Chapter 23: First Heartbreak

103 1 0
                                    

Hera's Pov

Pinunasan ko ang mga luhang lumalandas sa pisngi ko. Traydor na luha sabi ko wag kayong tutulo basta basta e.

*BEEP BEEP*

"AY KABAYONG MAY SAMPUNG PAA!" Nagulat ako ng may biglang bumusina. Tinignan ko ng masama ang nasa loob ng kotse. Maya-maya bumukas ang bintana sa shotgun seat at bumungad sakin ang mukha ni Mr. Kapre. Si Dylan Christopher

"ANO BANG TRIP MO SA BUHAY HA?!" Sigaw ko sa kanya. Kung kanina iiyak iyak pa ako dito. Ngayon naghihimutok ako sa galit. Nakakaloka! Muntik na akong magkasakit sa puso dahil sa ginawa niya!


Tumawa pa ang isang to. Kapre ka ugh! "Easy! Bat nandito ka pa? Wala ka bang sundo? Do you want me to hatid you to your house? Yuck eww gay" sabi niya ng may padura dura pang kunwari.


"Buti alam mong gay ka" nagmake face ako "wag na. Baka kung san mo pa ako dalhin e" tanggi ko. Pero sa loob loob ko gustong gusto ko ng sumakay sa shotgun seat at umuwi. Natatakot na kasi talaga ako dito. Lalo't sunod sunod ang kulog at kidlat. D ako nain-form na may bagyo. Lintek na pag asa yan. Paasa lagi e.


"Sus. D kita type no. Tara na. Ihahatid na kita sa inyo. Baka mapano ka pa. kargo de konsesnya ko pa yun" hindi na ako nagpakipot pa at sumakay na sa kotse niya. Medyo nabasa pa nga ako dahil wala akong payong. Napalusob ako sa ulan makapunta lang sa kotse niya. (Wow akala mo malayo sakin e


Pinunas punasan ko pa ang buhok at katawan ko. Ayokong magkasakit. Mamaya yung isa diyan bilhan ako ng gamot sa butika yun pala hindi na bumalik. Tss.


"Here" inabot niya sakin ang panyo niya. Tinanggap ko naman saka pinunasan lahat ng basa sakin.


"San ka nakatira?"


"Caliraya Street. Subdivision 3 pangatlong bahay yung kulay puti" he nodded saka nag drive.

"Oo nga pala. Gabi na bat nasa school ka pa?" Tanong ko.


"Kung anong dahilan mo. Yun din ang dahilan ko" sabi niya. Napa huh ako. Same reason?


"Pinaasa ka rin na babalikan ka niya kaso hindi naman pala?" Tanong ko.


"Uh-huh. Mga paasa sila no? Their taking our love for granted" sabi niya. Woah iba ka koya


"Ikaw lang. Ako d ko naman love yung person na yun e" sabi ko

"Weh? D mo siya mahal? E bat hinihintay mo pa rin siya?" Ako lang ba o talagang meaningful pinagsasabi ng kapre na to?


"Kasi nangako siyang babalik siya. Kaya hinintay ko" pagdadahilan ko


"In short mahal mo pa rin. D mo naman panghahawakan ang promise niya kung d mo siya mahal e. Lalong d mo siya hihintayin kung d mo siya mahal. In short ulit mahal mo siya, mahalaga siya sayo at may tiwala ka sa kanya. Love yun." Abat ang daming alam nito ah.



"Teka nga e bat ang dami mong alam sa mga ganyan? Broken hearted ka no? Hahahaha"


Nagnod na lang siya. Nanahimik na lang ako kasi nandito na ako sa tapat ng bahay namin. Bahay namin ni Zeus.


Bababa na sana ako ng lumabas si Zeus kasama ang isang maputing babae. Nandun sila sa gate naguusap pa ata. Hindi na muna ako lumabas. Pinanood ko lang sila.



"Leila?" Napalingon ako kay Dylan. "Kilala mo?" Takang taka kong tanong, "oo. Siya yung sinasabi ko sayo kanina" nag nod na lang ako at tinignan ulit sila. At nagulantang ang buong mundo ko. Ang puso at isip ko hindi makapaniwala sa nakita ko.

Im His Fiancee (Kathniel Fiction) FIN.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon