Shay's POV
Pumasok na kami sa loob at diretso na kami sa kusina wala yung mga maids kasi nasa maids quarter sila. Kumuha ako ng pagkain namin at nilapag sa mesa. Mag uumpisa na sana kaming kumain ng may tumawag sakanya.
"Excuse me I'll just answer this" and he stormed out habang ako nag aantay sakanya. Habang nag aantay ako naalala ko yung phone ko naiwan
ko pala sa room niya tumaas ako sa kwarto niya at pumasok ako doon."Nasaan na ba yun?" habang hinahanap ko yung phone ko sa walk in closet niya. Sa pagkaka alala ko dito ko yun naiwan eh sabi ko sa isip ko. Nahanap ko rin sa wakas ang phone ko nahanap ko sa may laundry basket niya bumaba na ako pero pagkababa ko wala parin siya. After 3 minutes lumoob rin siya sa kusina in a bad facial expression
"Umm... Dummy sorry but I need to go" at sa ganon-ganon lang siya umalis nang hindi man lang sinabi kung bakit umalis at talagang naiwang ako mag isang kumakain.
Nasa kalagitnaan na ako sa pagkain ko ng naramdaman kong nagvibrate ang phone ko, kaya kinuha ko ito at may nagtext pero unknown number
From: 0921*******
Next time na lang tayo kumain ng sabay I have a meeting to attend to
I'm sorry.Kung nagtataka ka kung saan ko nakuha number mo... well kinuha ko kay nay.
Binack ko lang ang message niya kasi bad trip parin talaga ako pero ng binack ko marami akong nakitang missed calls and text from him.
From:0921*******
Where are you?
From:0921*******
Nasaan ka na ba?? kanina pa kita hinahanap
From:0921*******
Where exactly are you?? Please can you just answer my calls?
From:0921*******
Bat di mo sinasagot ang tawag ko?
From:0921*******
Hoy reply ka naman dyan ohh
From:0921*******
Hey!! Dummy where did you run from?
And many more pati phone book ko punong puno ng missed calls at dahil dun naguilty talaga ako nagpromise akong babawi ako siguro ito na yung time na yun.
Nagluto ako ng pagkain syempre yung specialty ko ang triny ko at yun ang PINAKBET!! \(^o^)/ sana magustuhan niya. Nagpasama na ako kay Manang Glo kasi siya lang at si Nay nagnakakaalam kung saan ang company ni Gab nung first nagdadalawang isip pa sila kung sasamahan ako pero buti na lang sinamahan nila ako.
"Hija hanggang dito lang ako mamamalengke pa ako kaya sige na" iniwan ako ni Manang Glo medyo malayo sa company pero tinuro naman niya kung saan pumunta ako doon at loloob na sana ako pero si kuya guard ayaw akong papasukin sa loob ayaw maniwala eh. Andoon na ako mga 11:49 am kaya okay lang.
"Sorry po talaga ma'am kung wala po kayong appointment hindi po kayo pwedeng pumasok" guard
"Ehh... kuya ang kulit mo katulong nga ako ni Sir Gab"
"Sorry p--"
"Seriously kuya? appointment sa pagkakaalam ko Secretary lang ang gumagawa nun at kung hindi ka talaga maniniwala tatawagan ko si Gab" kinuha ko ang phone ko at tinawagan siya pero nagriring lang ng nagriring
"So ano sinagot ka?" pangiinsulto na tanong ni Kuya sakin, inirapan ko lang siya at tumalikod habang sinusubukang tawagan ang phone niya hanggang sa siya na ang nagend ng tawag ko. Ginawa ko na lahat pati ying acting skills ko ginamit ko pero matibay siya.
Bumuntong hininga na lang ako. 12:30 andoon parin ako sinubukan ko ulit tawagan ang phone niya pero wala talagang sumasagot.
"Kung ako sayo Miss umalis ka na nagsasayang ka lang ng panahong mag antay kung gusto mo tulungan na kitang kumuha ng taxi" inirapan ko lang ulit siya at tumayo, tama nga si kuya nag aaksaya lang ako ng oras dito lalo na, kung hindi niya sinasagot ang tawag ko. Tumayo na ako sa gilid ng kalsada at nagsimula ng maghanap ng taxi.
"Ano naman ang ginagawa ng magandang dilag sa gilid ng kalsada at sa tapat ng kompanya ng kanyang amo?" sa gulat ko muntikan ko ng mabitawan ihampas yung lunch box, lumingon ako at nakita ko yung lalaking pinaghahampas ko noo
"Woah chill"
"Eh ano naman sayo?" mataray na sabi ko. Tumingin siya sakin at nakita niya ang hawak hawak kong lunch box.
"Is that for him?" hindi ko na siya pinansin at nagpara na ako ng taxi. Papasok na sana ako sa taxi pero hinila niya ako palabas
"Where do you think your going miss?" nakangiting tanong niya sakin
"Far away fron YOU!!" tinalikuran ko siya at nagumpisa ng maghanap ULIT ng taxi umalis kasi yung kanina ehh
"Hoy saan ka ba pupunta??!" tanong niya at talagang hindi niya ako tinantanan.
"Hoy saa--"
"Uuwi na happy?" at tinalikuran ko siya maya maya kinaladkad na niya ako papasok sa company at kinausap niya rin ang guard.Hinayaan ko na siyang hilain ako debale papasok naman sa loob eh
Nakapunta na kami malapit sa office niya pero may humarang naman sa pagpunta namin dun, isang babaeng may pagkatanda at halata sa mukha na stricto
"May appointment ka?" tanong niya habang nakatungin sa computer
"She's with me" sabi nung kasama ko at pinapasok kami. Nakita kong busy si Gab sa ginagawa niya kaya lalo akong naguilty kasi kanina ko pa siya tinatawagan yun pala sobrang busy niya. I should have known na busy talaga siya sabi ko sa isip ko.
"Yow bro!!" sabi nung kasama ko lumapit siya rito pero hindi siya tinitingnan ni Gab
"Pwede ba Miggy kung magdidisturbo ka ngayon not today okay kakatapos lang nung mga meeting at may meeting pa ako kaya go home or go somewhere else" sabi niya ng hindi tinitingnan ang kausap niya
"Well hindi naman ako pumunta dito kasi gusto ko, naging tour guide lang naman ako sa isang magandang dilag " sabi niya sabay kindat sakin napatingin si Gab sakanya at nagulat siya ng makita ako
"What are you doing here?"
"Umm...... ibibigay ko sana sayo itong pagkain na niluto ko pero sa tingin ko nakakain kana pala" sabi ko sabay tingin sa isang box ng pagkain sa gilid ng mesa niya tumingin rin doon ang kaibigan niyang si Miggy at ngumiti
"Oo nga noh... kumain ka na pala anong gagawin natin diyan sa pagkain na iyan??" tanong niya habang ang kamay niya ay nasa baba niya.
~~○~~
BINABASA MO ANG
Playing the Game [Under Revision]
RomanceAnong pipiliin mo? •Money or Peace? •Love or Family? •Being dumb or Being Smart? •Choosing the right thing or the wrong thing? •To lie or to be trusted? Choose between those two choices hindi pwedeng both kailangan isa lang. Mahirap magdesisyo...