Chapter 2 [Under Revision]

120 4 0
                                    

"Hello Sir"

"Shine bat hindi kita matawagan?!" naku po lagot galit ata si sir

"Ah sir ano po kasi" inhale (^_^;), exhale (^o^;) "May kausap po kasi ako kanina kaya hindi niyo po ako matawagan sorry po" grabe pinagpapawisan ako ng malamig

"Ahh ganun ba? o sige pumunta ka ngayon sa office" ano daw?office? e day off ko ngayong Sunday ah at marami naman sigurong nagtratrabaho sa restaurant di ba? Ano kayang ginawa ko? sana may maalala ako Lord help me

"As in now na Sir?"tanong ko na hindi pinapahalata sa boses ko na kinakabahan ako "Yes" he said coldly and he ended the call. Binigay ko na rin sa kapatid ko yung phone niya at nagpalit na ako ng damit

"Where are you going?" tanong niya while watching at the TV

"Out" I said shortly

"What did your manager said? At mukhang kabado ka?" tanong at tumingin sakin sabay flip ng bangs niya. Nag pogi talaga ng kapatid ko alam niyo bang school heartrob yan

"Oi ate stop staring at me natutunaw kaya ako alam kong gwapo ako pero please lang wag mo ng ipaobvious ang obvious na talaga" lumapit ako sa sofa at binato ko siya ng unan ng upuan

"Ang kapal ng mukha mo" sabay bato ulit ng unan sakanya na iniilagan niya habang tumatawa. Nawala ulit tuloy ang ngiti ko ng maalala ko yung sinabi ni Manager Ben

"Terence aalis na ako ikaw ng bahala dito" habang nasa tapat ng pinto

"Pupunta ka sa restaurant di ba? e di ba rest day mo ngayon?"

"E si Manager Ben kasi pinapapunta ako dun, may nailuto na akong ulam diyan para mamayang lunch. Wag mo na akong hintaying kumain kasi baka dun ako kakain, okay? sige alis na ako" at tuluyan na akong umalis nung narinig ko siyang sumagot sakin

"K bye ingat" he said coldly sanay na ako sa mga mood swings niyan

Habang nagaantay ng masasakyan hindi maalis sa isipan ko yung tungkol kay Manager hindi naman sa nega ako pero bakit kaya ako pinapapunta sa office??...

"Hay Shay wag ka ngang mag isip ng mga bagay na negative ang kinalalabasan sa pagpunta mo dun" sabi ko sa sarili ko. Pagdating ko sa office andoon si Manager

"Hi Sir Ben ( '▽' )ノ bat ang pogi mo ngayon?heheh" tinignan niya lang ako at bumalik sa ginagawa niya sa totoo lang 2 years lang ang agwat namin ni at 'tong resturant ay isa sa business ng kanilang family nakakainggit no?

"A sir bat niyo po ako pinatawag dito?" casual na tanong ko pero sa totoo lang kinakabahan ako sa loob na parang natatae na yata ako e heheh

Naglakad siya papunta sakin at inabot sakin ang isang envelope na puti. Ng makita ko yun biglang nanlambot ang tuhod ko at hindi ako magakagalaw pero hindi ko ito pinahalata sakanya

"Ito oh" inaabot sakin yung isang puting envelope kung saan pinaglalagyan ng mga suweldo namin

"Ano pong gagawin ko diyan?" tanong ko ng hindi kinukuha ang sobre, na lalo akong kinakabahan habang hinihintay ang aagot niya

"Malamang kukunin mo" at kinuha ko yung sobre kahit labag sa kalooban ko

"Nakaready na yung gamit sa labas" sabi niya at umalis sa harapan ko at lumabas ng opisina at lalo pa akong ng hina, ito na ba? Ito na ba ang turning point ng buhay ko? Sa mga pananakit ng mga damdamin ng mga lalake, calling na ba ito ni Lord para sakin??

Hindi pwede ito hindi ako pwedeng mawalan ng trabaho. Kaya sinundan ko sir sa labas inunahan ki pa nga siya at humarang sa harapan niya

"Manager wag mo naman ping gawin ito sakin" pagmamakaawa ko sakanya

"What can I do? I have no choice" sabi niya at naglakad ulit siya, sinundan ko naman siya at humarang ulit sa harapan niya. I don't care kung pinagtitinginan kami ng mga kasamahan ko sa trabaho

"You have a choice sir" I said calmly kahit sa loob naiiyak na ako

"No I don't have a choice kaya ikaw ang pinili ko, I'm sorry" at dun tumulo ang luha ko so ibig bang sabihin ni Sir ako ang pinili niyang tanggalin sa trabaho?? at dahil dun lumuhod ako sa harapan niya at nagulat silang lahat sa ginawa ko

"Sir please don't do this to me please" pagmamakaawa ko sakanya habang nakahawak sa laylayan ng pantalon niya

"Please stand up Shine" pilit niya akong pinapatayo pero nag matigas ako

"No sir hindi ako aalis dito" tumingin ako sakanya at nagulat siya ng makita akong umiiyak

"Hindi po ako aalis dito kahit ipagtabuyan niyo pa ako, wag niyo lang po akong sesantehin sa trabaho na 'to kasi ako na lang po ang nag papaaral sa kapatid ko, ako lang ang maaasahan niya kaya sir pagtinggal niyo po ako sa trabaho ko ano pong maipapakain ko sa kapatid ko? hindi pa naman po ganoon kadaling maghanap ng trabaho ngayon. Sir alam ko pong alam niyo yan kaya sir please wag niyo po akong paalisin" alam kong nakatingin samin ang mgakatrabaho ko napara bang nanonood ng telenovela

"Oo hindi kita sesesantehin kaya tumayo ka na diyan" sa mga narinig ko bigla akong nabuhayan ng loob "Sino bang nagsabi na sesesantehin kita ha?" hindi naman pala ako sesesantehin e "At may paiyak iyak ka pang nalalaman" at nagsitawanan naman ang mga katrabaho ko OHEMGEEEE!!!!

"A e sinusubukan ko lang po ang acting skills ko kung gagana sayo" syempre palusot lang yun no ayaw ko kayang mapahiya

"Halika nga rito" at hinila niya ako papuntang opisina at dun sinabi ko lahat ng mga naiisip ko at nagkaliwanagan na rin kame at syempre napahiya ako buti na lang kami lang ang andoon

"Alam mo ba Shine you're the weirdest person that I ever encountered except for my-- uurrrggghh never mind, kalimutan mo na yung sinabi ko and just go before I change my mind at totohanin ko yung sinabi mo kanina" pananakot ni Sir

"Ito na nga di ba sir aalis na ako, sige sir alis na po ako" at umalis na rin talaga ako gamit ng motor ng restaurant

~~○~~

Playing the Game [Under Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon