PAASA

99 6 0
                                    

Nabighani ako sa 'yong kagandahan

Ika'y namumukod-tangi

Ikaw ang aking bahag-hari

Hindi ako mapatahan

Sadyang naiiba ang iyong lahi



Akala ko'y iba ka sa kanila

Ngunit doon pala ako nagkakamali

Ika'y manggagamit pala

Hindi ko alam kung ika'y nakatali

Sa isang punong tinatawag na MALANDI


Oo, inaamin kong kita'y iniibig

Sa kabila nang daan-daang dalaga sa daigdig

Ikaw pa ang napili

Isang babaeng paasa

At ako naman itong si tanga na umasa


Niligawan kita noon upang ganap kang mapasaakin

Pag-ibig mo'y aking aangkinin

Ngunit may lihim akong natuklasan

Nabuksan ang isang lagusan

Na tiyak na papatay sa 'kin.


Minahal mo ako hindi dahil sa pag-ibig

Minahal mo ako upang kita'y pakopyahin

Matagal mo na pala itong hilig

Nahulog ako sa 'yong pain

Karapatdapat ba kitang sisihin?


Alam ko bobo ka sa Math

Huwag mo na itong ipangalandakan

Tulad mo'y bobo rin ako sa Math

Ngunit hindi iyon ang basehan ng isang lalaking umiibig

Ang basehan niya'y kung paano masusuklian ang ibinibigay niya sa 'yong pag-ibig



SENTI MODE MUNA TAYO! (PINAGSAMA-SAMANG TULA)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon