
Malalasap mo ang init ng impiyerno!
Lahat nang aking natamo
Dahan-dahan kong ibabalik sa iyoNgayo'y tignan natin kong sino ang panalo
Ako ba na niloko mo?
O ikaw na manloloko?
Please! Tantanan mo na ako!Wala kang karapatang paglaruan kami
Hindi mo nanaising makita kami
Bugbog sarado sa lahat ng pangako mo
Hindi mo na ako maloloko.Please! patahimikin mo na ang sarili mo
Pinapagod mo lang ang sarili mo
Hindi mo na maibabalik ang relasyong binuo at sinira mo
Relasyong walang humpay na nagtatamoLahat ng pait, galos, at paghihinagpis
Ang patuloy kong ibubuhos
Sa sarili mong walang modo!
Pasakit at galit ang isinukli mo!Hindi na ito maibabalik pang muli
Pag-ibig nating wala nang huli
Ibabalik ko sa iyo, paunti-onti
Upang maranasan mo hanggang sa huliPlease! Patulugin mo na ang sarili mo
Sawang-sawa na ako sa mga panis mong pangako
Paunti-unti ako nitong pinapako
Hanggang sa patayin ako nito.
BINABASA MO ANG
SENTI MODE MUNA TAYO! (PINAGSAMA-SAMANG TULA)
Poetry"Nais kong magmove-on." "Nais kong makalimot." "Nais kong wakasan na ito." Mga katagang nais nating sabihin pag pagod na ang ating pusong nasaktan at nagmahal. Mga tulang aantig sa mga puso niyo. Lahat tayo ay nakagawa na ng bagay-bagay na nagdulot...