Chapter 22: Tin-tin

113 3 0
                                    

Hera's Pov





Tamad na tamad akong naglalakad dito sa corridor ng school namin ngayon. Ewan ko ba parang ang bigat bigat ng katawan ko ngayon. Isabay mo pang ang sakit ng ulo ko. Tas ang matindi pa hindi kami sabay ni Zeus ngayon. Haaaay






"Oh Hera, bat ganyan itsure mo? Anyare 'teh?" Salubong sakin ni Amy pagkapasok ko ng room. D ko na lang siya pinansin at dire-diretso sa calculus room namin.





Inubob ko ang ulo ko sa lamesa saka triny matulog. Kaso itong si Amy kinukulit ako.






"'Teh kamusta na kayo ni fafa Zeus? Hihihi. If I know boyfriend mo talaga yun. Dine-deny mo lang" tinignan ko nga siya ng masama "d ko nga boyfriend yun ano ba~ saka patulugin mo ko. Ang sakit ng ulo ko" ayun. Nanahimik buti naman makakatulog ako. Wish ko lang na wala ang prof namin ngayon.






Zzzzzzzzzzzzz






"Pst" may kumakalabit sakin sabay sitsit. Ugh natutulog ako eh!





Nilayo ko ang braso ko sa kanya na kanina niya pa kinukuwit saka triny ulit matulog. Kaso makulit talaga to e.






"Hera.." Ngayong nagsalita na siya kilala ko na ang boses na to. Paano naman nakapasok to sa classroom namin?





"What do you want?" Ayan. Napapaenglish tuloy ako. Ang sakit talaga ng ulo kooooo! Siguro sa puyat na rin to. Ilang araw na akong puyat no tas wala pa akong breakfast kanina. Wala akong gana e.






"Are you sick? Sabi ng kaibigan mo masakit ulo mo" naramdaman kong umupo siya sa tabi ko. Ako naman inayos ang upo ko saka hinilot hilot ang sintido ko.






Hinawi niya ang buhok ko para matignan ako ng mabuti "Your head hurts huh? You didn't eat your breakfast again Hera. Again." Pinapagalitan na naman ako ng lolo niyo. Ang sakit sakit na nga e. Ang sakit sakit na ng ulo ko no. Nakakaloka.


Im His Fiancee (Kathniel Fiction) FIN.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon