Chapter 29: Ikaw Lang

52 0 0
                                    

Hera's Pov

Nagising kami ng 7:21 ng umaga. Naligo kami at kumain ng breakfast. Pagkatapos non pumunta kami sa isang theme park at nagsaya. Stress reliever talaga!

"Tara don! Ferris wheel tayo guys!" Yaya ni Miles. Tulad ng sinabi ko kagabi, kalimutan niya muna lahat ng problema niya. And I'm glad na kahit ngayon pinakinggan niya ako. I smiled. Hinila ko ang kamay ni Zeus at naunang sumakay doon.

Tumingin ako sa labas. Paakyat kami ng paakyat. "Ganda naman~"


Naramdaman kong umupo siya sa tabi ko. Niyakap niya ako patalikod. Nakatalikod kasi ako sa kanya kanina e. Pinatong niya ang baba niya sa balikat ko.



Hinawakan ko ang kamay niyang nakapulupot sa bewang ko "Maging okay pa kaya si Miles? Nagwo-worry na ako sa kanya. Hindi siya ganon kadown dati" i can feel his breathe into my ears.




"Of course she can. I know girls are fragile but as Miles? I know she's strong like you" i can feel na ngumiti siya. He kiss my cheeks and hug me tighter.



I blushed "Zeus hindi pa tayo~" pagpapaala ko sa kanya. He chuckled. "I know. And alam ko naman kung anong limitations ko okay?" Napansin ko na pababa na kami. Kaya hinarap ko na siya.



"May.. M-may itatanong sana ako" hindi ako makatingin sa kanya kaya hinawakan niya ang chin ko at pinatingin sa mga mata niya "What is it?" Humugot ako ng lakas para itanong sa kanya yon. Kagabi ko pa pinag-iisipan kung itatanong ko sa kanya to e.



"Uhm ano.. V-virgin ka pa ba?" Katahimikan ang bumalot sa aming dalawa. Tinignan ko siya. Nakangiti lang siya sakin. Okaaaay?




"Oo naman. Bakit gusto mo mauna?" He smirked. Nanlaki ang mga mata ko kaya hinampas ko siya. "Ugh! Ang bastos mo!" Saktong bumukas ang pinto kaya dire-diretso akong naglakad paalis.



Grabe nakakahiya! Pinagsisisihan ko nang tinanong ko pa yun! Ugh! I hate him!



Malayo na ako sa kanya pero naririnig ko pa rin ang tawa niya. Ay hindi! Hagalpak na! Jusko!



Hanggang sa paguwi hindi niya tinigilan ang tawa niya! Nakakapikon kaya! "Pare wag ka ngang ngumiti diyan. Para kang tanga" komento ni Chris




Habang sa sideview mirror naman nakita kong tinap pa ni Chase ang balikat ni Zeus at sinabing.. "Pare nasobrahan ka ata sa vitamins mo ah"



"Vitamins? Nagvivitamins ba yan?" Tanong ni Julia



"Aba oo!" Sabay sabay na sigaw nila. Loud squad -__-




"Ano namang vitamins yon? Tsk tsk. Bala mamaya magkaron pa tayo ng kaibigang dadalhin sa mental" sabi Ni Chienna. Ako naman dito sa shotgun seat kasama si Chris nakikinig lang. Wala akong balak umimik. Nakakainis talaga (wow d makagetover?!) aba oo no!




"Hindi naman siguro. Hahahahahaha" Josh




"Alam niyo ba kung anong vitamins tawag don?" Halata sa boses ni Chris na kalokohan na naman ang sasabihin niya. Tumingin siya sakin sandali saka ngumiti ng nakakaloko



"Ano?" Tanong ni Miles



"Stop it Chris" banta ni Zeus pero hindi natinag si Chris at tinuloy ang sinabi.



"Hera vitamins! HAHAHAHAHAHAHA" take note nagj-joke po si Chris niyan. At tawa niya lang po ang umalingawngaw sa buong kotse.




Im His Fiancee (Kathniel Fiction) FIN.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon