GUSTO KO

102 1 0
                                    

Gusto Ko

Gusto kong sumisid
Sa tinatawag nilang kawalan
Kahit maputol ang lubid
Na nag-uugnay sa ating katawan

Hindi ko lubos maisip
Kagustuhan ba ng tao ang lahat?
Utak ba'y 'di sumisipsip
O puso'y talagang pangkalahatan?

Kapag nagiisip kailangan ng puso?
Pero kapag aksidente itong tumibok
Utak ang siyang magiging tuso
Sa pagmamahalang magulo ang tinutumbok

Minsan puso ang kumikilos
Ngunit utak ay walang pinapatos
Minahal mo siya hanggang ika'y makapos
Pero may hangganan, kailangang magtapos

SENTI MODE MUNA TAYO! (PINAGSAMA-SAMANG TULA)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon