TIGYAWAT

206 10 0
                                    

Tigyawat
Pagunat ng iyong mga braso
Dinig na dinig ang tunog ng buto
Napahawak ka nalang sa magakabila mong braso
Bigla nalang lumakas ang tibok ng yong puso


Sumabay na rin ang iyong pulso
Nagpalinga-linga ka kung tama ang hinala mo
Walang labis walang kulang, tama ang orasan mo
Ngayon ang unang pasukan niyo


Halong tuwa at saya ang iyong pinakita
Habang pababa ng hagdan, ika'y kumakanta
Walang lungkot sa'yong mukha ang makikita
Tanging saya at pagkasabik ang ipinapakita


Habang ika'y kumakain ay walang humpay ang paggala
Ang iyong masining na utak na kung saan-saan gumagala
Mga masasaya at hindi kumukupas na alaala
Nang dahil diyan, lubos mong nakilala


Ang iyong sarili na noo'y malungkutin
Pero ngayo'y naging makulitin
Lahat ng tao'y iyong pipilitin
Masilayan mo ang kumikinang nilang ngipin


Taas-noo kang naglalakad patungong eskwelahan
Hindi mo pinapansin ang mga taong nagkwe-kwentuhan
Pagka't ang iniisip mo ang iyong kapakanan
Hindi sa tulad nilang tinatapakan


Naglabas ka ng isang salamin
Upang kagandahan mo ay iyong alamin
Ngayon alam mo na kung bakit ka tuksuin
Dahil sa tigyawat na iyong kinaiinisan


Habang lumilipad ay lumilipad
'Ni wala ka nang paki, kahit saan ito mapadpad
Ang hiling mo ay natupad
Ang inaasam mo ay unti-unting natutupad


Ang siyang nagpatibok ng iyong puso
Ang siyang nagpabilis ng iyong pulso
Ang siyang nagmulat sa'yo
Na walang makakatakas sa kanyang tukso.


Ang crush mong puno ng tukso
Mga matang hindi susuko
Ngunit, alam mo'y isa siyang tuso
Sapagka't sa simula palang nang nabuo itong mundo ay matagal ka na niyang isinuko.


Swerte ka dahil meron kang tigyawat sa mukha
Itinuturing kana ngayong dukha
Magsaya ka na, dahil ika'y napansin niya
Dahil ibang mga babae'y kanyang pinahiya.


Tinuturing ka niyang maganda
Dahil sa tigyawat mong nakabalandra
Walang siyang pakialam kahit siya'y mademanda
Mapa-sakanya kalang ay sapat na


Magpasalamat ka sa ating may likha
Dahil kung hindi sa kanya ay matagal ka nang mag-isa
Ngayo'y naging kayo na sa isa't-isa
Ang tinuturing mong crush ay bf mo na

SENTI MODE MUNA TAYO! (PINAGSAMA-SAMANG TULA)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon