Gab's POV
Na paaga ako ng gising hindi ko alam kung bakit kaya bumaba ako at nakita kong meron ng nakalutong pagkain mainit pa at mukhang bagong luto tinignan ko kung may gising pero halatang wala tao sa paligid.
Nagsimula na akong kumain habang hinihintay ang pagbabalik ng nagluto ng ulam.
"Bat ang aga mo yata" tanong ni Nay habang papaunta sa ref
"Hindi ko nga rin po alam eh pero ikaw po ba ang nagluto nito?"
"Ahh hindi pero baka si Shay ang nagluto" sabi niya habang may hinahanap sa ref
"Pero saan po siya parang hindi ko siya nakita?"
"Hindi ko lang alam andoon ata ulit sa kwarto niya"
"Ahh" talaga bang iniiwasan niya ako? pagkatapos kong kumain pumunta ako sa kwarto niya at kumatok pero walang sumasagot kaya naisip kong baka natulog ulit
siya.Nakapagpalit na ako at lahat pero hindi pa rin siya bumababa tinawag ko na siya ng ilang beses pero ayaw talaga niyang bumaba.
Shay's POV
Ng makarating ako sa bahay ni Jas hinanap ko agad si Rence
"Rence!!"
"Ate" pumunta siya sakin at niyakap ko siya ng mahigpit tumingin naman ako sa kasama niya
"Anong pong ginagawa niyo rito?"tanong ko in a straight face
"Kamusta ka na anak? ayaw mo ba akong yakapin ng mahigpit katulad ng ginawa mo kay Rence? Hindi mo ba ako namiss?kasi ako namiss kita" tanong niya with a sweet smile and an angelic face sabay nagopen arms pero tinignan ko lang siya binaba niya rin naman agad
"Pwede ba wala akong oras sayo kaya sabihin mo na kung ano ang sadya mo rito?" sabi in a cold tone
"O sya sige alagaan mo na lang siya" sabay turo sa dala dala ni Jas na natutulog
"M-ma naman! saakin mo ipapaalaga?"
"Eh ano pa nga ba... no choice eh sawang sawa na sila tita mo eh ayaw namang tanggapin ng mga kaibigan ko" *face palm* hindi talaga ako makapaniwala
"Eh ma paanong ayaw tanggapin kung ipapaalaga mo sakanila ang anak mo at mukha 4 years old palang niyan" si mama hindi lang siya wanted criminal, drug pusher isa rin siyang prostitute kaya hindi na nakakapagtaka kung nabuntis siya
"Alam ba ni papa ito?"
"Hindi kaya wag mong sabihin sakanya kasi kilala mo naman siya" si papa naman hindi lang siya drug pusher nakapatay ng mga tao kaya isa rin siyang wanted criminal
"Ma hindi ako bahay ampunan para ibigay sakin sa anak mo sa ibang lalaki"
"So ayaw mo?" sabi niya sarcastically
"Oh siya may iba pa namang opitions diyan pwede ko naman siyang iiwan sa kalsada eh" kinabahan ako sa sinabi kasi alam kong kaya niya yung gawin well gumagamit naman siya ng drugs at sa ngayon alam kong gumamit siya"Ma naman bakit ba kayo ganyan? sarili niyong anak kaya niyong iabandona" sabi ko na naiiyak iishh bakit ba ko ba siya kinakausap eh alam kong hindi naman yan makikinig "At asan ba yung tatay niyan?"
"Ayon iniwan ko at tska hindi niya alam... kukunin ko na lang si Rence para magtrabaho alam mo naman kailangan ko ng taong kayang magkapera at pamalit na rin siya sa batang iyan" tumingin sakin si Rence na sinasabing wag ko siyang hayaan
"Sige kunin mo si Rence okay lang naman sakin" nagulat si Rence at pinanlalakihan ako ng mata samantalang si Jas naman ay gulat na gulat
"Sabi ko nga ba maaasahan kita" sabi niya ng nakangiti
"Pero kung pupunta sainyo si Rence at magtratrabaho hindi siya magkakatrabaho una dahil wala pa siya sa 18 yrs old kaya paggagawa naman siya ng masamang gawain mahuhuli siya at mapapaDSWD siya dahil minor palang siya. Pangalawa walang tatanggap diyan dahil hindi pa siya nakapagtapos ng high school at pangatlo pag siya nakuha ng DSWD baka makasuhan ka kasi ginamit mo siya at baka matrace kanila then sa kulungan talaga ang bagsak mo kaya kung ako sainyo hindi ko muna siya kukunin kasi wala siyang pakinabang sayo at isa pa sakit sa ulo yan magkakaproblema ka lang" sabi ko, sa totoo lang ako ang nasasaktan sa mga nangyayare ngayon
"Alam mo pwede mo namang sabihin sa mga ilang sentence yang sinabi mo eh pinahaba mo pa... o sige hindi ko muna siya kukunin pero maghanda ka na" sabi niya kay Rence at sabay alis
Rence POV
Pagkaalis ni mama umupo agad siya sa upuan nakatitig lang sa isa naming kapatid na mahimbing na nakatulog kay Ate Jas.
I know that deep inside gusto niyang umiyak pero hindi niya magawa kasi gusto niya maging malakas sa harap ko. Nilapitan ko siya at niyakap
"Thank you ate hindi mo ako pinabayaan" sabi ko niyakap niya rin ako ng mahigpit pero hindi siya nagsalita kumalas siya sa pagkakayakap bigla lang siyang tumayo
"Emm maglalakad lakad lang ako sa labas habang iniisip kung ano ang gagawin ko" sabi niya, umalis na at siya alam ko kung saab siya pupunta. Pupunta siya sa malapit na park at uupo habang umiiyak ng palihim alam ko kasi sinusundan ko siya ng palihim pag may ganitong situation buti nga at medyo magkalapit ang bahay ni ate Jas sa bahay namin dati kaya ngayon susundan ko ulit siya. Tumayo na ako at naglakad
"Hoy saan ka pupunta?"
"Susundan ko si ate. Bye!" tumakbo na ako palabas kahit tinatawag niya ako
Shays POV
Lumabas ako kasi hindi ko na kaya first thing in the morning umiiyak ako hahah ganyan talaga
Punta akong park at umupo habang umiiyak ganito ang ginagawa ko pag gusto kong umiyak ayaw kong makita ako ni Rence na umiyak lalong lalo na sa harap niya. Hindi ko alam ang gagawin ko ngayon parang ang hirap mag isip ngayon kung ano ang gagawin ko para akong pinipitpit ng problema ngayon.
"Hmm excuse me miss pwede ba akong makiupo?" tanong ng lalaki na kanina pa nagjojogging dito, umoo ako ng hindi ko siya tinignan. Umupo siya at parehas kaming tahimik.
"Miss pwedeng magtanong?" tumango lang ako
"Miss bakit ka umiiyak?" nagulat ako sa tanong niya pero hindi ko siya sinagot he is a stranger
"Ahh I get it sorry Im not a stranger Shine I can be your friend wherein you can tell me your problem and I promise I wont tell anyone about it" nagulat ako sa sinabi niya lalo na nung sinabi niya ang name ko kaya napatingin ako sakanya
"S--sir Ben"
"Ako nga so... bakit ka umiiyak?" ewan ko kung bakit pero lalo akong naiyak sa harap niya
"Woah... bakit may problema ba Shine?"
"Sir ayaw ko na! pagod na pagod na ako" tahimik lang siya habang nakikinig sakin "Bakit ba ganito? lagi na lang nila akong pinapahirapan" nakikinig lang siya sa mga pinagsasabi ko habang umiiyak ako ewan ko kung gaano niya ako katagal niyayakap pero ang alam ko nakikinig lang siya sa sinabi ko.
Rence POV
WTH! sino siya bakit niya niyayakap si Ate katrabaho ba ni ate siya? I need to find out who is he.
~~○~~
Anong masasabi niyo sa Mother, Mudra, Mama, Mommy, Ermatz, Ina, Inay, Inahin nila Shay at Rence? Isnt she wicked? cruel? bad? ano ba ang mas mataas wicked or cruel?
Sorry for the late upload (90° bow)
BINABASA MO ANG
Playing the Game [Under Revision]
RomanceAnong pipiliin mo? •Money or Peace? •Love or Family? •Being dumb or Being Smart? •Choosing the right thing or the wrong thing? •To lie or to be trusted? Choose between those two choices hindi pwedeng both kailangan isa lang. Mahirap magdesisyo...