Chapter 1 [Revised]

185 8 0
                                    

I'm a girl that has no normal family background, what do I mean? It means my parents are... well let's say... they're not the type of parents you want to love or be with. To be exact my parents is the MOST WANTED CRIMINAL, yeah most wanted kasi hindi pa sila nahuhuli wala ehh magaling silang magtago, lagi kaming lumilipat ng tirahan like every month or two lumilipat kami ng tirahan. Marami na silang ginawang kabulastugan, isa rin sila sa mga taong nasa drugs list so that means nanganganib ang buhay nila. But I don't care because like what I've said they're not the type of parents you want to love or be with kasi, ipapagawa nila sayo yung mga bagay na hindi mo dapat gawin like pagnanakaw, pagaakyat bahay at ipagkakait pa nila sayo ang kalayaan and believe me I've been there before.

That's why nung 17 years old na ako umalis ako ng bahay, as in lumayas na ako at hindi na nagpakita. Sinama ko rin ang kapatid kong si Terrence na 10 years old palang nun,we're so lucky na hangang ngayon hindi pa nila kami nahahanap. Sa maagang edad, nagtrabaho na ako para mabuhay kami and trust me it's not that easy. But look at me now, nakapagtapos na ako ng college with the help of scholarship and part-time jobs, at syempre alam niyo na kung ano yung isa.

-♥-

"Ate come on, enter that audition" pagpipilit ni Rence napairap na lang ako sa sinabi niya ito nanaman siya

"Pwede ba Rence tumahimik ka na kung sinabi kong ayaw ko, ayaw ko" pinipilit niya kasi akong sumali sa audition sa pagkanta pero hindi ako confident na maganda ang boses ko at ayaw na ayaw ko pa manding mapahiya sino ba naman ang may gustong mapahiya sa harap ng maraming tao.

"Sinasabi ko sayo mananalo ka doon" masyado siyang bilib sakin, ^_^ well masaya akong naniniwala siya sa kakayahan ko pero ang problema lang naman ay ako, wala akong tiwala sa sarili ko. Hindi na ako sumagot sa sinabi niya at tumaas na ako, habang tumataas ako sa hagdan nakita ko ang isang papel na nakadikit sa pinto naming matagal na rin namin itong nakikita.

"Another warning letter" bulong ni Rence, yup, it's a warning letter at ang nakalagay doon ay pinapaalis na kami kung hindi pa kami makakabayad ng upa this coming Saturday. ( ̄へ ̄)

"Bayaan mo na, hindi naman tayo papaalisin dito ehh" I said confidently well kasi naman matagal na kaming nabibigayan ng letter na ganyan, pero hindi naman kami pinapaalis sa hindi ko alam na dahilan. Pumasok na kami sa loob at naghanda ng pananghalian. Kumakain na kami ni Rence nang biglang may tumawag sa phone ng kapatid ko.

"Yo, what's up?" casual na sagot ng kapatid ko, habang kausap niya yung tumawag sakanya, napatingin naman siya sakin

"What?" tanong ko, inabot niya sakin yung phone niya at kinuha ko ito

"Hello?"

"Shay bakit hindi kita matawagan?" nagulat ako na boses ni sir yung narinig ko, tinignan ko pa yung pangalan sa phone ng kapatid ko at ang nakalagay 'Fish Head'. Napakunot ako ng ulo ng makita ko ang pangalan ng boss ko sa phone niya, tumingin ako kay Rence na nakatingin sakin at mukhang nagets niya yung tingin ko sakanya kaya napakibit balikat na lang siya, na napairap lang ako sakanya.

"Sorry po sir, low bat po kasi yung phone ko"

"Punta ka dito sa office ngayon na" at binabaan ako bago ako makatanong, ano daw? Office? Sa araw ng day-off ko? Wait ano ba ngayon di ba Sunday ngayon? Tinapos ko yung kinakain ko bago ako umalis at dumeretso sa office ni sir.

Pumasok agad ako sa office niya ng hindi kumakatok. Napatingi naman ng masama sakin yung boss ko

"Sunshine... how many times do I have to tell you to knock before you—" hindi na niya tinuloy yung sasabihin kasi alam niyang hindi parin ako makikinig sakanya, kaya napabuntong hininga na lang siya.

Playing the Game [Under Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon