Chapter 33: Trust

34 1 0
                                    

Hera's Pov




"1 choco latte and americano for table number 5! Coming up!" Ngumiti ako sa costumer namin pagkatapos isulat ang order nila at bumalik na sa counter para ibigay sa coffee makers namin ang order.






Umupo ako sa isang stool doon at nagpahinga sandali. Ahh, sumasakit na ang paa ko dahil sa suot kong heels. Plus d pa ako mapakali sa maiksi at parang costume sa cosplay naming uniform. D kaya ako pagalitan ni Zeus bat nakita niyang ganito itsura ko?






"Hera may costumer daw na gusto kang makausap sa table 8" sabi ng kasamahan kong si Jenny. "Bakit daw?" Inayos ko ang sarili ko at kinuha ang tray at sinabit sa bulsa sa may dibdib ko ang ballpen at sinuksok don ang papel.






"Mali daw nabigay mong order e." Yun lang ang sabi niya saka umalis. Ano? Mali order na naibigay ko? Imposible






Pumunta na ako sa table 8 at nakita ko ang mga kaibigan ni Zeus. "Uy Hera! Upo ka!" Pagkakita palang sakin ni Josh ay tumayo na siya at ikinuha ako ng upuan galing sa kabilang table. Wala namang nakaupo dun kaya ayos lang.







Pero umiling ako. "Mali ba naibigay na order ko sa inyo?" Tanong ko. 'Pasensya na palitan ko na lang" kukunin ko na sana yung mga kapeng nasa table nila ng pigilan nila ako. "Biro lang yun! Si parekoy kasi gusto ka makita kaya nagpalusot siyang ganon" sabi ni Ace at sapilitan akong pinaupo sa tapat nila.





"Sino?"



"Sino ba boyfriend mo? Diba ako?" Umupo si Zeus sa tabi ko at hinalikan ako sa pisngi. Agad namang nagreact ang mga kaibigan niya.






"Woah! Isa kang tunay na hokage!" Asar ni Chris






"Mahiya sa single!" Sabi naman ni Ace. Binatukan siya ni Chase "loko loko ka kasi e! Bumuntis ka na nga sa ibang babae pa!" Natatawang sambit ni Chase. "Ano to personalan?!" Ganti ni Ace at akmang wre-wreslingin na si Chase pero pinigilan sila ni Zeus. "Hoy tumigil nga kayo. Pwede na kayong umalis" pagtataboy niya sa mga kaibigan niya.






"Hala! Akala ko ililibre mo kami?!" Nagugulantang na tanong ni Josh. Inirapan naman siya ni Zeus. Hahaha! Ang cute nilang magkakaibigan! Sarap itapon sa Pluto!





"Umasa ka naman." Simpleng sabi ni Zeus at prenteng umupo sa tabi ko at inakbayan ako.






"Aray.." Umaktong parang nasasaktan si Josh at Chris at humawak pa sa dibdib nila kung saan malapit dun yung puso nila. "Ang paasahin ang mga puso naming nagmamahal ay sadyang kasuklam suklam na krimen.." Naiiyak na sabi ni Josh. "At dapat kang ikulong sa salang pagpapaasa. Isa kang paasa!" Sabi naman ni Chris at sinamaan lang sila ng tingin ni Zeus.






"Hayaan niyo na 'tol. Kung ayaw niya wag na nating ipilit. Tayo lang kasi yung masasaktan" pakikisakay ni Chase sa trip ng mga kaibigan niya.






Natatawa ko silang pinapanood habang si Zeus ganon parin. Masama ang tingin.






Tumayo silang tatlo at naiwang nakaupo si Ace. Hinila siya ni Chase na siyang kalapit nito. "Ano tsong ayaw pa makisama?!" Pabulong na sigaw nito. Ah basta ganon.





Napakamot sa ulo si Ace at napilitang makisakay sa trip ng mga kaibigan niya.






"Kung hanggang pagpapaasa ka lang naman sana hindi mo na sinimulan.." Hugot ni Ace.






" maling mali kasi na pinapaasa mo kami fafa Zeus e." Nababaklang sabi ni Josh





"We hate you!" Saka sila isa isang humarap samin.






Napailing ako habang tumatawa. "Ang cute nila. Hahahaha!"







"Gwapo ko." Lah pinagsasasabi nito?






"Bat mo pala ako pinatawag?"



"Miss na kasi kita." Sabi niya. "Magkasama na tayo kanina ah" sabi ko naman. "Pakielam mo ba?" Masungit niyang tanong sakin. Ngumuso ako. "Bat ang sungit mo?" "Bat ka nagpapacute?" Ganti niya. "Cute ba?" Nag taas baba ako ng kilay at umiling siya. Hinampas ko nga. "Aray! Brutal mo ah!" Nag cross arms ako. "Bat d ako cute sa paningin mo?" Naiinis kong sabi.






D niya ako pinansin at ininom ang kape niya. "Hooooy!!!" Inalog alog ko siya dahilan para matapon ang kape sa damit niya. "Ay pu--- Hera naman." Kumuha siya ng tissue at pinunasan ang damit niya. Napasimangot ko. "Sorry baby.." Para kong batang nags-sorry kasi pinagalitan ako ng magulang ko.






Nilapag niya ang baso sa mesa at hinarap ako saka hinawakan ang chin ko at pinatingin sa kanya. "Hindi ka cute kasi maganda ka. Pinakamaganda ka sa paningin ko. Okay?" Hinalikan niya ako sa tuktok ng ulo ko dahilan para mamula ang pisngi ko dahil sa kilig.






Umayos siya ng upo at napangiti ako. Ang gwapo ng boyfriend ko hihi. "Pinapauwi ka pala ni Tita, i mean ni Mama Min. Hindi ka niya ma contact kaya tumawag siya sakin kanina. Pinapauwi ka ng maaga. May pag-uusapan daw kayo. Importante"







"Tungkol saan daw?" Tanong ko. Importante? Baka tungkol lang sa kasal namin ni Zeus? "Hindi ko alam." Nagkibit balikat siya at tumayo na. Tumayo na rin ako at niyakap siya sandali. "Mahal mo ko Hera diba?" Bigla siyang sumeryoso at nagtaka ako don. "Oo naman. Bakit mo naman natanong?" Umiling siya. "Kahit anong mangyari pagkatiwalaan mo ko okay? I love you" hinalikan niya ulit ako sa tuktok ng ulo ko at niyakap ng mahigpit.






"Promise mo sakin na magtitiwala ka sakin kahit anong mangyari. Promise me Hera."





Bumitaw ako sa yakap at kahit naguguluhan tumango ako as a sign na pinagkakatiwalaan ko siya. "Promise."





Pagkatapos namin mag usap ni Zeus umalis na rin siya. Madami daw siya aasikasuhin sa SC Room. Kaya ako naman nag off na ako sa booth namin para makauwi na. Kaya na nila yun ng wala ako. Sayang lang kasi hindi ako makakapagparty mamaya kasi may banda daw na magp-perform.






Pagkauwi ko sa bahay. Dumiretso ako sa sala at nakita ko si Mama at Papa na seryosong nag uusap. "Nandito na po ako" nakangiti kong bati sa kanila saka nagmana at hinalikan sila sa pisngi nila.






"Hera may kailangan kang malaman." Umupo ako sa katapat nila sofa at seryoso silang tinignan. "Ano po yun? Bat ang seryoso niyo naman ata ma." Nagtataka kong sabi.






"It's about your sister."



-------

:O

Im His Fiancee (Kathniel Fiction) FIN.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon