Chapter 24: Confession

103 2 0
                                    

Hera's Pov




3 am ng mapagdesisyunan namin ni Dylan na umuwi na. Hinatid niya ako sa condo ko. As always kapag gusto kong mapag isa sa condo ko ako umuwi. Pagbukas ko ng pintuan ng condo ko nagulat ako sa bumungad sakin.





"Where have you been? It's fucking 3 am and you're outside! With another man! What do you think if someone saw you. Gawain ba ng isang matinong babae ang umuwi ng alas tres ng umaga?!" Sigaw niya sakin. Nag init agad ang ulo ko. Dahil na rin sa mga sinabi niya at sa dami ng ininom kong beer.





"So ako pa ba ang hindi matino sa 'ting dalawa ha?! SINO KAYA SA ATIN YUNG SARAP NA SARAP MAKIPAGHALIKAN SA LABAS PA NG BAHAY KO?! GAWAIN BA YUN NG MATINONG LALAKI HA?! TELL ME! SINO SATIN ANG MAS KAHIYA HIYA?!" Sigaw ko pabalik sa kanya. Mukhang nagulat siya sa mga sinabi ko. Oo Zeus nakita ko lahat yun. Lahat lahat.





"You saw that one? Hera that's no----" pinutol ko na agad ang sasabihin niya kasi alam ko na kung san pupunta  yun.





"NOTHING?! ANONG NOTHING DON HA?! NOTHING BA YUN SAYO?! HAH! PAPAYAGAN KO KAYO NA MAGMAKE LOVE MISMO! MISMONG SA BAHAY KO!" Hindi ko alam kung bakit lumabas sa bibig ko yun. Pero bahala na galit ako ngayon





"WHAT?! Ano bang nasa isip mo ha?! HINDI KO MAGAGAWA YUN KAY LEILA KASI MAY RESPETO AKO SA KANYA. AT BAHAY KO RIN TO!" Singhal niya sakin sabay hawak sa braso ko ng sobrang higpit.





"OO MAY RESPETO KA SA KANYA PERO SAKIN WALA KANG RESPETO! WALA KANG RESPETO SA NARARAMDAMAN KO! HOW DARE YOU PLAY WITH MY FEELINGS!" Ayan na lumabas na talaga siya sa bibig ko. It's now or never bahala na kung anong kakalabasan after nito.






"Nagulat ka? Huh ako rin e nagulat. Damn Im inlove with you. And HINDI KO ALAM KUNG BAKIT! Kasi nung nakita kita with Leila?! Naisip kong ang tanga ko! ANG TANGA KO KASI I FELL INLOVE WITH A MAN LIKE YOU! Nainlove ako sayo kahit na mahal mo si Leila! Zeus I don't care kung pagtatawanan mo ko after nito pero wala akong magagawa. I guess tapos na ang role ko sa buhay mo. Tapos na ang larong sinimulan natin. Talo ako panalo ka.mMaging masaya sana kayo ni Leila. Goodbye" after that unplanned confession. Umuwi ako sa bahay namin.





Ilang beses akong nagdoorbell bago ako pagbuksan ng gate. Si mama pa ang nagbukas.





"Anak? What brings you here? Ang aga aga ah. At ano yan umiiyak ka ba? Anak what happened? Nag away ba kayo ni Daniel?" Sunod-sunod na tanong ni mama. Hindi ko na lang yun pinansin. Pagkabukas na pagkabukas ni mama ng gate niyakap ko na agad siya. Lalo pang tumulo ang mga luha ko na kanina pang d mapigilan.





"M-ma" my voice cracked. Kahit na sabihin nating nakapag confess na ako sa kanya. Hindi pa rin maalis sakin yung sakit. Too much for this day. Sobra sobra na.





Pinapatahan ako ni mama hanggang sa makapasok kami sa bahay. Kahit si papa nabigla kasi bigla akong umuwi. Mukha nagalit pa nga ata siya kasi nakikita akong umiiyak.





"M-ma e-eto pala yung s-sinasabi nilang h-h-heart ache. Ma ang sakit e" humahagulgol pa rin ako sa iyak dito. Hindi na ata maubos tong luha ko.






"Minahal mo na agad siya anak ng ganun kaiksing panahon? Mahirap nga yan anak. Pero anak tandaan mo kapag nagmahal ka lagi kang masasaktan. Sa buhay hindi basta saya lang may lungkot rin tayong mararanasan" kumuha ako ng tissue at pinunasan ang luha ko. Mawawala rin tong sakit na to mawawala rin.





"Ma hindi mo naman ako masisisi. He's sweet, caring, kind lahat na nasa kanya. Kaya nga minahal ko siya agad e. Pero masakit naman isipin na mahal ko siya pero siya may mahal siyang iba e"






"Basta ako anak kung sobrang sakit na tama na. Minsan kailangan mo ring bumitaw sa mga bagay na nagpapasaya sayo at the same time nagpapaiyak sayo" payo ni mama

"At tandaan mo anak ha. Hindi basta emosyon lang gamitin mo din ang utak mo"





"Ma.. Pa.."





Tinignan nila ako ng seryoso. Hinihintay ang sasabihin ko.






"I want this marriage canceled"

Im His Fiancee (Kathniel Fiction) FIN.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon