Chapter 34: Truth

56 0 0
                                    

Hera's Pov




Bigla akong kinabahan ng banggitin nila ang kapatid ko. Si Tintin. Cristina Abigail Mendez. Yun ang tunay niyang pangalan.




Tinignan ko si mama at sa folder niyang hawak. "What  about her ma?" Ibinigay niya sakin ang folder at nagtataka kong tinignan si mama, pati na rin si papa, "open it"





Binuksan ko 'to at nakita ang Registration Form ng kotseng nakabangga kay Tintin. QDR 769 yun ang plate number. Tinignan ko ang picture at nagulat ako sa nakita ko. Teka hawig 'to ni..






"No.. No.. Ma hindi. Baka nagkakamali lang kayo Ma." Umiling iling ako at tinignan si Mama. "Totoo lahat ng nababasa mo diyan sa folder na yan anak."




Napalunok ako. Imposible.

Apolo Ion Rutherford
19 years old
Male
Single
Roman Catholic
Charles Rutherford
Bella Rutherford





Isa lang yun sa mga detalyeng nabasa ko mula sa registration form niya nung kukuha sana siya ng driver's license.





"Good thing hindi pa nabubura ang record na yan kasi pending parin hanggang ngayon" singit ni papa





Napabuntong hininga ako. Kapatid ng mapapangasawa ko ang pumatay sa kapatid ko. Paano nangyari to? Paano na ngayon? Bakit ngayon lang namin nalaman 'to? When everything is settled







"Hindi na nakakuha ng driver's license ang kuya ni Zeus dahil after ng pagkakasagasa niya sa kapatid mo hindi na siya natagpuan ulit. Ilang taon siyang hinahanap pero hindi ito nakita. Sinabi na patay na daw ang lalaking yan. Hindi alam ng pamilya ni Zeus na nakabangga si Apolo dahil ang sabi ng private investigator. Naglayas daw to sa bahay nila dahil nagrerebelde. At ang lalaking yan.. He's on drugs that time." Paliwanag ni Papa.








"Hindi alam ng pamilya nila na nakapatay sila ng inosenteng bata? Hindi nila alam na dahil sa kapabayaan ng anak nila may naulila silang pamilya? Bakit ganito? Bakit.. Bakit.." Hindi ko na napigilan ang sarili ko at naiyak na lang ako. Bakit kailangan ganito? Bakit ang kuya niya pa ang nakapatay sa kapatid ko?







"Tinanong na namin sila kanina anak. At nagsabi sila ng totoo, hindi nila alam na napatay ng anak nilang si Apolo ang kapatid mo. Kahit galit kami pinatawad na namin sila kasi wala nga silang alam. Anak.. Im sorry"





"Promise mo sakin na magtitiwala ka sakin kahit anong mangyari. Promise me Hera."



"Promise mo sakin na magtitiwala ka sakin kahit anong mangyari. Promise me Hera



"Promise mo sakin na magtitiwala ka sakin kahit anong mangyari. Promise me Hera






Paulit ulit yang nagp-play sa isip ko. Hindi ko maiwasang isipin pero sumasagi talaga to sa isip ko.






Tumayo ako at nagpaalam kay mama at papa na may pupuntahan ako. Bago pa sila makaimik ay dali dali na akong umalis.





I need clear answers right now.




Zeus' Pov


May kakaiba akong nararamdaman ngayon at hindi ko alam kung anong dahilan. Kanina pa ako hindi mapakali dito sa SC Room. Pati mga kasama ko nag aalala na sakin. Hindi ko alam. Hindi ko na alam ang gagawin ko.






Im His Fiancee (Kathniel Fiction) FIN.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon