Chapter 31: Misses You

68 0 0
                                    

Third Person's Pov



"Hoy!! Nasan na yung confetti?!" Sigaw ni Ace sa mga kasama.





"Nasa puso ko nagkakape!" Pang asar na sigaw naman si Josh. Bumaba sa hagdan si Ace at sinapok sa ulo si Josh.





"D ako nakikipaglokohan tsong ha! Asan na kasi?!" Mainit na ang ulo ni Ace ngayon. Siya kasi ang nautusan na mag organize ng booth nila. Marriage booth.





"Marriage booth may confetti?!" Ganti naman ni Chase na inaayos ang banner nila sa labas.





"Oo kingina may problema ka ba sakin?!" Ganti naman ni Ace.






"Hooo olats! Mag napkin ka na pre! Baka tagusan ka ha!" Natatawang sigaw ni Josh. Tinignan naman siya ng masama ni Ace at nagrambulan.






"ANO AKO BABAE?! HAYUF!!" Sigaw ni Ace. Nagtawanan naman ang magkakaibigan at hinayaang mag rambulan ang dalawa. Tunay na kaibigan ika nga.





Sa kabilang banda naman.




"Yung bandang magp-perform mamaya ano okay na ba?" Tanong ni Zeus.





"Oo, na contact ko na sila kanina. 7 pm daw." Sagot ng Secretary nila.





"Pres, anong oras nga pala bubuksan ulit ang gate para sa outsiders?" Tanong ng Auditor nila. Napahilamos si zeus sa mukha niya.




"Diba sabi ko ang PIO na ang bahala don? Nasan ba si Amy?" Naiinis na tanong ni Zeus sa Auditor. Napakamot naman ng ulo ang kausap at sinabing may sakit si Amy.





"Ahhh, kingina" mahinang sambit ni Zeus at baka marinig ito ng kausap.





"Mamayang 3 pm na lang ulit" sagot nito at umupo sa kanyang swivel chair. Hinimas himas ang noo at tinanggal ang suot na reading glass. Sumasakit na ang ulo niya sa dami ng ginagawa niya. Sobrang busy niya ngayon dahil siya ang Student Council President sa buong University. Kaya siya ang mag aayos ng event ngayon. Foundation Day.





Wala pa siyang kain simula kanina. Nakalimutan niyang kainin ang breakfast na hinain  para sa kanya kanina. Hindi na sila nakatira sa bahay na ibinigay sa kanila ng mga magulang nila. Sabi nila kapag kasal na sila saka na ulit titira doon.





Dahilan din para hindi makasama si Hera.






Hera..






Kahapon niya pa hindi nakakausap ito o nakikita dahil busy siya. At siguradong busy din si Hera dahil sa pagtulong sa mga kasama niya sa pag aayos ng booth.





Tinignan niya ang folder kung saan nandun ang plano ng department nila Hera. Cafe ito. Pero para sa kanya hindi maganda 'to. Naka mini skirt ang mga babae na akala mo ay katulad sa mga anime ang uniform kapag nasa isang coffee shop.





Napailing si Zeus, nakita niya ang pangalan ni Hera sa isa sa mga waitress. Napabuntong hininga ito at tinawag ulit ang secretary nila saka pinakita ang folder.



"Bat hindi ko alam to?" Tanong niya. Ahhh nakakainis isip isip nito.




"Sinabi po sakin ng head nila na okay na daw po sa inyo approve po yan kaya hindi ko na pinakelaman." Sagot nila saka pinaalis ang secretary nila.





Im His Fiancee (Kathniel Fiction) FIN.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon