Chapter 32: Mad

34 1 0
                                    

Zeus' Pov


"Woaaah!" Hiyawan at sigawan ng mga taong nakakita. Pagkatapos akong halikan ni Leila sa labi tinignan ko siya ng seryoso. Ano bang kailangan nito? "Hi babe" bati nito sakin at nginisian ako.





Hindi ko siya pinansin at nilibot ang tingin ko para hanapin si Hera. "Ahhh pucha nasan ba yun?" Bulong ko sa sarili ko at tumakbo para hanapin siya. Kinuha ko ang panyo ko sa bulsa ko at pinunasan ang labi ko. Tang*na may naiwan pang lipstick. Napailing ako.






bago ko siya hanapin ng tuluyan umakyat ako sa second floor at binayaran ng 30,000 pesos ang dare na yun sakin at sapilitang tinanggal ang sticker sa kwelyo. "Don't dare to do it again. Or else.." Banta ko sa kanila saka umalis.





Umakyat na ako hanggang 11th floor pero wala parin siya doon. Nasan ka na ba kasi Hera?!





Nagpunta ako sa Law Building at hinahanap si Chienna. "Chienna!" Nilapitan ko siya at hinihingal na nagtanong. "Nakita mo ba si Hera?" Umiling siya. "Bakit? Sabi niya magkasama kayo ah" sabi nito pero umiling lang din ako at nagpatuloy sa paghahanap. Nang makaramdam ng pagod nagpahinga muna ako sandali sa isa sa mga benches dito.





"Ahhh. Tangina bat kasi pumayag pa ako sa mga dare booth na yan" naiinis kong sinipa ang paa ko sa sahig at ginulo ko ang buhok ko. Aalis na sana ako sa pwesto ko ng marinig ko ang boses ni Hera.






"Ahhh! Walanghiya ka Dylan! Bat kasi bumalik ka pa?!" Sigaw nito pero tumatawa din naman. Hinanap ko kung san nanggagaling yun, nandito lang pala sa garden ng school






"Bakit ayaw mo na ba ako bumalik? Namiss kita babe! Hahaha pakiss!" Sabi nang Dylan na yon at ngumuso nguso pa. P*tangna nagiinit dugo ko sa kanya ah.





"Yuck Dylan!! Lumayo ka sakin!" Hinampas hampas pa siya ni Hera kasi kanina pa 'to umiiwas sa pangingiliti nito. "Dylan! Waah! Dylan tama na! Ahhh!" Sigaw nito saka siya tinigilan ng g*gong yun.





Pumunta ako sa pwesto nila at hinila agad si Hera paalis.





Hera's Pov





Feeling ko nagpuntahan lahat ng dugo ko sa katawan sa utak ko. Ahh nakakainis bakit kasi may dare booth pang ganyan? Naiinis tuloy ako! Bakit pa kasi bumalik ang Leila na yan?! Akala ko ba umalis na ulit sila?!





Umiling ako at umalis na. Kanina pa ako naglalakad at hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng paa ko. Ng makita kong walang tao dito sa garden umupo ako sa pasimano ng fountain. Napabuntong hininga na lang ako. "Hahaha nakakainis talaga" umiling ako at dumampot ng maliit na bato saka hinagis.





"Bat kasi nauso yang dare booth na yan e. O baka pauso lang nila para maka chansing kay Zeus? Nakakainis ah!" Ibinato ko ng malakas ang hawak kong bato saka napairap.






"Aray! Mag ingat ka naman Hera! Nakakasakit ka ha!" Napalingon ako sa nagsalita at nagulat. Tumakbo ako sa kanya saka siya niyakap.





"Dylan! Omg! Namiss kita!" Niyakap ko siya kahit ang liit liit ko para sa kanya. Huhuhu.





"Namiss din kita. Sakit mo bumato ha, ano bang problema mo?" Tanong niya sakin saka kami umupo sa inuupuan ko kanina. Napairap ulit ako. "Si Zeus kasi e" panimula ko. "Diba iniiwasan mo yun?" Sabi niya. Ay hindi pa pala niya alam. "Ah, hehe kami na kasi Dylan!" Masaya kong sabi sa kanya. "Talaga?" Malungkot niyang sabi.





