Chapter 32: Date

33 1 0
                                    

Hera's Pov




"Zeus gusto ko non!" Ngumuso ako at tinuro yung booth na nagluluto ng cotton candy. Hinawakan niya ang kamay ko at dinala sa bilihan ng cotton candy. Ibinili niya ako! Hihi!




Habang kumakain ako ng cotton candy naglilibot kami ng magkahawak ng kamay. Madaming babaeng napapairap kasi hawak ko ang kamay ni Zeus. Bleeeh, sorry sila akin lang si Zeus. Hmp! Meron namang ibang napapatili kasi ang cute namin! Hihi! Ikr!




"Uy may horror booth pala dito?" Napatigil kami sa tapat ng horror booth at nakitang mahaba ang pila. Uy, mukhang may thrill talaga dito ah. Hinila hila ko ang t-shirt niya para sabihing gusto ko pumasok don.




"Sige naaa! Baby naman e!" Pagdadabog ko kasi ayaw niya akong samahan. Napakamot naman siya sa tip ng nose niya. Ngumunguso nguso na ako dito at nagt-trantrums nang parang bata para lang payagan niya.





"Ang haba ng pila Hera, nakakainip maghintay" palusot niya. Ehhh! Nagpapadyak na naman ako ng paa.




"Ganyan ka ba talaga? D ka marunong maghintay? Magtyaga?" Banat ko sa kanya. Hah, go Hera! If it's the only way! Go for it! Hihihi.





Tinignan niya ako ng nagtataka napara bang sinasabi niya sakin na. "Pinagsasasabi mo diyan?" Tinitigan ko lang siya at hinintay ang sagot niya.





"Marunong ako magtyaga. Kaya nga tyinaga kong ligawan ka kahit naka fix marriage naman tayo diba?" Ganti naman niya sakin at ngumisi. Lalo akong nainis. Hoo! Talo ka Hera! Hooo!





"Ehhhh. Sige na Zeus plitttth? Diba date natin to? Diba girlfriend mo ko? Diba dapat ako nasusunod?" Hah, wala ka ng palusot sakin Zeus kala mo ha!





"Ah basta ayoko." Simpleng sabi niya. Ahhhh! Nakakabaliw mapapayag to ha!





"Pag di mo ko sinamahan magb-break na tayo!" Banta ko sa kanya pero mukhang d naman effective kasi d naman niya ako sinamahan. Ugh bahala siya diyan! Bumili ako ng ticket ko mag isa at pumila. Habang nakapila tinitignan ko siya pero mukhang walang pakielam sakin. Ahh! Break na kami! Break na!




Nang malapit na ang turn namin ng mga kasama ko nakakarinig ako ng mga sigaw mula sa loob. Uyy, nakakatakot ba talaga? Halaaa.




Nang kami na ang susunod nagpahuli ako ng pasok para masaya. Kaso unang pasok ko palang may bumulagta na saking pugot na ulo.





"AHHHHHH!!! Nanay ko wag po!!!" Sigaw ko saka nagtatakbo. Pagliko ko biglang umihip ang malakas na hangin at paglingon ko kung san nanggaling ang hangin naka face to face ko yung white lady.




"AHHHHH!!!! ZEUUUUUSSS!!! Waaaaahhhh!! " naiiyak kong sigaw saka nagtatatakbo. Hinahabol pa ako ng mga zombie kaya mas lalo kong binilisan ang takbo. "AHHHH!! WAHHHH!! MAMA!! PAPA!! AHHHH!!" Sa sobrang takot ko at pagod na rin kakatakbo nadapa ako at tumalisod sa katapat ng rehas. Pag angat ng ulo ko nakita ko dun si Sadako na old fashioned! Napasigaw na naman ako at kumaripas ng takbo. "AHHH!! ANG PANGET MO!! WAG KA LUMAPIT SAKIN NANANAPAK AKO NG PANGET!!! WAHHH!!" Banta ko sa kanya at tuluyan ng nakalabas ng horror booth.




Nakahinga ako ng maluwag at pinunasan ang pawis ko sa noo ko. Tinukod ang isa kong kamay sa hita ko at naghabol ng hininga. Hoo! Nakakatakot talaga sa loob!





Habang naghahabol ng hininga may nag abot sakin ng tubig at panyo pag angat ko ng ulo ko si Zeus pala. "Ano kaya mo pa?" Tanong niya sakin. Hindi ko siya sinagot at kinuha ang inaalok niyang tubig saka binuksan at ininom. Pinunasan naman niya ang pawis ko. Grabe pinagpawisan talaga ako don. Bat kasi ang haba non?!





Im His Fiancee (Kathniel Fiction) FIN.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon