After naming magusap nun I went to the stock room kung saan andoon lahat ng mga gifts, pictures at mga iba pang ibagay ng mga naseduce ko dati pero syempre nilagpasan ko lang ang mga yun at hinanap ko ang contract na tinago ko dito. Ang akala ko kasi hindi ko na gagamitin ito since maggragraduate naman na ako kaya tinago ko na lang yun dito.
"Akala ko naitapon nakita" sabi ko dun sa papel.
~~○~~
A Contract of Seducing
Date:____________
I (write you name) agree to call you (name of your seducer) in seducing and getting revenge to my former ex-boyfriend (write the name of your ex) for him to (write your reason) at any time from any place.
I (write your name) agree to help (name of seducer) at any time from any place no questions asked only in her financial needs in seducing not on her personal needs. I will pay her in time, in exact amount IF only she succeeded on her mission.
This agreement is hereby entered into this (no. of day) day of (month) , (year).
The starting Date is (write a date wherein you want me to start the mission) and the ending date is (write a date wherein you want me to stop).
____________________________
Signature of the Client____________________________
Signature of the Seducer____________________________
Signature of the Witness/es~~○~~
"Hay nakakamiss rin pala" hindi ko akalain namamimiss ko pala ito. Lumabas na ako doon at pumunta naman ako sa sala namin at kinuha lahat ng ebidensya ni Kristel kung saan nagpapatunay na naging sila nga kahit hindi ko naman nakita na sila talaga basta may enough proof okay na ako dun.
Habang ako'y nakatingin sa mga picture lalong patindi ng patindi ang kaba ko dahil nakakagulat ang mga picture na nakita ko
"No, this is not happening!!!"~~○~~
*Phone ringing*
"Hay... si Jasmine nanaman yan I'm sure of it" sabi ko sa sarili ko, tiningnan ko ang phone ko at si Jasmine nga talaga, it's Sunday na pero nakahilata lang ako sa kama ko habang nakatingin sa ceilling"Ate wala ka bang balak sagutin yan? nakakarindi na kasi sa tenga e kanina pa yan" reklamo ni Rence, simula nung umalis sila nung araw na yun, nung nakita ko kung sino ang iseseduce kong lalaki parang gusto ko ng magback-out kasi I can't believe that siya ang iseseduce ko.
Simula nung time na yun tawag ng tawag si Jasmine, hindi talaga siya makapaghintay sa isang linggo nasagot ko at halos every night siyang tumatawag. Pero sa totoo lang wala talaga akong balak kunin ang offer ni Kristel na pagseseduce.
"Ate ano ba?!" hindi ko napansin na nasa harap ko na pala siya
"Bakit?" tanong ko na parang tinatamad
"Ate kung hindi mo sasagutin iyan" sabay turo sa cellphone ko "Iendcall mo na lang or just simply off your phone! kung hindi itatapon ko yan!!" galit na nananakot na sabi niya, at dahil dun sinagot ko na ang tawag ni Jasmine na walang tigil
"Hello?" walang gana kong sinabi
"My Gosh Shay!! halos naka isang libo akong missed call sayo pero ni isa dun wala kang sinagot!! ano bang problema mo ha !! at lagi ka ng ganyan !! kailan ko ba talagang tumawag sayo ng napakarami para sagutin mo ang tawag ko?! pati mga text ko sayo hindi mo rin sinasagot at yung mga message ko sa fb hanggang 'seen' lang hindi ka man lang nag effort na magmessage rin !! hoy halos isang linggo ka ng nagiisip diyan ha hanggang kailan mo papaasahin ang tao?! Ano? bat hindi ka makasagot diyan?? Hoy Shay --" pinutol ko ang sasabihin niya kasi nakakarindi na
"Pwede ba Jas wag kang sumigaw daig mo pa ang babaeng na snatch ang phone. At tsaka parang kang nanay ko kung makasermon ka wagas. Hindi naman dahil sa halos isang libo mong tawag sakin ay sasagutin ko itong tawag mo, mag pasalamat ka kay Rence kung hindi niya ako tinakot malamang hanggang ngayon tumatawag ka pa sakin. Ganun rin sa mga text at message mo sakin wala talaga akong balak magreply sayo hanggang 'seen zone' ka lang at tungkol naman sa 'hanggang saan ko papaasahin yung tao' hoy FYI wala akong sinabing umasa siya no ang sabi ko maghintay siya. At hindi kita masagot kasi salita ka ng salita diyan at may gana ka pang magalit sakin" sabi ko sakanya ng may pagkainis sa boses ko
"O sorry naman daw, pero Shay ano na halos isang linggo na ang lumilipas wala ka pa ring sagot naghihintay pa man din yung tao sayo" kalmadong sabi niya
"Sa totoo lang wala akong balak kunin yung offer niya"
"ANO??! bakit? may nakita bang ayaw mong makita?"
"Hindi naman sa ganun pero matagal na rin kasi akong hindi nakakapagseduce at baka nangalawang na ang skill kung iyon" pagsisinungaling ko sakanya
"Pag isipan mo ps ang sagot mo at tatawagan ulit kita. Pagisipan mong mabuti yan at malaki pa man din ang ibabayad sayo ni Kristel. Sige bye" inend niya agad at naiwan ako dun na nag iisip
Makalipas ang ilang oras final na talaga ang desisyon ko at hindi na iyon magbabago. Maya-maya biglang may kumatok ng napakalakas na halos magiba na ang pintuan namin sa katok
"Sino po yan?" tanong ko habang naglalakad papunta sa pintuan. Pagbukas ko ng pintuan ay nagulat ako
"Hoy Ms.!! nung isang buwan pa kayo hindi nagbabayad ng upa dito!! baka gusto niyong ipabaranggay ko kayo!!"
woah, natakot tuloy ako sa banta niya, never akong napabaranggay kahit ang parents ko ay ganun."Wag naman po ate magbabayad naman po talaga ako pero wala lang akong naipon"
"A basta magbayad ka ng upa pero hanggang sa May 3, **** lang pero kung kayo nakabayad sorry na lang!!!" at dun nagwalk out siya habang ako naman ay nag iisip kung ano ang dapat gawin para maka bayad ng upa kung magpapaadvance naman ako nakakahiya kay Manager kasi nag advance rin ako dati. Sinara ko na ang pintuan at bumalik sa kama ko at nag isip hanggang sa nakapagdesisyon na ako
~~○~~
Jasmine's POV
Naguusap kami ni Kristel about kanina, oo kanina ko pa siya katabi at narinig niya lahat ng sinabi ni Shay. Hindi naituloy ang kwentuhan namin dahil sa may tumawag sa phone ko
"Hello?......owwwssss???!!...talaga??...... hindi ka nagbibiro?......oo ah masayang masaya ako no"
~~○~~
BINABASA MO ANG
Playing the Game [Under Revision]
RomanceAnong pipiliin mo? •Money or Peace? •Love or Family? •Being dumb or Being Smart? •Choosing the right thing or the wrong thing? •To lie or to be trusted? Choose between those two choices hindi pwedeng both kailangan isa lang. Mahirap magdesisyo...