"Huy." Tinapik ko ang pisngi niya saka siya tinignan. "Bat hindi ka masaya para sakin?" Tanong ko. "Paano ba ako magiging masaya?" Pagda-drama neto





"Kung.." Tuloy nito. "Kung?" Tanong ko. Tinignan niya ako at umirap din siya ng paloko. "Inagaw mo sakin si Fafa Zeus!" Sabi niya sakin saka ako kiniliti. Napatayo naman ako agad at nagtatakbo. "Ahhhh! Hahahahahaha! Bakla ka na pala?! Ahahahahahaha!!!" Sabi ko saka nagtatakbo para d niya ako hinabol. "Oo! Akin lang si Zeus! Akin lang ang asawa ko!" Pang gagaya niya sa boses ni Monica sa Legal Wife.






Napahagalpak ako ng tawa at napatigil kaya nahabol niya ako. "Ahhh! Walanghiya ka Dylan! Bat kasi bumalik ka pa?!" Sigaw ko sa kanya at kiniliti ulit ako.





"Bakit ayaw mo na ba ako bumalik? Namiss kita babe! Hahaha pakiss!"ngumuso nguso pa siya at natawa ako lalo. Bakla na talaga to. "Yuck Dylan!! Lumayo ka sakin!"hinampas hampas ko siya saka niya ako tinigilan. Naghahabol ako ng hininga kasi talagang hiningal ako kakatakbo!





Magsasalita pa sana ako kaso may humigit sakin. Paglingon ko si Zeus.






"Oy teka lang si Dylan baka--"






"Baka ano? Baka mamiss ka ha?" Pagputol niya sa sasabihin ko saka hinarap ako. Napakunot ang noo ko. Siya pa galit?





"Ikaw pa ang galit ngayon?" Ganti ko.






Ginulo niya ang buhok niya sign na naf-frustrate siya. "Bat kasi kasama mo yun? Alam mo namang mabilis akong magselos lalo na at lalaki ang kasama mo e! Tas lalapitan mo pa yun?!" Naiinis niyang sambit sakin. Nag akyatan na naman ang mga dugo ko sa ulo ko.






"Nakita mo bang ako yung lumapit? Saka bat ka magseselos e kaibigan ko lang yun!" Depensa ko sa sarili ko. Ahhh nagagalit ako! Galit ako!






"Kaibigan?! Kaibigan ba tawag don e gusto nga niyang magpahalik sayo?!" Natawa ako sa sinabi niya. "Buti nga gusto lang e! Gagawin palang! E yung sa inyo ni Leila?! Ginawa niyo na nga e! Sa harapan ko pa! Sa harapan ng madaming tao!" Tinulak ko siya saka naglakad ulit. Gusto ko ng umuwi. Ayoko na dito!





"Hindi ko ginusto yon okay?! Walang may gusto non!" Sigaw niya hinabol niya ako at hinawakan ang pulsuhan ko saka pinaharap sa kanya.






"Ikaw d mo gusto! Pero siya ginusto niya! Sino ba kasing nagpakana ng dare booth na yan ha?!" Wala na akong pakielam kung pagtinginan at pagtsismisan kami dito. Pakielam ko sa kanila!






"Argh." Sabunot ni Zeus sa buhok niya at pinakalma ang sarili. Hinawakan niya ang kamay ko at masinsinang tinignan sa mata. "Look, im sorry. D ko sinasadya okay? D ko ginusto yon. D ko alam na may ganon. Ayoko siyang halikan kasi ikaw lang ang gusto ko. Sorry.." Sincere niyang sabi at hinila ako palapit sa kanya saka hinawakan ang magkabila kong pisngi.





"Ikaw lang Hera, ikaw lang" feeling ko nag init ang pisngi ko dahil sa kasunod niya ginawa.




Dahan dahan niya akong hinalikan sa labi na para bang ingat na ingat siya sakin. Hinalikan niya ako sa harap ng madaming tao. At nararamdaman ko na naman ang mga paru-paro sa tiyan ko at ang puso kong pumipintig ng mabilis at malakas.

Im His Fiancee (Kathniel Fiction) FIN.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon