Shay's POV
"What are you doing here?"
"Umm...... ibibigay ko sana sayo itong pagkain na niluto ko pero sa tingin ko nakakain kana pala" sabi ko sabay tingin sa isang box ng pagkain na naubos sa gilid ng mesa niya tumingin rin doon ang kaibigan niyang si Miggy at ngumiti
"Oo nga noh... kumain ka na pala anong gagawin natin diyan sa pagkain na iyan??" tanong niya "Sayang naman kung itatapon natin"
"Ahh hindi...... okay lang iuuwi ko na lang" sabi ko ng nakasmile pero deep inside disappointed ako sabi ko pa naman babawi ako pero I failed. Nakatingin sakin si Gab na parang sinusuri ako.
"Aww... pero sayang ang effort mo sa pagpunta rito" sabi niya
"No its okay"
"Aha!! May naisip na ako" bigla na lang niyang kinuha ang lunch box sa kamay ko at umupo sa sofa sa office ni Gab pagkabukas niya nagulat siya
"What kind of food is this? Ngayon ko lang ito nakita" lumapit ako sakanya nagulat rin
"Seriously?! hindi mo alam yan??" tumango lang ito na parang bata kaya natawa ako
"Ang tawag diyan pinakbet masarap yan"
"Pinakbet?? parang narinig ko na yun ahh" without any signal bigla niyang kinuha ang spoon at nilantakan ang pagkain
"T--teka......"
"Wow!!" he said in an amazed eyes
"It is really delicious how did you made it?" tanong niya ng hindi tumitingin sakin
"Well first you need--" hindi ko naituloy ang sasabihin ko kasi may naramdaman akong gumalaw sa likod ko nagulat ako nung nakita ko si Gab
"I want some so give me that" sabi niya habang nakalahad ang kamay niya pero ayaw siyang bigyan niMiggy
"Finders keepers" sabi niya
"Pero hindi yan nawawala"
"I dont care at tsaka kumain ka na kaya busog ka na samantalang ako nagugutom na"
"Hindi ako kumain" palusot ni Gab
"Anong hindi kumain ayun oh yung proof" sabay turo niya sa box ng pagkain na naubos na
"Hindi ko yan kinain" sabi niya at sinusubukan na niyang agawin yung lunch box kay Miggy pero si Miggy pilit na nilalayo niya ang pagkain kay Gab
"Ano ba bro kumain ka na kaya pagbigyan mo na ako nagugutom na talaga ako"
"I dont care kung nagugutom ka, you have your money kaya bumili ka na lang ng pagkain sa restaurant"
"Ehh ayaw ko dun nakakasawa na, gusto ko ng lutong bahay" pagkasabi niyang yun tinulak niya si Gab kaya napaatras ito at si Miggy naman tumakbo papunta sa terrace na sinundan naman ni Gab. Para lang silang naglalato ng habol habulan pero itong si Miggy ang unang nakapasok sa office, pagkapasok niya sinara niya agad ito at nilock
"Miggy open the door!!" in a loud voice and in a warning tone
"Huh I cant hear you at this moment kasi nasasarapan pa akong kumain" sabi niya habang kumakain
"Kahit kailan you are so selfish!!" para silang bata na nag aaway
"Well I'm not...... kinuha ko lang ito kasi nagugutom ako at tsaka hindi naman sayo ito e "
"Saakin yan, kaya nga siya pumunta dito kasi ibibigay niya sakin yan eh" sabi niya habang kinakalabog ang glass wall.
"Aalis na nga sana siya kung hindi ko lang siya pinigilan at tsaka kanina ko pa siya pinagmamasdan kaya nagutom talaga ako" pagkasabi niya iyon tumigil si Gab sa kakahampas sa glass wall at tumingin sakin at saktong naubos na rin ni Miggy ang pagkain. Binuksan ni Miggy ang glass wall at pumasok na siya sa loob.
"You're unbelievable"
"I know" sabi niya at ngumiti siya
"So I better get going na...... so goodbye bro" lumigon siya sakin at lumapit, kinuha niya ang kamay ko at hinalikan niya ito, nagulat ako sa ginawa niya kaya hindi ko magawang makagalaw. Umalis na siya at naiwan kaming dalawa with an awkward silence. Ako naman nagsimula ng ayusin yung gamit ko.
"Wala ba siyang tinirang pagkain?" pagbabasag niya ng katahimikan. Ngumiti ako ng malungkot indicating na wala ng natira he just sighed at bumalik na siya sa ginagawa niya.
Habang inaayos ko ang gamit ko may naririnig akong nag aaway sa labas ng office tumingin ako kay Gab kung narinig niya, nakatingin siya sa pinto na nakakunot ang noo. Tumayo siya at naglakad papuntang pintuan ng bigla na lang bumukas ang pintuan at may babaeng patakbong lumoob na yumakap kay Gab.
"Babe sorry ngayon lang ako nakarating" sabi nung babae habang nakayakap sakanya si Gab naman nakakunot ang noong nakatingin sa secretary niya
"I'm so sorry sir mapilit talaga siya" nagnod lang si Gab at umalis naman ang matandang secretary niya at ako?? Ito confused
"I miss you babe" humiwalay na siya sa pagkakayap kay Gab
"I miss you too babe" sabi ni Gab habang pinipisil niya ang pisngi nung babae na nakangiti, napanganga ako sa gulat pero nakabawi rin ako nung nakita kong fake ang ngiti ni Gab. Pano ko alam?? simple lang observant kasi ako.
Napansin ako nung girl kaya tumingin siya sakin from head to foot and from foot to head.
"Sino siya babe?" tanong niya with matching taas kilay, sasagot sana si Gab pero hindi niya naituloy
"Aahh I get it isa siya sa mga toys mo" ngumiti siya sakin ng fake
"Nagenjoy ka ba sa pakikipaglaro sa boyfriend ko?" talagang pinagdiinan niya yung salitang boyfriend ko
"Well I'm sorry kasi kukunin ko na siya" tumahimik lang ako kasi feeling ko hindi pa siya tapos magsalita, tumingin siya kay Gab ng nakapout
"Nawala lang ako ng saglit pinagpalit mo na ako sa isang bayaran na katulad niya" tumingin siya sakin nung sinabi niya yun "And look at her wala pa siya sa katiting ko, babe naman kung maghahanap ka ng paglalaruan sana yung kalevel ko hindi yung mas mababa pa sa mga langgam" hindi ko na natiis ang pinagsasabi niya kaya pinaharap ko siya sakin
"Hoy babaeng kulang na lang puputulan ko na ng dila dahil sobra ng magsalita, kung makapaghusga ka parang kilalang kilala mo ako ahh!!"
"Well obviously hindi!!"
"Hindi naman pala eh kung makasabi ka ng bayaran dyan, ano kaya kung tignan mo muna ang sarili mo at ipagkumpara mo ang sarili mo sa sarili ko di ba mas mukha kang bayaran dyan sa suot mong kulang na lang kita na ang lahat" oo naguusok na ako ng sobra pati rin yung babae kulang na lang maging kamatis na sa sobrang pula. Out of nowhere bigla namang napatawa si Gab ng mahina kaya sabay kaming tumingin sakanya na agad namang ikinatahimik niya
"How dare you insult the way I dress? Well as I can see wala kang taste sa fashion kaya iniinsulto mo ako hindi mo ba alam na mas mahal itong damit ko kaysa sa dyan sa pagmumukha mo o baka naman naiinsecure ka lang" tinaas ko ang kilay ko pati ang ulo ko I will not lose to the likes of her
~○~
Imagine na lang na pakbet ang kinakain niya dun sa picture hehehe tnx
May new rival na siya??!!! 0o0!!
Ano kayang isusumbat ni Shay sa babaeng kulang na lang daw tatabasan na niya ng dila?? abangan......
BINABASA MO ANG
Playing the Game [Under Revision]
RomanceAnong pipiliin mo? •Money or Peace? •Love or Family? •Being dumb or Being Smart? •Choosing the right thing or the wrong thing? •To lie or to be trusted? Choose between those two choices hindi pwedeng both kailangan isa lang. Mahirap magdesisyo...