Chapter 18 [Under Revision]

20 3 0
                                    

Umalis na ako sa bahay at pumunta sa amo ko and take note 8 na ako nakauwi. Dahan dahan kong sinara ang gate at mahina akong naglalakad

That's weird sabi ko sa isip ko, kasi naman ang tahimik sobra. Gaya kanina dahan dahan ko ulit binuksan ang pinto at dahan dahan ko rin ko itong sinara at pagkasara na pagkasara ko nakita ko si Gab na nakasandal malapit sa pinto

"Where have you been?" medyo calm ang boses niya pero pagkilala mo talaga siya mas nakakatakot pagcalm siya hindi mo kasi alam kung ano ang gagawin niya

"A...e... sir let me explain kasi---"

"Alam mo ba kung gaano mo pinag alala si Nay--" then I cutted him

"Nay rin pala ang tawag mo sakanya??" hindi ko naitago ang pagkaamaze sa boses ko na lalo pa ata niyang kinainis

"Sunshine!! are taking this seriously?!!" oo galit na ata siya

"Sorry po" sabi ko habang ko habang nakayuko GOSHH!! hindi ko kayang tumingin sa mata niya

"Alam mo bang muntikan na silang tumawag ng pulis. Alam mo bang hindi na siya nakatulog dahil hinihintay ka!! And yet you dont even bother to text or call me-- them!! " ooookay I'm scared anyone please help me T^T

"K--asi p--po yung phone--" he cutted me again

"I dont care if your about phone kahit low bat pa ito, I dont care if your phone got destroyed. My point here is to inform them kung uuwi ka o hindi kahit man lang nakitext or nakitawag ka sa iba!!" well he has a point there kaya tuloy lalo akong nakonsensya totoo kayang hindi nakatulog si Nay??

"Sorry po next time gagawin ko po ang sinasabi mo" sabi ko habang nakayuko nagtss lang siya at umalis kaya pagkaalis na pagkaalis niya pumunta agad ako sa kuwarto ni Nay. Pinapasok niya naman ako agad

"Akala ko po tulog na kayo" sabi ko sakanya habang nakaupo sa may kama niya

"Naku hindi mamaya pa ako matutulog. Pero bakit ka pala andito may kailangan ka ba??" alam niyo sa lahat ng napanood kong movie na may mga mayordoma sa panood, akala ko isa siya sa mga mayordong masusungit pero iba pala siya

"Ah kasi Nay ang sabi po kasi ni Sir Gab nag alala po kayo sakin na muntik na daw po kayong tumawag ng pulis at hindi daw po kayo makatulog ng maayos kaya andito po ako para humingi ng sorry" sabi ko sakanya pero tumawa lang siya sa sinabi ko

"Ayan ba talaga ang sabi ng batang 'yon??" tanong kaya tumango na lang ako

"Alam mo iha totoong nag alala ako sayo at hindi rin makatulog ng maayos" hala!! lalo tuloy akong nakonsensya

"Pero.......... hindi katulad niya" kumunot ang noo ko sa sinabi niya

"Ano pong ibig sabihin niyong sabihin??" ngumiti lang siya sakin ng kakaiba

"Ang totoo niyan siya ang hindi mapakali kaysa samin, siya ang kamuntikan ng tumawag ng pulis hindi ako, hindi rin ang ibang mga katulong at siya rin ang halos walang tulog kahapon kakahintay sayo" lalong kumunot ang noo ko sa sinabi niya anong ibig niyang sabihin??

"At oo pala hindi pa pala siya pumasok kanina kakahintay sayo" dagdag niya

"Ano po??!!" gulat na tanong ko

"Totoo lahat ng sinabi ko" sabi ni Nay kaya natahimik ako at nag isip pero hindi ko parin talaga madigest ang sinabi ni Nay hindi parin pumapasok sa isipan ko

"Pero Nay sorry parin po talaga kasi pinag alala ko po kayo. Nahimatay po kasi ako nung pauwi na ako kahapon pero buti na lang po at meron po yung kaibigan ako at tumulong sakin at dinala ako sa hospital at kanina lang po ako pinayagang lumabas kaya ngayon lang ako umuwi"

"Sure ka bang okay ka lang?? sa susunod kasi, wag ka ng pumasok o tumuloy kung masama ang pakiramdam mo. O siya pumunta ka na kay Gabby at sakanya ka humingi ng tawad" tumango lang ako at niyakap siya, umalis na rin ako pagkatapos nun.

Veyernina's POV

Nagulat ako sa sinabi sakin ni Shine kanina bago siya umalis na kami daw ang muntik na tumawag sa pulis e sa totoo nga si Gabby talaga ang muntikan ng tumawag sa mga pulis

~~FLASHBACK~~

"Sir wag na po kayong tumawag sure ko pong babalik po siya" pagpipigil ni Glo sakanya

"Anong babalik kaninang pa pala siyang hindi bumabalik hindi ba kayo nag aalala??"

"Syempre po sir nag aalala pero baka naman po nasa may bahay lang siya ng kaibigan niya"

"Dumedepende lang kayo sa BAKA??tssss friend...... *silence* she does'nt have a friend nor family" pabulong na sabi niya pero narinig ko pa ng malinaw ewan ko lang sa mga maids dito kung narinig nila hindi ko lang alam sa narinig ko pero kasi parang may bahid ng pag aalala o kaya kalungkutan sa boses niya.

Ngayon ko lang siya nakitang ganito ang pag aalala niya sa isang tao dati kasi kung nag aalala siya may halong padabog o pagmumukmok na parang bata sa isang tabi...

halimbawa na lang ng mga magulang niya na umuwi mga 11 ng gabi pagkadating na pagkadating nila pabalang na isinara niya ang pinto ng kuwarto niya o kaya nung time na muntikan ng mamatay ang alaga niyang aso dahil sa nakain nito na chocolate at natagpuan ko na lang siya isang tabi nagmumukmok na sinasabing "kasalanan ko kasi muntikan ng mamatay si Pitchy"

Napigilan namin siya sa pagtawag ng mga pulis pero hindi pa rin siya umaakyat para matulog

"Gabby matulog ka na ako ng bahala dito" pero nanatili pa rin siyang nakaupo sa upuan malapit sa pinto

"No ako ng bahala rito, all of you go back to your rooms" sabi niya kaya wala ng kaming nagawa kundi sumunod sa utos niya. Madaling araw na gising ako dahil sa malakas na kalabog sa taas nasa baba kasi ang mga kuwarto namin kaya dali dali akong pumunta sa taas at nakita si Gabby natulog at nasa floor ang Macbook air niya sa floor yun pala ang kumalabog.

Sinubukan ko siyang gisingin pero tulog mantika talaga ito at papanindigan niya talaga ang paghihintay kay Sunshine. Nasan ba kasi siya??

Kinaumagahan habang nag aayos ng makakain ni Gabby bigla siyang bumaba ng naka pambahay lang

"Hindi ka ba papasok sa trabaho mo??" umuling lang siya

"No I'll wait for her" sabi niya at nag umpisa ng kumain. Hindi lang halata sa mukha niya ngayon ang pag aalala pero kilala ko siya at masasabi kong nagaalala talaga siya ng sobra. Tagalang hinintay niya talaga si Sunshine. Ano bang meron kay Sunshine at nagkakaganito si Gabby??

Pagsapit ng bandang 8 ng gabi pinapunta niya kami sa aming mga kuwarto nagtataka sila pero hindi na sila nagreklamo pa, pero ako nakita ko sa CCTV na dumating na si Sunshine.

~~FLASHBACK ENDS~~

~~○~~

Playing the Game [Under Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon