Ang Salamin ,,

302 10 0
                                    

.........................................

Ang SALAMIN

Sabi ng lola ko malas daw pagtapatin ang pinto at ang salamin.

Hindi ko maintindihan kung bakit.

Basta malas daw.

Chinese ang lola ko kaya marami syang alam na pamahiin.

Hindi naman ako naniniwala sa mga ganung sabi-sabi hanggang sa may magpabago sa mga pinaniniwalaan ko…

Ako si Riss, ang babaeng mahilig manalamin.

Nakagawian ko na ang tingnan maya’t maya ang sarili ko sa salamin.

Mas matagal pa nga ako kung tumingin sa salamin kesa maligo o kumain.

Pag wala akong ginagawa, tumitingin lang ako sa salamin at gumagawa ng kung anu-anong pwesto na tila nagpapakuha ng litrato.

Basta gustong-gusto kong makita ang sarili ko sa salamin.

Gusto kong makita ang itsura ko kapag nag-iisip, kapag kumakain, kapag nagbabasa ng libro, kapag wala lang… basta gusto kong makita ang sarili ko.

Gusto kong makita kung pano ako nakikita ng mga tao sa paligid ko…

Pangarap kong maging isang modelo o di kaya artista…

kaya bata pa lang ako, humaharap na ako

magrecite ng talumpati, sumayaw, kumanta, rumampa o mag-practice ng kung anu-ano…

ang salamin ang nag-iisang saksi sa mga nakakubli kong mga panaginip…

ang salamin ang tangi kong kakampi sa buhay…

at ang nag-iisang matyagang tagapanood at tagapakinig ko na kahit kailan ay hindi humusga sa akin…

Ang salamin ang nag-iisa kong kaibigan.

Bunso ako sa apat na mag kakapatid

karaniwang tuwing gabi lang nagkakatao…

Abala ang mga magulang ko sa pagtratrabaho hanggang sabado at linggo.

Swerte na kung makita ko sila bago ko matulog at maabutan ko sila sa bahay pagkagising ko sa umaga.

Matagal nang hindi nakatira sa bahay namin ang mga kapatid ko.

Si kuya Ric, may asawa na kaya hindi samin nakatira.

Si kuya Rex, naglayas nung bata pa ko.

Hindi ko na sya nakita ulit simula nung umalis sya sa bahay.

Sarili nya kasi ang sinisisi nya kung bakit namatay yung isa ko pang kapatid, si ate Rina.

Pitong taong gulang pa lang ako nung namatay ang ate ko.

Ako ang sumunod sa kanya pero malayo ang agwat ng edad namin.

Hindi ko na halos maalala ang itsura nya.

Lahat ng larawan at gamit nya, ipinasunog ni mama nung inilibing sya.

Isa syang parte ng kahapong wala nang may gustong umalala.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 12, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Salamin ..(Horror Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon