BANGAW

52 2 0
                                    

Bangaw

Iniwanan kita sa isang sulok
Ako'y lalayag lang sandali
Gayong marami sa'yong nakatutok
Hindi ko pinuputol ang ating tali

Akala ko'y babalik sa dati
Mga alaalang ating pinagsaluhan
Ika'y nagmistulang kalapati
Matapos kang umalpas sa kulungan

Sino nga ba ang nakulangan?
Sino ang siyang pumigtas sa ating koneksyon?
Nahihirapan akong alamin
Unting-unting nanlalabo ang paningin

Iniwan kita sa mga oras na 'yon
Ngunit nang ako bumalik sa'yo giliw
Isang bangaw ang siyang umaliw
Sa puso mong matagal nang bumitiw.

SENTI MODE MUNA TAYO! (PINAGSAMA-SAMANG TULA)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon